Chapter 3

3.5K 100 0
                                    

" Baka mamatay na si ate Mich sa mga tingin mo, Scar."

May kasama pang siko na sabi sa kanya Iris.

" Hmmp, para naman siyang linta kung maka hawak kay Kai."

" Para sabihin ko sa iyo, mahigit pa diyan ang ginagawa nila."

Heto na naman si Iris na walang awa na dagdagan ang pagdaramdam niya.

"Bakit kasi hindi mo subukan na i entertain si Liam? He's not bad after all at bagay kayo."

Hindi siya nagsalita nakatingin lang siya sa magkasintahan na masayang nag uusap.

" O, speaking of the devil. He's coming."

Sabi ni Iris at tumingin sa binatilyo na papalapit sa kanila.

" Mabuti aminado ka na devil ka Iris."

Tumawa si Iris sa sinabi niya.

" Ginigising lang kita sa katotohanan."

Pagtatanggol nito sa mga sinasabi sa kanya.

" Okay fine, let's see if your theory is correct."

Sabi niya dito at nakita niya ang matagumpay nitong mga ngiti.

" Hello, Scarlet."

Agad na bati sa kanya ni Liam at kumaway din ito kay Iris.

" Hi, Liam."

Ganti niyang bati sa binatilyo. Tama si Iris maganda itong lalaki at kilala ito sa campus bilang  varsity player nang basketball.

" Pwede ba namin kayo ma invite for snacks?"

Tanong nito na kumakamot sa batok na parang nahihiya.Kahit paano gumaan ang loob niya dito dahil ang akala niya mayabang ito dahil sa atensyon na nakukuha.

Nagkatinginan muna sila ni Iris, sabay na bumaling dito.

" Sure!"

Sabay pa nilang sabi na nakapagngiti dito, lumabas ang malalim nitong dimple sa mga pisngi.

Sa isang fast food restaurant sila pumunta sa tapat lang nang kanilang campus. At pagpasok nila lahat nang mga estudyante na doon din kumakain ay natuon ang pansin sa kanila.

" Anong gusto ninyo?"

Tanong nito sa kanila.

" Ikaw na ang bahala, hahanap lang kami nang upuan."

Sabi ni Iris at hinawakan siya sa mga braso at hinila sa bakante na upuan.

" Scar, di ba gwapo niya?"

Tanong nito sa kanya nang nakaupo na sila.

" Crush mo?"

Tanong niya dito, pero sumimangot lang ito.

" Crush ka."

Sagot nito sa kanya na pasulyap sulyap dito.

" Iba ang crush ko."

Sabi naman niya na pinitik siya nito nang mahina sa ilong.

" Ang kulit! Subukan mo nga muna baka magbago nararamdaman mo kay kuya."

" Ayaw mo ba akong maging sister in law?"

Tanong niya dito na pinanlakihan pa niya nang mata.

" Eh kung magmamahalan kayo, why not? Kaya lang Scar, iba nga ang gusto ni Kuya."

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon