Mabilis siyang bumaba nang maihatid siya ni Kai sa kanilang bahay. Pero bago siya makapasok sa gate nahawakan siya ni Kai sa braso.
" I'm sorry Scar, alam ko masama ang loob mo. Pero bata ka pa, ayaw ko lang gumawa ka nang bagay na pagsisihan mo."
Lumingon siya sa sasakyan kung saan naghihintay si Iris. Nauna na nitong na ihatid ang girlfriend nito.
" If you think I'm just a kid you shouldn't kiss me."
Madiin niyang sabi, Kai's lips formed into a thin line. Kumuyom ang kamao nito.
" I'm sorry I just wanted to scare you so you will go home."
Gumuho ang pag asam niya na may gusto din sa kanya si Kai sa binigay nitong paliwanag.
" Scare me? Do you know what scares me? My feelings for you, Kai."
" Scar, go inside."
Sabi ni Kai at tinalikuran na siya. Mabilis itong nag maniobra at umalis. Naiwan siyang naiiyak sa sama nang loob.
Dahil sa pag rerebelde sa binata, hindi niya iniwasan si Liam. Mas naging malapit siya dito. Natural na silang makita na magkasama sa campus.
" Your so gorgeous, Scarlet."
Hindi maitago ang paghanga sa kaniya ni Liam. Merong event sa intramural at iyon ay ang fashion show. Na mana niya sa ina ang hilig sa modeling.
" I know Li,"
Pabiro niyang sabi dito na ginantihan ito nang ngiti.
" I'm lucky to have you Scar."
Sabi nito sa kanya, pero tumawa lang siya.
" Mag start na ang show."
Paalam niya dito at pumunta na siya sa likod nang stage para mag simula na rumampa.
Dahil ito ang gusto niya naging natural na lang sa kanya ang kanyang galaw. Nasa audience ang kanyang mga magulang at alam niya na proud ang mga ito sa kanya.
Nahagip din nang tingin niya si Kai na nasa audience, at iniisip niya kung humahanga ba ito sa kanya.
Matapos ang fashion show malakas na palakpakan ang kanilang narinig. At masaya siya na successful ang event na iyon.
" I'm so proud of you Scar."
Salubong sa kanya nang kanyang ina at ama.
" Thank you, Nay."
Sabi niya na masayang masaya. Lumapit din sa kanila ang pamilya ni Iris.
" Wow! Congrats Scar, ang galing mo."
Bati ni Iris at niyakap siya.
" Pascal, punta kayo sa bahay meron kaming party para kay Kai."
Pag imbita ni Tito sa kanila na agad naman sinang ayunan nang kanyang ama.
" Sure, asahan ninyo kami."
Pagkatapos magpalitan nang kumustahan ang dalawang matalik na magkaibigan ay nagkanya kanya na ang mga ito nang sakay nang sasakyan.
"Scar!"
Lumingon siya sa tumawag si Liam iyon na me hawak na bouquet nang bulaklak.
" Who's he, Scar?"
Tanong nang kanyang ama na nahinto ang pagsakay sa sasakyan.
" Tatay si Liam, Liam tatay ko."
Pakilala niya sa dalawang lalaki na nasa harap niya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Boss
RomanceScarlet Buenavista Ortega- Boss of fashion industry She's quite popular like her mother and she fell in love just like her. Her eyes only sees Kai Cervantes, her heart beats only for him since the time immemorial. Hanggang kailan siya magma...