19

3.5K 143 20
                                    

-Krystal-

Simula nung bumalik kami galing Boracay,nag focus na siya sa pagrereview niya.

Naisip ko na baka nakakaistorbo lang ang presensya ko ngayon kaya naisipan ko siyang puntahan sa study room para tanungin


"Ayaw mo bang bumalik muna ako sa condo ko para makapag focus ka?" Tanong ko sakanya.


Natigil siya sa pagbabasa ng libro at binaling ang tingin sa'kin

"Are you...mad?" Tanong niya


Huh? Mad? Baka akala niya nagtatampo ako dahil wala siyang time para sa'kin


"Of course not" 

"Babawi ako after this,just promise to stay by my side"  he said,waiting for response

"Of course I'll stay hubby" bimigyan ko siya ng ngiti "Matutulog na'ko,I love you"  Hinalikan ko ang pisngi niya bago bumalik sa kwarto

Natulog akong mag isa kaya nagulat ako pagkagising ko dahil nasa tabi kona siya.Minsan kasi may mga araw na hindi siya natutulog.

Pinagmasdan ko muna siya nang maigi.Mukhang pagod na siya kakaaral kaya hindi ko na siya ginising

Naligo na'ko kaagad dahil may pasok pa'ko.Bago ako umalis,pinagluto ko na ng breakfast si Dean para hindi na siya magluto pagkagising niya.

Monthsary namin sa Sunday pero sa tingin ko,hindi na namin ma cecelebrate dahil busy siya sa pagrereview


Nakakalungkot lang dahil hindi na kami magkasama sa hospital.Balak niya naman na dito magtrabaho kaya hintayin ko nalang.


"Malungkot dahil wala si Doc" sabi ni Lucy kay Ella

"Sama ka nalang sa'min ni Lucy-fer sa Sunday,Clubbing!"  Excited na sabi ni Ella

"Mags-stay nalang ako sa condo"   pagtanggi ko.Gusto kong makasama si Dean sa monthsary namin kahit hindi kami mag celebrate.


Nung lunch time namin,doon ko lang nakita ang text ni Dean

From:My hubby

Babe,pupunta dito ang mga friends ko

To:My hubby

Sino lahat?

From:My hubby

Kien,Adrian,Hanna and Karen


Kumunot ang noo ko nung mabasa ang pangalan ni Karen pero iintindihin ko nalang.Hindi ngayon yung panahon para magselos


Mag gagabi na nang makauwi ako dahil nagkaroon ng emergency.Hindi ko inaasahang madatnan ko pa ang mga kaibigan ni Dean


"Doon muna ako sa condo ko" pagpapaalam ko kay Dean na kasama ang mga friends niya sa living room


"No need baby,uuwi rin sila.Tinatapos lang namin 'to"  tinaas niya yung libro


"Baby daw pare!"  Nagtawanan yung dalawang lalaki habang si Karen tsaka yung isang babae nagkatinginan sila.Biglang bumaling anh tingin sa'kin ni Karen kaya pinagtaasan ko siya ng kilay

Makakatikim sa'kin 'to e!


Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko bago pumasok sa kwarto.Naligo na'ko kaagad at dumaretso na sa kama

Let's Change Our Fate (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon