Chapter 21

3.4K 95 4
                                    

Pagkatapos nang office hour ay nagyaya si Haylen na lumabas na hindi niya tinanggihan.

"Lagi ka ba dito?"

Tanong niya kay Haylen habang ginagala ang paningin sa isang outdoor restaurant.

" Hindi naman, so how's life?"

Nagkabikit balikat siya, hanggang ngayon hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya bilang asawa ni Kai.

Umorder sila nang pagkain nang lumapit sa kanila ang stewart.

" You should model one of the wedding dresses. May nagustuhan ka ba in particular?"

Tanong nito sa kanya habang naghihintay sa kanyang order. Nawala ang atensyon niya dito nang pumasok sa restaurant si Kai kasama si Michelle.

" Scar, are you with me?"

Tanong nito anuman na selos na kanyang nadama ay pinalis niya nang humarap dito.

" Yes, what were you saying?"

Sa halip na sumagot nilingon nito ang kanyang sinusulyapan.

" Kilala mo?"

" Yeah,"

Matipid lang niyang sagot. At ibinalik ang usapan nila sa ilulunsad nilang collection at pagiging model niya.

Hindi niya maiwasan na hindi tapunan nang tingin ang dalawa.

What will be the setup? Sa kanya ang pangalan ni Kai pero kay Michelle ang puso nito? At mag share sila sa kanyang asawa?

Dahil sa isipin na iyon hindi niya malasahan ang pagkain, kahit gaano pa ito kamahal.

" Hayden asked me about you?"

Basag muli ni Haylen sa katahimikan nila.

" Oh, really how is he? I'm glad he remembers me kahit isang beses lang niya ako nakita sa France."

Sabi niya na nilakipan nang masayang tinig ang sinabi.

" Busy doing this and that. But for sure he will find time to see you,malaman lang niya we're working together."

" Ganun ba?"

Mahina siyang tumawa at uminom nang tubig, pag angat niya nang baso nang tama ang mata nila ni Michelle. Habang si Kai naman ay nakatalikod sa kaniya.

Hindi niya kanyang tanggapin ang mga tingin nito sa kanya. Para siya pa ang kabit at ito ang original na asawa kung taliman siya nang tingin.

" I'll just go to the comfort room. You can ask them to serve the dessert."

Sabi niya at tumayo na siya upang pumunta nang comfort room. Nakatingin siya sa salamin habang nag taas baba ang kanyang dibdib. She can't explain her feelings.

" You got your way to my Kai, huh?"

Si Michelle iyon na tumabi sa kanya, binuksan nito ang pouch bag at kumuha nang lipstick.

Hindi siya nag salita, marahan lang niyang binuksan ang gripo at binasa ang mga kamay.

" Kai is mine. Pagbibigyan lang niya ang lahat, pero sa huli kami pa din.Hindi ko alam kung gaano kalakas ang loob mo para ipagpilitan ang sarili mo kay Kai. Pero isipin mo na lang pag hindi siya umuwi nasa akin siya."

Sabi nito at ibinalik ang lipstick sa pouch bag nito. Habang tiningnan siyang nakaka uyam at iniwan siyang nakakuyom ang mga palad.

Pinalipas niya ang ilang sandali, bago siya lumabas. At nakita niya na paalis na si Kai at Michelle. Inalalayan pa nito ang babae na maglakad.

" Bakit mas masakit ngayon?"

Dama niya ang pagsikip nang dibdib, kaya agad niyang hinawakan ang table wine na hindi niya ginalaw kanina.

" Are you okay, Scar?"

Tanong ni Haylen sa kanya.

" Yeah, I'm good."

Bakit hindi siya noon naging ganito? Ang itago ang nararamdaman. Iyon ang kadalasan na sabi nang mga kaibigan na nawalan nang interest si Kai sa kanya dahil sa pagiging pranka niya sa kanyang damdamin. Na halos siya ang manligaw.

" You want to go to a bar?"

Tanong ni Haylen sa kanya pero tumanggi siya.

" Some other time na lang, Haylen."

" Okay, you look exhausted. Let's just go home."

Sabi nito kaya matapos niyang bayaran ang kinain ay lumabas na sila sa restaurant. Pinagbuksan siya ni Orly nang pinto nang sasakyan.

" Thank you."

Pasalamat niya at agad na sumandal ang ulo niya sa sandalan nang back seat at pumikit.

Ang sakit nang kanyang dibdib,paano kung totoo nga ang sinabi nito? Marahil nag usap ito kanina at nagka ayos ito. Patunay na magkasama ito kanina.

" What did you put yourself into Scarlet?"

Mahina niyang bulong sa kanyang sarili. Hindi niya inaasahan na ganito kahirap at kasakit na maging kanya si Kai.

" We're here, ma'am Scarlet."

Nagmulat siya nang mga mata. Sa dami nang tumatakbo sa kanyang isip hindi na niya namalayan na nakarating na pala siya sa kanilang mansion.

" Thank you, Orly. Fetch me here again tomorrow."

Pasalamat niya at umibis na siya sa sasakyan.
Pagpasok niya sa sala ang kanyang ama, halatang hinihintay siya.

" Good evening Tatay."

Nakangiti niyang bati dito at humalik sa pisngi nito at tumabi sa sofa. Pinahinaan nito ang volume nang TV na nasa news channel.

" Why are you here, Scarlet?"

Tanong nito sa kanya na tinawanan niya.

" Nag I imbestiga ka ba Tatay?"

" Don't smile at me like that. Tinatanong kita."

Sagot nito sa kanya na nakamasid sa kanya. Alam niya na sinusiri nito ang kanyang galaw.

" Duty si Kai, he will come back after 2 days. Saka I still need to get some of my things here. Good for one-week lang ang damit ko doon."

Sabi niya, hindi nagsalita ang kanyang ama at tiningnan lang siya nang matiim.

" Nagsasabi ka nang totoo, Scarlet?"

" Of course naman Tatay. I'm very honest, kahit ang feelings ko kay Kai hindi ko itinago kahit kanino. You know me."

Sabi niya sa ama at maya maya lang ay nagpawala nang buntong hininga.

" Discuss with Kai kung saan ninyo gusto tumira. You can have a house you want, magsabi lang kayo."

" Okay, we will talk about it."

Sabi niya at tumayo na.

" Are we good Tatay? Pwede na ba akong umakyat sa room ko?"

Tumango naman ang kanyang ama.Pero bago siya umakyat nang hagdan, tinawag siya nito muli.

" Andito lang kami nang Nanay mo para sa iyo. Don't keep it to yourself if you have a problem. O kung hindi mo na kaya, this house is open for you Scarlet."

" Tatay, ngayon lang nag sink in sa iyo na may asawa na ako? And I'm not you little princess anymore. I'm someone else's queen."

Nakangiti niyang sabi sa ama. Gusto niyang palakpakan ang sarili sa kanyang performance. At sino ang niloko niya? Isa lang siyang pulubi na nag aamot na mahalin ng kanyang asawa.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon