" Nanay, di ba sabi ko ayaw ko nang I model yong damit na iyon?"
Sabi niya sa ina, dahil pinipilit nitong maglakad siya sa runway at i model ang napili niyang wedding dress noon.
" Anak, hindi ba na announced na natin na isa ka sa mag model? And it was announced in national TV and even published in a fashion magazine?"
Muling paalala nang kanyang ina. Hindi niya sinabi sa mga ito na buntis siya. Gusto niya munang makita si Kai. Na ayon kay Iris umalis nang bansa at bigla na lang nag enroll sa isang pediatric sonography course na tatagal din nang isang buwan.
Hindi naman ito pumayag na mag pa DNA siya. Hintayin na lang daw na lumabas ang baby. Sa ngayon si Iris ang nagsilbi niyang bodyguard at napaka higpit nito. Maging ang kanyang pagkain ay binabatayan.
" Saka isang gown lang naman ang isusuot mo, and that's also the final walk."
Pagkumbinsi nang kanyang ina. Kaya wala siyang nagawa. Nilapitan siya nang kanyang ina at niyakap.
" Cheer up, Scarlet."
Sabi nito kaya tumango siya.
" I want a vacation after the show, Nanay."
Paalam niya na mabilis naman na sumagot ang ina na masaya pa sa desisyon niya.
" Sure, anak. I think you need a long vacation."
May pagtataka man ay binaliwala na lang niya.
Araw nang fashion show at madami ang tao sa hotel na pag dadausan nang show. Nagkalat din ang mga media.
Pumasok na siya sa kwarto at agad siyang pinaupo sa harap nang malaking dresser. Nagtataka siya dahil sa camera na nakatutok sa kanya, ganun din sa dami nang stylist na nag asikaso sa kanya.
" What's that for?"
Tanong niya kay Iris na naka gown din, she dressed like a bridesmaid.
" To capture the moment."
Sabi nito at ngumiti, pasalamat siya dito dahil lagi sa tabi niya.
" Thank you Iris for everything ."
" I know, I know. Waterproof ba yan? Iyakin kasi si buntis."
Sabi ni Iris na nakatingin sa mascara na nilalagay sa kanyang mga mata.
" Marinig ka ni Nanay."
" Hindi mo naman iyan maitatago."
Sabi ni Iris, agad naman siyang nalungkot.
" Sana bumalik na si Kai."
" Ayusin mo mukha mo, Scarlet. May ikakasal ba na ganyan ang mukha?"
"Wala. Kasi hindi ko naman kasal. This is just a show."
" Isipin mo kasal mo ngayon para maganda ang kalabasan sa magazine at sa TV naka live telecast ang show, ano ka ba Scar?"
Sabi ni Iris na tama naman ito, kaya pilit niya winaksi sa isip si Kai.
" Asan na ba ang iba pang props?"
Tanong ni Iris at noon ipinasok ang wedding shoes, wedding ring at magandang bouquet nang fresh flower na dahlia.
" Wow. Parang noong isang araw lang sa pakalat kalat na brochure sa condo ko lang iyan nakikita ah."
BINABASA MO ANG
The Unwanted Boss
Roman d'amourScarlet Buenavista Ortega- Boss of fashion industry She's quite popular like her mother and she fell in love just like her. Her eyes only sees Kai Cervantes, her heart beats only for him since the time immemorial. Hanggang kailan siya magma...