Chapter 1

9.8K 152 2
                                    

" Sino siya Kai?"

Bumaling si Kai sa dalagita na namamasa ang mga mata na nakatingin sa kanya. He feels like any moment ay iiyak ito.

" Since when did you stop calling me Kuya?"

Sa halip sagot niya sa dalagita at umiwas nang tingin.

" I'm not Iris. Si Scar ako!"

Mataas ang boses nitong sabi. He knows she's not in the mood. Hinawakan lang niya ang ulo at tinalikuran na ang dalagita.

" Kai!"

Sigaw ni Scar pero nagmamadali siyang sumakay sa kanyang ducati at umalis na sa school premises. Scar is such a spoiled daughter,kung saan sinunod nang magulang na pumasok sa paaralan kung saan siya naka enroll at ang bunsong kapatid na si Iris.

Naiwan si Scarlet na naghihimutok, hinanap niya si Iris ang nag iisang kapatid ni Kai.

" Go, Iris!"

Malayo pa lang naririnig na niya ang pag cheer sa dalagita. Masyadong active ito sa mga school activity, tulad ngayon varsity player ito sa volleyball.

Naupo siya sa bench at pinanood itong maglaro . Bilib ito sa dalagita na walang alinlangan na mag pawis. Samantalang hindi niya kayang tagalan ang amoy pawis. At lalong hindi niya gustong pawisan.

Pilit niyang kinalimutan ang eksena kanina. Si Kai na kanyang ultimate crush na may inakbayan na dalaga habang inihahatid sa sasakyan. Nakita na pa niya ang paghalik nang babae sa pisngi ni Kai bago ito tuluyang sumakay nang kotse.

" Ano naka homerun na ba si Kuya sa dream mo?"

Mukha ni Iris na malaki ang ngisi sa kanya ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

" Kina karir mo ang pag daydreaming mo Scarlet ah. Kanina pa ako tumatawag sa iyo."

Sabi nito habang pinupunasan ang pawisan na mga braso.

" Tapos na ba ang practice?"

Tanong niya at tumayo na, sinabayan niya ito sa paglalakad.

" Maligo ka muna, Iris. You smell lang hell."

Reklamo niya dito nang akbayan siya at umiwas dito pero tinawanan lang siya.

" Hindi ako sasakay sa kotse mo. Kay kuya ako sasabay."

Sabi ni Iris agad siyang sumimangot .

"Umalis na, me date yata."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Iris.

" Iris, wag kang mag sinungaling sa akin. Girlfriend niya ba iyon?"

Hinarap niya si Iris kahit amoy pawis ito at tinitigan sa mata.

" Yata! I'm not sure."

Sagot ni Iris at nagkibit nang balikat.Lalo siyang nalungkot sa narinig.

" C'mon Scar, hindi pa naman mag aasawa si Kuya. Hayaan mo na muna. Palakihin mo muna dede mo baka makita ka ni kuya bilang babae. Hindi iyong nene na laging naka buntot sa kanya."

Hindi na siya tumanggi nang akbayan siya ni Iris.

" Sinabi niya iyon?"

Tumango naman ito.

" He looks at you like a kid sister. Kaya i reserve mo na lang iyang pantasya mo kay Kuya sa iba sa posible na maging kayo. Baka lumawig pa iyan at mapunta sa one great love. Ikaw din you will grow old sad and lonely dahil hindi naging kayo nang one great love mo."

Payo pa nito na may patapik tapik sa kanyang mga balikat.

" Walang imposible Iris."

Sabi niya at napapalatak na lang si Iris sa kanya.

" Punta ka sa bahay sa weekend, merong ipa pakilala si kuya sa amin."

Napahinto siya sa paglalakad.

" Magdadala siya nang babae sa bahay ninyo?"

" Yup!"

Saglit siyang natigilan dahil parang kinurot ang kanyang batang puso.

" Ibig sabihin seryoso si Kai sa kanya?"

" Maybe. Mama can't influence kuya to be a doctor but Michelle does."

Parang gusto nang tumulo nang kanyang luha.

" Kilala mo siya? Wala kang sinasabi sa akin!"

Pagtatampo niya, at  dito nabaling ang kanyang sama nang loob.

" Ipinakilala ni Kuya sa akin nang makita ko sila sa mall by accident. Saka baka tinatago niya din sa akin mga babae niya dahil alam niya malalaman mo at kukulitin mo naman siya."

Sumimangot siya sa narinig dito.

" Gusto ko lang naman makita kung ano ang nakikita niya sa mga babae na iyon na wala ako."

" Malamang dede!"

Tumawa si Iris pagkasabi noon. Kahit kailan talaga hindi siya seniseryoso nito.

" Lalaki din ito sa tamang panahon!"

Sabi niya dito na naka busangot pa din.

" Iyon ang point ko, Scar. Wala ka pa sa tamang panahon. Mag aral ka muna kesa humabol habol ka kay kuya."

" Hindi mo ba nakikita Iris na nasasaktan ako tapos dinadagdagan mo pa?"

Pinameywangan niya si Iris.

" Ginigising lang kita sa katotohanan Scarlet Buenavista Ortega Manalo. Apo nang dating pangulo nang bansa. Hindi lahat makukuha mo, not my Kuya."

Sabi nito at agad siyang napaiyak sa sinabi nito.

"You're so mean Iris! I hate you!"

Umiiyak na tinalikuran niya ito. Hindi na niya pinansin ang pag tawag nito sa kanya.

Sinubukan siyang tawagan nito pero hindi niya ito pinansin. Matagal na itong lagi na sinasabi na magising siya sa katotohanan, pero ano ang magagawa niya?

Ultimate dream boy niya si Kai.

Parati pa din sinusubukan ni Iris na makipag ayos sa kanya pero matigas siya. Hanggang magpadala ito nang larawan na nakapag pa bangon sa kanya sa kama.

" They're here! You will not come?"

Kuha iyon ni Kai at nang babae na sinasabi nito na dadalhin nito upang ipakilala.

Iris succeeded to get her attention. Agad siyang nag reply dito.

" Pupunta ako diyan ngayon na!"

Mabilis siyang nag ayos nang sarili, siniguro niyang maganda siya at mabango. Naglagay siya nang light make up at nude lipstick. Siniguro niya na maganda siya, magandang maganda.

Matapos maging satisfied sa kanyang anyo na nakita sa salamin. Sumilay ang kanyang ngiti sa kanyang mga labi.

" Sa edad lang kami nagkaiba, but i am more beautiful than her."

Aniya habang pababa nang hagdan.

" San ang lakad Scarlet?"

Mula sa kusina ay tanong nang kanyang ina.

" Nanay punta muna ako kina Iris."

Lumapit siya dito at humalik sa pisngi.

" Si Iris ang pupuntahan o si Kai?"

Tanong nito at pinasadahan siya nang tingin.

" Nay naman, alam mo ba iyon."

Lambing niya sa ina at yumakap.

" 'Nak, kung para sa iyo para iyo. Wag pilitin ang ayaw baka masasaktan ka lang."

Payo nito sa kanya pero nginitian lang niya ang ina.

" Look at me Nanay, meron bang aayaw sa akin?"

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon