7 years later..
-Krystal-
"Can I ask where's the consulting room?" A woman approached me. Wala naman akong ginagawa kaya sinamahan ko nalang siya papunta sa consulting room.
I waved my hands and smiled widely when I saw Dean in the hallway. Binaling niya ang tingin niya sa 'kin at nginitian ako bago binalik ang atensyon sa mga doctor na kausap niya.
Dumaretso ako sa mga fast food chain sa labas ng hospital para maghanap ng pagkakainan. Hindi ako sigurado kung maglulunch si Dean kaya nag order na lang akong mag-isa. Kaagad akong pumila habang kaunti palang ang mga tao., malapit na kasing maglunch ang mga students sa malapit na school kaya dadami na ang tao mamaya. Bago pa man ako makaorder, biglang nagcall si Dean.
[Where are you?] tanong niya kaagad.
"Kumakain sa harapan lang ng hospital, bakit?"
[Pag order mo 'ko, sabay tayong maglunch] sagot niya at pinatay na ang tawag dahil may doctor na tumawag sakanya.
Pinag order ko nalang siya ng pagkain kagaya ng inorder ko at umupo sa pangdalawahang upuan. Maaga kaming uuwi ngayon dahil Sabado. Birthday pa naman niya ngayon.
Hindi muna ako kumain at hinintay siyang makarating. Pinagmasdan ko nalang ang mga sasakyan sa labas habang hinihintay siya. Nabaling lang ang tingin ko sa phone ko nang magring 'yon.
"Hello Sandra"
[Mommy look at Dino! He's so fucking annoying!] Singhal ni Deanna. Kinuha niya na naman ang phone ng tita Sandra niya.
"Deanna Rain your words! Saan mo natutunan yan?" Napamasahe ako sa ulo ko. Lagi nalang silang nag-aaway.
[I always hear it from tita Sandra and tita Sab] she answered with her cute voice.
"Don't say that again, it's bad okay?"
[Okay mommy] I smiled by that. Hindi naman siya pasaway, sadyang hindi lang sila magkasundo ng kapatid niya. [Deanna! Why are you holding my phone? Don't tell me you post another photo on my Instagram without my consent?] Natawa ako dahil humagikgik si Deanna kahit nagpapanic na si Sandra. Nagpicture kasi siya sa phone ni Sandra at pinost sa Instagram kaya nabulabog ang mga fans ni Sandra kahit alam nilang may anak na siya. Malayo naman kasi ang mukha ni Yzielle kay Deanna.
"Sandra yung plan okay? Sure kang hindi mo sinabi kay Dean?" Tanong ko para masigurado. Madaldal pa naman siya
[Of course not! It's a surprise duh] she replied. She sounds defensive already. [I gotta go, nag-aaway mga anak mo] kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, hindi na 'ko nakapagsalita dahil dali dali niyang pinatay ang tawag.
"Sinong kausap mo?" napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Dean. Umupo siya sa harapan ko at linapag ang white coat niya sa side table.
"Si Sandra, nag-aaway na naman yung mga bata" napabuntong hininga ako.
"I'll talk to them later, don't stress yourself" he said in a calm voice and held my hand, caressing it gently. Kumalma rin ako dahil sakanya. Siya naman ang laging kumakausap sa mga bata at lagi naman silang nakikinig.
"Let's have family date later? It's your birthday we should celebrate" I suggested while we're eating although I already prepared something for his birthday. Baka maghinala siya kapag wala akong plano sa birthday niya.
