" It's cold, Scar. Let's go inside."
Bumaling siya sa nagsalita si Kai iyon na may hawak na kopita nang red wine.
" Where's Michelle?"
Sa halip sagot niya, tumabi sa kanya si Kai. Meron ding upuan dito sa tabing dagat na gawa sa kawayan.
" She's also celebrating with her family."
Parang nadurog lalo ang kanyang puso sa narinig.
" Both of you will study abroad?"
Me kalakip na paninibugho niyang tanong.
" Yeah."
Maikli na sagot ni Kai at sumimsim nang alak sa kopita. Hindi siya makapag salita, tuluyan na mawawala sa buhay niya si, Kai.
" Pagbalik ko dalaga ka na."
Sabi ni Kai na nakatingin sa dagat, meron mga maliit na bombilya na nagbigay nang liwanag sa bahagi nila.
" At pagbalik, mo baka may asawa ka na?"
Tumawa lang si Kai sa sinabi niya.
" Kai, pwede ko bang sabihin sa iyo ang gusto kung sabihin? Matagal tayong hindi magkikita, we don't know what will happen sa mahabang panahon na magkalayo tayo."
Nilakasan niya ang loob na humarap dito. Sumulyap naman si Kai sa kanya, maya maya ay bumaling ulit ang tingin nito sa dagat.
" Mahal kita Kai."
Sabi niya dito, hindi ito nagsalita pero nakita niya ang pag tiim nang bagang nito. Ganun din ang paggalaw nang adam's apple nito.
" I will not ask you to love me too. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita."
" Ano ang kaya mong gawin para sa sinasabi mong pagmamahal sa akin, Scarlet?"
Maya maya ay tanong ni Kai, sa pagkakataon na ito nakaharap ito sa kanya.
" I'm willing to wait, Kai. Sa pagbabalik mo o sa panahon na sa sasabihin mo sa akin na mahal mo din ako."
Nagpawala si Kai nang malalim na buntong hininga.
" I don't want to disappoint myself, or you Scarlet. If you love me, maging masaya ka na lang para sa akin. You still young just turned eighteen a few months ago."
Nasa mukha nito ang paghingi nang paumanhin at pang unawa sa kanya.
" That's the second time you asked me to be happy for you? How can I? If you're asking me to let you go, o kahit ang maliit na chance lang to have you."
Napaiyak na si Scar sa matinding frustration.
" Nasanay ka lang nakukuha lahat nang gusto mo. Huwag mong ipagkamali ang nararamdaman mo sa pagmamahal, because it's not just a simple I love you."
" But I love you, Kai. I really do!"
Pilit niya dito at humawak siya sa mga braso ni Kai.
Tininggan siya ni Kai, pinahid nito ang kanyang mga luha at sa liwanag nang bombilya nakita niya ang masuyo nitong pag ngiti sa kanya.
" You're still young Scar, pag magkita tayo ulit pagtatawanan mo na lang ang lahat nang ito. Baka makalimutan mo din na sinabihan mo ako nang I love you."
Alam niya pinapagaan lang nito ang kanyang kalooban.
" Paano kung hindi?"
Umiiyak pa din niyang sabi.
" Paano kung tama ako?"
Tanong din ni Kai sa kanya.
" Ngayon pa nga lang ang dami na may gusto sa iyo, if you will continue your career at maging sikat ka din tulad ni Tita Sab, you will forget about me."
Patuloy ni Kai habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
" I will try, but if you are wrong I will have you by hook or by crook."
Tiningnan niya si Kai upang iparating dito na hindi siya nagbibiro.
Naiiling na lang si Kai na sinamsam nito ang kanyang buhok na nililipad nang hangin at inipit sa kanyang tenga.
" You're special to me, Scar. Aside from my sister isa ka sa favorite kong babae na ayaw kong masasaktan."
Alam ko pampalubag loob lang ni Kai iyon sa kanya.
" Ayaw kong maging kapatid mo Kai."
Tumawa si Kai sa sinabi niya.
"I know, sabi mo nga mahal mo ako."
" Pinagtatawanan mo ang nararamdaman ko sa iyo."
Pagtatampo niya dito at sumimangot siya.
" Don't worry, time will come pagtatawanan mo din ang sinabi mong mahal mo ako."
Hindi na niya ipinilit pa dito ang gusto niyang sabihin. Tinitigan lang niya si Kai.
" I will miss you, Kai."
Sabi niya umiwas nang tingin si Kai sa kanya.
" I know, Scar."
Nagpawala ito nang buntong hininga at tumayo na.
" Let's go inside, malamig na dito. Ang sexy pa naman nang suot mo."
Biro nito sa kanya pero alam niya na totoo iyon dahil ginamit niya ito sa show. Isang flowy mini dress na bagay sa kanya. Collection nang S fashion na pag aari nang kanyang ina.
" And you still see me as a kid! Mataas pa nga ako sa girlfriend mo."
Humaba ang nguso na sabi niya.
" I'm always present on your birthday, Scar. I know your age."
Inilahad nito ang kamay sa kanya, itinaas niya ang mga kamay hindi para abutin ang palad nitong nakalahad. Kundi deritso sa batok nito at kinabig palapit sa kanya.
She kissed him, kahit hindi siya marunong inilapat niya ang labi dito. Hindi maka galaw ang binata, she feels him stiffened.
Ilalayo na niya ang kanyang mga labi nang maramdaman ang paggalaw nang labi ni Kai.
She's catching her breath nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Sa pangalawang pagkakataon, Kai kissed her with a tongue!Binitiwan siya ni Kai at tinitigan siya, walang lumabas na salita sa bibig nito.
" I will not see you off, Kai. I want this to be the last memory of you before you leave."
Malungkot niyang sabi habang umaatras palayo dito. Nakatingin lang si Kai sa kanya hindi niya maipaliwanag ang nasa mga mata nito na nakatingin sa kanya.
" Take care, Kai."
Huli niyang sabi at mabilis na iniwan si Kai sa tabing dagat.
Hindi niya sinira ang sinabi sa binata, hindi siya nagpa kita dito. At hindi siya dumalo sa despidida party nito. Nagdahilan siyang masama ang pakiramdam.
Kaya katakot takot na emoji at mga messages ang natanggap niya kina Ava, Lavin at Iris.
" Are you sure you will not see Kuya before he leaves?"
Mensahe ni Iris.
" I feel you you're heartbroken.😭😭😭"
Message naman ni Ava. Kung makikita lang siya nang mga ito na namumugto ang mga mata. Mas lalo lang siya asarin. Katulad ni Kai hindi nang mga ito sineseryoso ang kanyang nararamdaman. Just crush at puppy love daw. Pero para siyang namatayan ngayon, knowing na aalis si Kai. At baka bumalik itong may asawa na.
" Hugs, Scar.😭!"
Sabi naman ni Lavin. Pero lahat hindi siya nag reply. Naka subsub lang siya sa unan at umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Boss
RomanceScarlet Buenavista Ortega- Boss of fashion industry She's quite popular like her mother and she fell in love just like her. Her eyes only sees Kai Cervantes, her heart beats only for him since the time immemorial. Hanggang kailan siya magma...