-Krystal-Ilang linggo kaming abala sa pagtratrabaho. Pati ang mga day off pinapasukan rin namin dahil hindi kami makakapasok ng isang linggo para icelebrate ang birthday ko sa Korea! Naisip ko na naman kaya naeexcite ulit ako!
Dumapa kaagad ako sa kama pagkatapos kong maligo.Dapat kanina pa kami nakauwi pero nagdinner kami sa labas kaya nakauwi kami ng bandang 6pm.
Nakaayos na ang mga luggage namin at handa na kami para bukas.Madaling araw ang flight kaya kailangan kong maagang matulog.
Napanguso ako nang tignan ko si Dean na busy sa laptop niya dahil may ginagawa pa siya doon.Minsan hindi siya umuuwi dahil umaabot ng gabi ang duty niya pero naiintindihan ko naman.Sabi niya na may plano siyang magresidency pero may iba pa siyang kailangan ipriority maliban doon. Sasamantalahan ko nalang muna dahil mas lalo siyang mawawalan ng oras kapag nagresidency siya.
"Why aren't you sleeping yet?" Hindi ko napansing nakaupo na pala siya sa tabi ko
"I'm so excited for tomorrow! Saan ang unang pupuntahan natin? Namsan? Changdeokgung palace? Or Nami Island?!" I clapped my hands while imagining.It's not my first time to go to Korea,but it's my first time to go there with him which excites me more!
"Chill baby" he chuckled a bit " We really need to rest" he lay down on the bed and covered half of his body with the comforter. I immediately wrapped my arms on his waist and leaned my head on his chest.
It's already 7:45pm,we need to sleep to have enough energy for tomorrow.
Kaagad akong nagising sa tunog ng alarm. Nakapagtataka kung bakit bumangon ako kaagad dahil kadalasan kahit mag alarm na ipagpapatuloy ko pa rin ang pagtulog ko hanggang sa si Dean na ang gumising sa'kin.Dahil siguro 'to sa excitement kaya marami akong energy!
Nagluto lang ako ng simpleng breakfast para hindi kami gutumin sa byahe.Nauna na'kong kumain at pagkatapos ko,pumunta ako kaagad sa kwarto para gisingin si Dean.Linapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama,malapit kung saan siya nakahiga. Mukhang masarap ang tulog niya pero male-late kami kung hindi ko pa siya gigisingin
"Wake up hubby" bulong ko habang hinahawi ang buhok niya.Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya at yinakap ang bewang ko
What? He fell asleep again??
"Hey,love. It's time already" iniangat ang ulo niya at dahan dahang umupo.
"Eat your breakfast.Maliligo na 'ko" Dumaretso na 'ko sa banyo,siya naman ay lumabas na ng kwarto.
Naghanda na ako ng susuotin kagabi para hindi ako mataranta.Lalo na ako,mapili ako sa damit tsaka Korea 'yon! Para makapag post ako ng picture sa ig
Kaagad ko nang sinuot ang charcoal gray fitted turtle neck sweater ko.Pareho kami ni Dean na may ganito at pinagplanuhan na namin na ito ang susuotin namin.Nag black pants lang ako pangbaba at black ankle boots na may white fur design sa topline.
Pumunta ako sa condo ko dahil nandoon sina Ace tsaka Sandra. Doon namin sila pinatulog dahil sila ang maghahatid sa 'min papunta sa airport.
"Sandra,Ace?" Kumatok ako mula sa labas ng kwarto.Nakapasok na 'ko dahil nasa akin ang susi,malamang ako yung may ari.
