" Hello, Tita Jas. Si Iris po?"
Tanong niya sa ina nang kaibigan na nagbukas nang pinto para sa kanya. Malaki ang ngiti nito nang makita siya.
" Nasa itaas, nagtampo ka daw sa kanya?"
Tumango siya at lumipad ang tingin niya sa sala kung saan nandun si Kai at me katabi na babae.Kaharap nito ang ama at magiliw na nakikipag usap sa dalaga.
" Am, nagkatampuhan lang po. Makikipag bati na po ako kaya ako nandito."
" Mabuti naman, halika ka pasok ka."
Tuluyan na siyang pinapasok sa loob at agad siyang naglakad papunta sa sala.
" Hello, Tito Tim. Good afternoon po."
Magalang niyang bati at sumulyap kay Kai.
" Hello, Scar. Nasa itaas si Iris, puntahan mo na lang."
Bati nito sa kanya na nakangiti. Marahil napansin nito ang pagtingin niya sa kasama ni Kai kaya ipinakilala siya nito.
" O siya nga pala, kaibigan ni Kai si Michelle. Inimbitahan siya nang tita Jas mo kasi na kumbinsi niyang maging doctor si Kai."
" Oh, really po? Hi Michelle pleased to meet you. I'm Scarlet."
Sabi niya kaya tumayo ito at humarap sa kanya. Nagkaroon siya nang pagkakataon na pagmasdan ito. Charming ito at maganda pero mas maganda siya.
Well, tama si Iris dalaga na ito at may dibdib na di hamak na malaki sa kanya.
" You're so pretty,Scar."
Sabi nito na gusto sana niyang sabihin na alam niya. Pilit siyang ngumiti dito.
" Salamat, sige. I'll go and check Iris."
Paalam niya at sumulyap muli kay Kai na walang reaksiyon sa mukha.
" Iris!"
Pigil niyang sumigaw habang niyu yugyog ang mga braso nito.
" Aray! Mabalian naman ako nang buto Scarlet ha?"
Sabi nito at kumawala sa kanya.
" Bagay sila, Iris. Binata at dalaga sila."
" Oo at nasa stage na nila iyon ang mag boyfriend at mag girlfriend. Tayo ibang level pa lang tayo."
Sabi ni Iris at lumabas sa veranda, mula sa kwarto nito kita ang tabing dagat. Sumunod siya dito.
" Look, Scar."
Sabi nito sa kanya at agad na hinatak palapit sa balustre nang veranda nito kung saan nakatayo ito.
Agad na nag init ang sulok nang kanyang mga mata sa nakita. Magkahawak kamay ang mga ito habang naglalakad sa tabing dagat. Mukhang masaya ang mga ito.
" Sabi ni kuya he likes her kasi compatible sila."
Sabi ni Iris na tulad niya hindi hinihiwalayan ito nang tingin.
" I don't think they're just friends."
Hindi niya napigilan na komento. At hindi din niya napigilan ang selos.
" Nasasaktan ako Iris sa nakikita ko."
Hindi ito nagsalita pero nilingon siya. Maya maya ay ngumiti ito sa kanya.
" Puppy love lang yan, Scar. Divert your attention sa iba, madami naman me crush sa iyo."
Siya naman ang hindi nagsalita, nakatuon pa din ang pansin sa dalawa na nagtatawanan.
" How? Since i left out from my crib I only adore your kuya Kai."
" OA!"
" Iris!"
Agad niyang sansala dito, bago lang sila nagkabati kaya agad niya itong sinabihan na mag filter nang sasabihin sa kanya.
" Okay fine. I'm sorry. Pero Scar, try mo lang tumingin sa iba. Malay mo iyon lang ang kailangan mo para hindi ka masaktan nang ganyan"
" Iris kung pwede lang sana. Oh shit!"
Agad naman bumaling si Iris at nakita din nito nang halikan ni Kai si Michelle.
" Maybe it's official now. May jowa na si kuya."
Sabi ni Iris, siya naman ay agad na tumalikod at ilang beses na lumunok. Parang may malaking bikig sa kanyang lalamunan. Hinawakan niya ang kanyang dibdib dahil sa sakit na naramdaman.
Hindi niya napigilan mahina siyang humikbi, kaya inakbayan siya ni Iris.
" I'm sorry, Scar."
Pag alo nito sa kanya. Pinahid niya ang mga luha.
" Wala ka naman kasalanan, Iris."
Sabi niya at pilit na pinapalis ang butil nang luha sa kanyang mga mata na hindi niya mapigilan na patuloy na umaagos sa kanyang makinis na pisngi.
" C'mon Scar.You'll be okay, meron na para sa iyo."
Pag alo nito sa kanya habang naka akbay sa kanyang balikat.
" Pero ang kuya mo ang gusto ko para sa akin."
Humihikbi niyang sabi, para siyang bata na agaawan nang paboritong laruan.
" Bata ka pa, mag aral kang mabuti. Pag nakatapos ka na at maging successful malay mo magbago ang ihip nang hangin. Saka hindi pa naman mag a asawa si Kuya. Di ba mag do doctor pa siya? Me kilala ka bang doctor na maaga nag asawa?"
Pagpapalubag pa nito nang loob sa kanya. Oo nga, me chance pa siya hanggang wala pang asawa si Kai.
" Ang mabuti pa dahil nag pa practice na si kuya into a relationship, dapat ganun ka din."
" What? No, ayaw kung mag boyfriend."
Pagtanggi niya sa suhestiyon ni Iris.
" What i mean is, subukan mo mag entertain nang mga lalaki. Para alam mo how to deal with them."
Pagpipilit ni Iris na sa idea nito. Pero umiling lang siya.
" Don't tell me you will reserve your lips kay kuya eh kung sino sino na nalawayan non!"
Eksaheradong sabi ni Iris na tumirik pa ang mga mata.
" Iris naman."
Sabi niya kaya tumigil na ito sa panenermon sa kanya.
" Magpahid ka nang luha diyan, para hindi ka mag mukha na kawawa pag harap natin sa kanila."
Muling humagod ang palad nito sa kanyang likod.
" Hindi uuwi na lang ako."
Sabi niya at pumasok na sa loob nang silid nito. Nakabuntot sa kanya si Iris hanggang makarating sila nang sala.
" Okay na kayo?"
Tanong nang mama ni Iris sa kanila. Nakaupo ang mga ito sa sofa habang nanonood nang tv. Naka sandal ito sa dibdib nang asawa.
" Yes po tita."
Sagot niya at balak magpaalam nang siya naman na pagpasok nang dalawa na magkahawak kamay.
" I have announcement to make."
Masayang bungad ni Kai. Agad naman na tumayo ang mga magulang nito at humarap sa bangong pasok.
"Sinagot na ako ni Michelle. She's my girl now."
Masayang sabi ni Kai, si Michelle naman ay kumapit sa mga braso nito at ngumiti sa kanilang lahat.
" Congrats to both of you then."
Sabi nang magulang ni Kai.Nagkatinginan sila ni Iris.
" Scar, aren't you happy for me?"
Baling nito sa kanya na pinag aaralan ang reaksiyon niya.
" If your happy, then I'm happy for you."
Sabi niya kahit na parang me punyal na nakasaksak sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Boss
RomanceScarlet Buenavista Ortega- Boss of fashion industry She's quite popular like her mother and she fell in love just like her. Her eyes only sees Kai Cervantes, her heart beats only for him since the time immemorial. Hanggang kailan siya magma...