Chapter 11

3.4K 98 1
                                    

" Are you okay, Scar?"

Nilingon niya ang kanyang ina na tumabi sa kanya sa lounge chair na nasa tabi nang swimming pool.

" I saw Kai. Nay, siya pa din ang gusto ko."

Sumbong niya sa ina na alam nito sa simula pa ang pagka gusto niya sa binatang anak nang matalik na kaibigan nang ama.

" Oh, my baby Scar."

Niyakap siya nang kanyang ina at hinagod ang kanyang likod.

" I understand you, Scar. I've been there. And see how happy I am dahil naging kami nang tatay mo. But the difference between us is.."

" He loves me in return."

Sabay nilang sabi sa dialogue na memorya na niya.

" Kanina lang sinabi niya na parang kapatid niya lang ako."

Humaba ang kanyang nguso na sumbong muli sa kanyang ina.

Inalo naman siya nang ina at masuyo pang hinawakan siya sa pisngi.

" I will allow you to date. Meet every bachelor ang dami diyan. Basta knows your limitations. Never surrender your bataan. You know what I mean?"

Tumango siya at saglit na nag isip.

" How about I use my bataan to get Kai?"

Tanong niya sa ina na nakatikim siya nang mahinang kurot sa tagiliran.

" Wag kang aabot sa ganyan kababa, Scarlet. Hindi mo mahahawakan si Kai. Baka pareho lang kayo magkasakitan. It will not complicate your relationship with him but your father with his best friend also."

Bahaw siyang tumawa at tumayo sa lounge chair.

"Nagbibiro lang ako, Nay."

Aniya at tumayo sa gilid nang pool at nag dive.Pinagod niya ang sarili sa paglalangoy. Naubosan na siya nang paraan para magustuhan ni Kai.  Pero tama ang kanyang ina, hindi siya darating sa ganun na sitwasyon.

" Scar, how did you find your office?"

Nakangiti na tanong nang kanyang ina sa kanya at ginala niya ang paningin sa loob nang magandang opisina na iyon.

" I'm speechless, Nanay."

Aniya na lumapit sa desk at naupo sa swivel chair.

" You will be the executive director of this S Fashion company. And i hope you can adapt well. I want to retire. Naglalambing na ang tatay mo na manatili na lang kami sa kubo niya sa Zambales. You know how your Tatay loves that place."

" Yeah, I know. Don't worry Nay, I will try my best not to disappoint you."

Nginitian niya ang ina at tumawag ito sa intercom. Maya maya lang ay may pumasok na medyo may edad na din na babae.

"Scar, this is Mimi. She will train you. And me of course, just call me anytime."

Matamis niyang nginitian ang babae.

" I'm looking forward to working with you Mimi."

Gumanti ito nang ngiti sa kanya, sana maging maayos ang mga araw niya dito sa company nang ina.

" We will hold a company party soon. I will introduce you personally to all the employees."

Sabi nang ina na hindi na siya tumanggi. Matapos ang ilang briefing nang kanyang ina ay iniwan na siya nito kay Mimi.

" Mimi, can you arrange a meeting with our in-house fashion designer?"

" Okay, po ma'am."

Sa sumunod na mga araw, inabala niya ang sarili at ini enjoy niya ang pagta trabaho sa S fashion.

" You're working so hard."

Nag angat siya nang tingin sa bagong dating.

" Tatay what are doing here?"

Nagulat man sa presensiya nang ama ay nagawa niyang tumayo at humalik sa pisngi nito.

" Susunduin ko ang babe ko."

Tumirik ang mga mata niya at tumawa naman ang kanyang tatay sa reaksiyon niya.

" Tay, hindi ba pwede palitan mo endearment mo kay Nanay? Yong nababagay sa edad?"

Mas tumawa naman ang kanyang ama sa sinabi niya.

" Scar, it's just the age and physical appearance that changed sa amin nang nanay mo, but definitely we are still young at heart and our love still the same."

Tapos kumislap ang mga mata nito na parang may naalala.

" Tatay, alam mo naman ang opisina ni Nanay di ba?"

Aniya na ginawang eksaherado ang pagngiti niya.

" Oh yeah. Pupunta kami sa beach house. Anniversary nang Tito Tim mo at Tita Jas mo. Baka gusto mo sumama? Hindi ka pa nakakapasyal doon mula nang dumating ka."

Hindi na siya nagdalawang isip na tumango.

" I'd love to Tatay. How about Perrie?"

Tanong niya sa kapatid na madalang lang niyang nakikita.

" I don't think so."

Nag iba ang tono nang pananalita nang kanyang ama pagbanggit sa pangalan nang kapatid.

" Me problema ba kay Perrie?"

Bigla siyang naalarma sa kaisipan na may dinaramdam ang kapatid. Nagpawala nang buntung hininga ang kanyang ama.

" Gusto niyang pumasok sa US marine. I and your mother don't like his idea. Totally against it."

Malaking disgusto na sabi nang kanyang ama. Kahit siya nagpawala din nang buntong hininga sa narinig.

" I will visit and talk to him, some other time."

Sabi niya pero malungkot lang na tumingin sa kanya ang kanyang Tatay.

" You know how close your brother to your mother. Pero hindi siya nakikinig sa nanay ninyo."

Tumayo na din ang kanyang ama.

" Alright then, Scar. Puntahan ko na ang babe ko. Bring your car and bodyguard kung hindi ka sasabay sa amin."

Bilin nito na agad siyang nag desisyon.

" Sasabay ako sa inyo."

Tumingin sa kanya ang ama na sinusukat siya. Pero tumaas lang ang kanyang kilay at ngumiti.

" Ayaw ko lang may nakabuntot sa akin, while Kai is around."

Sabi niya at agad na napapalatak ang kanyang ama.

" Si Kai na naman."

" Hanggang wala pa siyang asawa may pag asa pa ako."

" Scarlet, kahit pikutin mo si, Kai. I'm not going to support you. Mas gusto ko iyong mahal ka, I don't care if he is not rich like us. Basta mahal ka lang."

Pinagdiinan pa nito ang huling sinabi.

" Malay mo naman Tatay, pag nasa iisang bubong na lang kami. Mahalin din niya ako."

Pinagsalikop niya ang mga palad at malapad na ngumiti sa kanyang ama.

" Alam na alam mo sirain ang mood ko, Scarlet."

Sabi nang kanyang ama at itinukod ang mga palad sa desk niya habang masama ang tingin sa kanya.

Malakas siyang tumawa.

" Nagbibiro lang ako. I want to mess your afternoon delight with Nanay. Ang tanda mo na kaya, Tay."

Tukso niya kaya bumalik ang ngiti nito.

" Kalabaw lang ang tumatanda."

Sabi nito at malaki ang ngiti na lumabas nang kanyang opisina.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon