Chapter 29

3.9K 116 5
                                    

" Not here, Scarlet."

Sabi ni Kai at tumayo na,ganun din ang ginawa ni Michelle na lalong ikinainis niya.

" Kai!"

Tawag niya dito, pero hindi siya nilingon. Magka agapay na naglalakad ang dalawa na sinadya pa ni Michelle na humawak sa braso ni Kai. Lalong uminit ang ulo niya at nagdilim ang kanyang paningin.

" Ay, nahimatay saluhin ninyo!"

Narinig niyang sigaw kaya lumingon siya. Nakita niya na hawak sa ulo si Scarlet habang nakahandusay sa sahig. Marahil ito na lang ang nasalo nang nakakita na mag collapsed ang asawa.

Mabilis niyang dinaluhan si Scarlet, and she's pale. Binuhat niya ito at napansin niya ang bahagya nitong paggaan. Marahil dahil sa nahirapan talaga ito sa isla.

Agad niyang dinala sa emergency room ang asawa.

" What happened, doc?"

Tanong nang ER doctor.

" She collapsed in the cafeteria."

Nag aalala niyang sabi, ibinaba niya sa ER bed si Scarlet. Maputla ito na parang papel. Agad niya itong ikinabit sa bedside monitor.

" Run some blood test for her."

Sabi niya at tumayo sa gilid nang kama nito habang hawak ang mga kamay.

Hindi ba ito nakakatulog nang maayos?

Nagsimula na turukan si Scarlet nang magising ito.

" Aray!"

Sabi nito at tumingin sa kumukuha nang dugo sa kanya.

" Saglit na lang po."

Bumaling sa kanya si Scarlet na nagtatanong ang mga mata.

" You fainted."

Sabi lang ni Kai sa kanya at parang mabigat ang kanyang ulo na pinilit sana niyang bumangon pero nahilo siya.

" Just lie down, Scarlet. Ipa urgent ko ang result nang test so you will be treated accordingly."

Tumango lang siya kay Kai at muling pumikit. Naramdaman niya ang pag alis ni Kai sa kanyang tabi. Marahil nga me anemia siya, kaya masama ang kanyang pakiramdam nitong mga nakaraan na araw. Nahirapan din siyang matulog sa isla dahil walang aircon.

Pinilit niyang umidlip kahit na maingay dahil sa bigat nang kanyang pakiramdam.

" Let's go home Scarlet."

Nagmulat siya nang mata at nakita si Kai na nakatayo sa gilid niya na madilim ang mukha. Mukhang galit ito.

" How's my lab results?"

Tanong niya pero binuhat na siya ni Kai palabas nang emergency room. Sa entrance naman sakto na pagparada ni Orly nang sasakyan. Ipinasok siya ni Kai sa backseat at lumipat ito sa front seat.

Hindi nagsasalita si Kai pero nararamdaman niya ang galit nito. At hindi niya alam kung bakit.

Muli siyang binuhat ni Kai, hanggang makarating sila sa unit nito. Sa durasyon nang oras na iyon, walang salita si Kai. Hindi din ito tumitingin sa kanya.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon