" Scarlet saan ka pupunta?"
Agad na tanong nang kanyang ama nang makita na pababa siya nang hagdan.
Pangalawang araw pa lang niyang nakakarating at dito sa kanilang mansion sila tumuloy. Hindi sa kanilang beach house na katabi nang beach house nina Kai.
Una agad niyang tinawagan si Iris at napag alaman niya na sa Baguio nag residency si Kai kung saan ito nag aral nang pre med school. At siya doon din nang aral until her senior high. Kasama niya namuhay sa bahay bakasyunan nila sa Baguio ang kanyang yaya at ilang kasambahay.
Matapos ang kidnapping incident sa kanya kinuha siya sa Baguio nang mga magulang at dinala sa ibang bansa. Doon niya itinuloy ang pag aaral, from Bachelor of Fashion Design hanggang sa mga post graduate course.
" Tay, nagyaya sina Lavin at Ava. Please, di ba i deserve naman some celebration?"
Lambing niya sa ama na yumakap pa dito.
" Wag mong tatakasan ang bodyguard mo,
kundi ibalik kita sa ibang bansa."Banta nito sa kanya, kaya sumaludo siya sa kanyang ama.
" Okay po, Tay."
Sabi niya at mabilis na hinalikan sa pisngi ang ama at nagmamadali na lumabas bago magbago ang isip nito.
" Let's go, Orly."
Sabi niya sa kanyang driver bodyguard. Unang araw at na provide na nang agency ni Logan ang kanyang bodyguard.
Sinabi niya dito ang lugar na pupuntahan niya.She's excited to see the girls after five years.
Sinipat niya ulit ang sarili sa compact mirror. At masaya siya sa repleksiyon niya, she's a full grown woman now.Sana hindi siya kulitin ni Iris kung bakit hindi nagbago ang cup size nang bra niya.
"Andito na tayo, Ma'am."
Pukaw sa kanya nang kanyang bodyguard.
"Come with me inside."
Sabi niya dito at hindi na siya nakapag hintay na pagbuksan nang sasakyan. Nauna na siyang umibis, kasunod naman niya agad itong naglakad sa kanyang likuran.
Bago pumasok nakasabay niya sa entrance si Lavin at masaya siyang niyakap.
" Scarlet!"
Tuwang tuwa nitong sabi at mataman siyang tinitigan.
" Long time no see. God, your so pretty Lavin."
Papuri niya sa pinsan na matagal niyang hindi nakita.
" So are you, Scar. It runs in the family."
Sabi nito at sabay silang nagtawanan.
" Nasa loob na sila, baka kung anong punishment ni Ava sa atin dahil late na tayo."
Sabi ni Lavin at nauna na pumasok kasunod siya. Sa kanilang likod naman ay ang kanilang mga bodyguard.
Hindi na sila nagtaka nang tumirik ang mga mata nang mga ito pagdating nila.
" Tequila for the late comers."
Agad na sabi ni Ava at pareho nilang tinanggap ang inabot nitong shot glass.
" Nice to see you, Scar."
Lumapit sa kanya si Iris at niyakap siya.
" Happy to see you, Iris."
Sabi niya na nakangiti, pero sumilay sa mga labi nito ang kakaibang mga ngiti sa labi.
" I will not asked for pasalubong kung matatapos ang gabi na ito na hindi ko maririnig sa bibig mo si Kuya."
Tumawa siya at bahagya itong kinurot sa tagiliran.
" Alam mong imposible, besides meron akong pasalubong para sa iyo."
" Sabi na, I will prepare my ears for your nonstop questions."
Sabi nito pero bago pa siya magtanong natigil na iyon nang magsimula si Ava mag pa ikot nang empty bottle para sa truth at dare nitong laro.
At si Lavin ang nauna na natapatan nang bote. Matapos sumilay ang pilyong ngiti ni Ava ay nag utos ito kay Lavin.
" Kiss that man, Lavin."
Lahat sila napabaling sa isang malaki na lalaki na mag isang nakaupo sa bar stool habang umiinom nang alak.
" Must be huge!"
Sabay nilang bulalas pagkakita sa lalaki. Kinakabahan si Lavin na lumapit sa lalaki at nasaksihan nila ang simpleng halik ay nauwi sa mainit na halikan nang gumanti ang estranghero na lalaki.
Natatawa sila sa hitsura ni Lavin nang bumalik sa pwesto nila.
" That was hot Lavin."
Komento nila, pero si Lavin ay muling uminom nang alak marahil para mawala ang kaba na naramdaman.
Sumunod si Iris na natapatan nang empty bottle na sumayaw sa gitna nang dance floor bilang dare nito.At bago pa mapaikot muli ni Ava meron nang humawak nang bote.
" Sebastian?!"
Nagulat na sabi ni Ava, kaya bumaling sila sa grupo nang lalaki na bagong dating.
Mukhang wala sa mood ang bagong dating lalo na si Aidan na agad inakusahan si Ava sa hindi pagka tuloy nang lakad nang mga ito.
Parang tumigil sa pag ikot ang mundo nang matanaw niya mula sa grupo si Kai. Sa liwanag nang ilaw sa bar nakita niya ang bagong Kai. Sa tingin niya mas naging guwapo ito. Kahit naka simpleng puting T shirt na pinatungan nang leather jacket, at maong na pantalon.
Sumisim siya nang alak upang mawala ang biglang pagbilis nang tibok nang kanyang puso.
Agad na naupo si Kai sa sofa sa tabi ni Logan.Sinamsam niya ang sarili at pinigil na lapitan ito at kumustahin. Matapos ang diskusyon ni Ava sa kapatid nag yaya ang mga ito na tumugtug na madalas nang mga itong ginagawa kapag napunta sa bar na iyon.Kaya naiwan sila ni Czesta na katabi na ni Sebastian.
" You have new friends ha?"
Sabi ni Sebastian kay Czesta .
" Look at her closely."
Sabi ni Czesta at ganun nga ang ginawa ni Sebastian.
" Damn! Is that you Scar?"
Sabi ni Sebastian at niyakap siya. Natatawa siyang gumanti nang yakap dito.
" Ang aga mo naman gumala mabuti pinagayan ka ni Tito Pascal."
Sabi nito sa kanya, at sa pagkakataon na iyon nakatingin na din sa kanya ang kasama nitong lalaki, including Kai.
" Dalaga ka na Scar ."
Sabi ni Logan sa kanya, at itinaas ang bote nang beer bilang pagbati sa kanya.
" Yeah. Thank you for the bodyguard you provided for me."
" Ayaw kong may masabi ka, kaya isa sa mga gwapo ang binigay ko sa iyo."
Sabi ni Logan na tumawa, at matipid din siyang ngumiti.
" Welcome back, Scarlet."
Sabi naman ni Stan at Aidan na nag pasalamat siya.
She's waiting for Kai na batiin siya, pero nakatingin lang ito sa kanya.
" Kai!"
Tawag niya dito, saka lang ito nagsalita.
" Welcome back, Scar."
Matipid na ngiti ang binigay sa kanya na sobra niyang ikinadismaya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Boss
RomanceScarlet Buenavista Ortega- Boss of fashion industry She's quite popular like her mother and she fell in love just like her. Her eyes only sees Kai Cervantes, her heart beats only for him since the time immemorial. Hanggang kailan siya magma...