Chapter 30

4.6K 127 0
                                    

" Wake up Justine Kai Cervantes!"

Nagmulat nang mata si Kai at tumambad sa kanya ang nakapameywang na kapatid na si Iris.

" What?!"

Galit niyang sabi sa kapatid, halos dalawang linggo na siya sa high land resort na itinayo nang kanyang Tito Theo at mga kasama sa military.Sa tulong ni Logan nag stay siya sa tree house nito.

"Tumayo ka ngayon din, kung ayaw mong tawagin ko sina daddy. Masyado mo ini stress si Scarlet. Gusto mo bang ma abort ang baby ninyo?"

Sumandal siya sa headboard nang kama.

" What happened to her?"

Tanong niya at inabot ang bote nang alak sa side table at uminom mula sa bote. Naiiling si Iris na lumapit at inagaw sa kanya ang bote nang alak.

" Iris!"

Angil niya sa kapatid. Pero inilayo na nito ang alak sa kanya.

" You did not hear me, Kuya? Scarlet and your baby need you."

Dumapa lang si Kai sa kama at tinakpan ang ulo nang unan. Pero hinatak iyon ni Iris. Kaya galit na bumangon si Kai.

Bago pa niya sigawan ang kapatid, agad nitong inihagis sa kanya ang sobre.

" Basahin mo nang matauhan ka."

Sabi ni Iris at kinuha niya ang papel at binasa.

" Shit! Is this true?"

Tanong niya sa kapatid at nanghihina na napaupo sa kama.

" That's the original result. At ang nagpasakamay mo ay dinaya lang. Michelle cheated you, siya ang baog at hindi ikaw. Pinalitan lang niya ang resulta para wala kang choice kundi manatili ka sa tabi niya."

Sabi pa ni Iris at nakadama siya nang galit sa akala niya ay kaibigan.

" I trusted her, it thought she's a friend. Alam niyang mahal ko si Scarlet and I'm only waiting for her to grow up."

Sinapo niya ang ulo dahil para iyong sasabog sa madaming isipin.Hindi niya akalain na ito ang sumira sa pag asam niya na maligawan si Scarlet pagtuntong nito sa tamang edad. Si Michelle ang kanyang naging malapit na kaibigan noong mag pre-med course siya. Hanggang ituloy niya sa medicine at mag specialty siya sa pediatrics. Inulit pa niya ang test sa Boston dahil umaasa siya na nagkamali lang. Para ituloy niya ang pangarap na magkaroon nang pamilya kasama si Scarlet. Pero si Michelle ang kumuha nang resulta nito at sinabi nitong ayaw lang nitong maging malungkot ulit siya.

Noong mga panahon na iyon na nalaman niya ay nilunod niya ang sarili sa alak. And Michelle comforted at nangako sa kanya na para dito he's a complete man. Doon nagsimula ang relasyon nila kahit na si Scarlet ang mahal at inaasam niya.

"How stupid I am."

Galit niyang sabi sa sarili.

" Better to take a test again. Bago pa ipa DNA ni Scarlet ang anak ninyo. You know how many weeks only she's pregnant."

Tumango siya, dahil nang malaman niya na buntis ito ay six weeks pregnant pa lang ang asawa.

" Where's Michelle?"

Tanong niya sa kapatid pero ngumisi lang ito.

" I send her far away, and make sure she will not ruin you and Scarlet again."

" I need to talk to her!"

" No need, I will send in your phone what you need to know."

Sabi ni Iris at may pinindot pindot sa cellphone. Noon din ay tumunog ang kanyang phone.

" How's Scarlet?"

Tanong niya at hinayaan lang ang kanyang cellphone. Alam niya na masakit para dito ang huli nilang pagsasama.

" She's always crying, akala niya sumama ka na kay Michelle at iniwan mo siya."

Nailing na lang si Iris, pasalamat na lang siya at nandoon siya nang panahon na iyon at narinig niyang lahat ang problema nang kapatid. Kaya humingi siya nang tulong kay Logan na mag imbestiga at sa loob nang mahigit isang linggo nakuha na niya ang mais malaman. She's not sure if Scarlet will ask her for help. Hindi nga nito sinabi na hinalikan ito nang Kuya niya, ganun din ang Kuya niya na hindi man lang nagsabi sa problema nito.

" I just need some time to think. Pero tinapos ko na ang ugnayan ko kay Michelle mula nang ikasal kami. At pati pagkakaibigan tapos na din dahil sa ginawa niya."

Sabi niya at lumabas sa veranda nang tree house, tinanaw ang malawak na nasasakupan nang highland resort.

" I don't know what to feel, Iris."

Sabi niya sa kapatid na tumabi sa kanya at tumanaw din sa labas nang treehouse.

" I'm happy, but I don't know how to make it up to Scarlet. I'm hurting her in purpose before, para lumayo siya sa akin dahil natatakot ako na iwan niya ako kung hindi ko siya mabigyan nang anak. O kaya ang worst scenario na sobra akong masasaktan, ang sumiping siya sa iba para lang magka anak."

Nagpawala siya nang buntong hininga.

" Mabait pa din ang Diyos sa iyo kuya. She's decided to forget you, pagbigyan ka sa gusto mo. Pero hindi natuloy sina Tito Pascal lumuwas dahil inatake si Mang Boyet. Kaya na shotgun marriage kayo."

Natawa na lang din siya sa nakakahiya na umaga na iyon sa buong buhay niya.

" Hindi pa dapat ibigay ko ang kasal na nararapat sa kanya? "

Matamis na ngumiti si Iris bilang pag sang ayon.

" Why not make it very special?"

Nag isip siya kung paano mabibigyan nang special na kasal ang asawa.At may idea na pumasok sa kanyang isipan.

" She deserves it."

" And you too Kuya. Hindi madali ang pinag daanan mo."

" Yeah, your right."

Sabi niya at inayos niya ang mga gamit at bumalik siya sa kanilang beach house. Samantalang binilinan niya si Iris na mag file nang leave at samahan muna si Scarlet sa kanyang condo. Habang inihahanda niya ang kasal na para sa asawa.

At regalo niya sa sarili ang muling pag papa tingin sa kanyang kakayahan bilang magka anak.

" Here's the result, Mr. Cervantes. Your healthy, and sperm count is also normal. Kahit isang dosena pwedeng pwede kang magkaroon nang anak. Pero sa isang babae lang, para iwas sakit nang ulo."

Nakangiti na sabi nang doctor sa kanya na tinawanan lang niya.

" I don't like a headache. And my woman deserves to have a faithful husband."

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon