-Krystal-
"WAAAAAH!" Napasigaw ako nang maramdamang may nakayakap sa'kin.Humarap ako sa taong 'yon para makita ang mukha
Oh it's Dean?!
"Pinuyat mo'ko kaya magpatulog ka" tamad ang boses niya at halatang inaantok pa.
"Oyy! Bakit tayo magkatabi huh?" Hindi ko alam kung paano magre-react dahil nasa iisang kama lang kami.
Hindi ko alam bakit hindi ako galit sakanya dahil baka kung ibang tao 'to sinapak ko na
"Yung talagang magkatabi tayo yung inisip mo e hinalikan mo nga ako"
Agad akong napaupo sa sinabi niya
"Huh?Hinalikan?hindi ako marunong!" Depensa ko
Hindi naman talaga ako marunong!
"Mukha ka ngang expert e"
Hinila niya ang kamay ko pahiga sa kama,papunta sakanya dahilan ng pagsandal ng likod ko sa dibdib niya. Yinakap niya ako nang mahigpit mula sa likuran.Magrereklamo na sana ako pero nagsalita siya ulit
"Patulugin mo muna ako" Mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa'kin at binaon ang mukha niya sa batok ko.Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan siyang makatulog
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nagising nalang na wala na siya sa tabi ko.Bumangon na'ko at lumabas papuntang kusina niya dahil alam kong nagluluto siya ngayon.
"Aga mo nagising" bungad niya sa'kin
"Anong oras na ba?" Tumingin siya sa cellphone niya saka na binalik ang tingin sa'kin
"11:33 am" Kalmadong sagot niya
"Pupunta akong hospital ngayon e!!" Agad akong nagbalak lumabas ng pinto pero hinarangan niya 'ko gamit ang kamay niya
"Nagpaalam ako,pinagpaalam na din kita" walang pakielam na sabi niya na parang wala man sakanya na hindi siya pumasok
"Anong sabi?"
"Take a rest daw" nagdesisyon na lang akong umupo.Naghapag siya ng adobong manok at kanin.
Habang kumakain kami napansin kong naka white t-shirt lang ako at short!
Pinalitan niya ba ang suot ko kagabi?!
"Sinong nagpalit ng suot ko?!" Nagulat siya sa tanong ko kaya mas lalo akong kinabahan
Linabas niya ang phone niya at may ginalaw doon.Hinarap niya sa'kin ang screen ng cellphone kaya binasa ko ang nandoon
To:Sab
Sabrina come here and bring some clothes
From:Sab
But kuya nasa club pa'ko e
To:Sab
Now.
"Si Sabrina ang nagpalit ng damit mo" seryosong sabi niya bago binalik ang tuon sa pagkain
"Ikaw nga hinalikan mo'ko,nagreklamo ba'ko?" Nasamid tuloy ako sa sinabi niya
"Hindi ako marunong humalik!" Pagdepensa ko.Umiling lang siya at hindi na nagsalita
