Chapter 26

3.9K 108 2
                                    

" I thought you're on duty?"

Mensahe niya kay Kai na huling pumasok nang private plane ni Aidan Santillian.

" I asked someone to exchanged duty with me."

Reply nito, kaya napangiti siya humilig sa balikat ni Iris na katabi niya. Pilit tinatago ang kilig.

" Kinikilig ka naman."

Tinulak nito ang kanyang ulo, pero  sinundot niya si Iris sa tagiliran bilang ganti.

" Excited ka sa honeymoon ninyo sa Thailand?"

Bulong ni Iris sa kanya, pero pinalo lang niya ito sa braso.

" Wag kang ganyan. As if may chance?"

Bulong niya dito at nilingon ang mga kasamahan. Halos sampo silang magkakasama.

" Akong bahala, lalasingin lang natin sila."

Ganti nitong bulong.

" Loka ka talaga."

Sabi na lang niya kay Iris, kahit ang totoo masaya talaga siya na magsakama sila ni Kai ngayong weekend na lumabas nang bansa.

" I don't know what got into Aidan's mind at isinama tayo. Lagi naman off-limits ang mga babae sa mga getaway niya."

Sabi ni Iris patungkol sa pinsan nito sa makalawa. Hindi na lang siya nag komento dahil mula nang dumating siya sa Pilipinas pagkalipas nang mahabang taon ay pangalawang beses pa lang niya ito nakasama.

"It's awesome!"

Lahat iyon ang komento sa hotel resort na pag aari nang pamilya Santillian. Magkatabi na cottage villa ang inukopa nila. Magka hiwalay ang mga babae at lalaki.

Pagkababa pa lang nang gamit ay nagpalit na nang panlangoy sina Ava, Lavin at Czesta.

" Well go to an indoor swimming pool. Hindi kayo sasama?"

Tanong ni Ava. Umiling siya at nahiga sa kama.

" I will just take a nap."

Sagot niya at nahiga sa kama at naghikab. Hindi siya nakakakuha nang magandang tulog lately, lalo na kapag katabi niya si Kai.

" I will book a suite for you and kuya. Regalo ko sa inyo."

Sabi ni Iris nang lumabas din si Dia na naka bathing suit at silang dalawa lang ang matira sa cottage.

" Bahala ka."

Antok na antok niyang sabi, at dumapa pa sa kama.

" I'm looking forward to a baby made in Thailand."

Masaya nitong sabi na hindi na niya pinansin dahil sa kanyang sobrang antok.

Nagising siya dahil sa sobrang gutom, binasa na lang niya ang message ni Iris na nasa restaurant sila nang hotel.

Kaya nagpalit siya nang kanyang swimsuit at itinali ang mahabang buhok bago binitbit ang kanyang cellphone at digital cam at lumabas nang cottage.

Malapit na siya sa hotel nang may tumawag sa kanya.

" Scarlet, is that you?"

Hindi makapaniwala nitong tinig  at hinagod siya nang tingin.

" Liam?!"

Nagulat din niyang sabi nang makita ang lalaking malapit sa kanya noong senior high school niya.

Tumayo ito sa harap niya at pinagmasdan siya parang hindi ito makapaniwala na nasa harapan siya nito. Hanggang gagapin nito ang palad niya.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon