-Krystal-
"Sabay na tayo" sabi nito bago pako tuluyang maglakad paalis
"Magco-commute nalang ako" sagot ko dahil baka mailang ako pag sabay kaming pumasok
"Mas mahihirapan ka kung magco-commute ka" seryosong sabi niya
"Okay fine pero babawi ako sayo"
Dumaretso nako sa elevator ganon din siya.Kami lang namang dalawa sa elevator kay madaming space at hindi kami nagdidikitan.Pero habang pababa ng pababa ang elevator padami ng padami ang mga tao kaya nasa pinakalikod kami ni Dean at nagdidikitan na ang mga kamay namin.
Pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa sasakyan niya.Nasa shotgun seat ako at nakatingin lang sa labas ng bintana.Nakita ko ang mga taong nag uunahan sa mga sasakyan.He's right mas mahihirapan ako kung magco-commute.
"Did you eat?" Pagbasag niya sa katahimikan
"Yes" pagsisinungaling ko dahil ayaw kona siyang maabala baka idaan niya pa sa mga nagbebenta ng pagkain.
Sadyang assuming lang ate girl nyo
Hindi ata siya naniwala kaya niliko niya papuntang drive-thru para mabilis.
"What do you want?" Tanong nito sakin
"I already ate" pagpapalusot ko.Nag order siya ng apat na burger at dalawang float.Binigay niya sakin yung tatlong burger kaya napa kunot ang noo ko
"Mukha bakong matakaw?" I asked that made him chuckled
"I just don't want to see you hungry" he replied that made my heart burst.
Namula ako sa sinabi niya pero nagpanggap nalang na walang narinig at kinain yung burger
Nang makarating na kami sa hospital,agad kong tinanggal yung seatbelt ko at bubuksan na sana yung pinto ng may maalala akong sabihin
"Babawi ako sayo" sabi ko at bumaba na
Pagkapasok ko sa hospital ay nagsimula nang magbulungan ang ibang mga nurse.Pumunta nako sa room naming mga nurse.Umupo nako sa upuan ko nang lumapit sakin sina Ella
"Anong meron sainyo ni Calvin?" Naghihinalang tanong ni Ella
"Kwento naman" pagpipilit ni Lucy
"Sorry girls maglilinis pako ng sugat sa room 304" sabi ko saka na umalis
Pumunta na agad ako sa room 304 at lininis ang sugat ng pasyenteng nandon.Lumabas na'ko at naglakad papunta sa susunod na kwartong pupuntahan ko.Naglakad na'ko palayo ng mapansin kong nakalimutan ko ang mga charts kaya naisipang bumalik.Pagkatalikod ko ay sumabal sakin ang isang doctor.Ka edad ko siya kaya feeling ko Junior doctor palang siya.
"Doc Damien" sigaw ng nurse sakanya saka kumaway.
"Sorry" sabi ko nalang at nagmamadaling umalis
Kinalahati kona ang mga pinapagawa sakin at napagdesisyonan ng maglunch.Pumunta ako sa foodcourt at bumili ng pagkain.Nang makabili nako saka ko nalang naisip na wala palang bakanteng upuan.
Hayst
Habang dumadaan ako sa mga table para maghanap ng vacant biglang may humawak sa kamay ko
"Sit here" sabi ni Dean sabay tingin sa table niya.Umupo nalang ako dahil wala akong choice kase walang bakanteng upuan.
"How's your day?" Tanong niya
"Okay lang" tipid na sagot ko saka na ibinalik ang tingin ko sa pagkain ko.
Naging tahimik na ulit ang pagkain namin ng biglang dumaan sina Ella at Lucy
"Pwedeng makiupo?wala na kasing vacant seat eh" tanong ni Lucy kay Dean
Bumalik ang tingin ko kay Dean na ngayon ay nakatingin sakin.Tumango lang ito at umupo na sina Ella at Lucy sa upuan.Dahil saktong apat ang upuan ay magkaharap kami ni Dean at magkaharap sina Lucy at Ella"May babae kabang gusto Calvin?" Tanong ni Lucy sakanya.Napaka walang hiya talaga
"Hmm yes" sagot ni Dean.Type ko sana siya may iba palang gusto sayang
Tumahimik nalang ako habang sila nag uusap lang.
"Tapos na kayong kumain?" Tanong ko sakanila
"Oo" sabay na sagot nila Ella at Lucy habang si Dean ay tumango lang
"Hindi pa ba tayo pupunta sa hospital??" Tanong ko dahil tapos na kaming kumain
"May pupuntahan lang kami sandali ni Ella" pagpapaalam ni Lucy sakin tsaka na umalis
"Let's go?" Sabi ni Dean at tumayo na.Tumango lang ako at sumunod na sakanya.Pagkapasok namin sa Hospital ay may nagtext sakin.Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ang message.
Mommy:
Diretso ka muna sa bahay natin nandito yung childhood bestfriend mo
Nagreply ako kaagad pagkabasa ko sa text
To mommy:
Sino daw?
Ilang minuto lang ay nagreply na si mommy
Mommy:
Ace
Hintayin niyo nalang po yung update ko.Hindi kopa po alam kung kailan
