Chapter 14

3.2K 94 3
                                    

" Hindi ka napa pagod, Iris?"

Humihingal niyang tanong kay Iris na wala yatang pinapalampas na tugtog.

" I'm good Scar, maupo ka muna doon."

Sabi nito na hindi pa din natigil sa pagsasayaw. Iniwan niya ito at naupo. Ilang shot nang tequila na ba nainom nila?  Hanggang sa iba't ibang klase na nang alak ang nainom nila.

Kanina naglalangoy sila sa pagitan nang pag inom pero dahil madilim na minabuti na lang nilang mag inom at mag sayaw. Pero mas nakadama siya nang pagkahilo.

"Hi, Scarlet."

Bumaling siya sa bumati at tumabi sa kanya sa upuan.

" Hey, Lavin. Mabuti nakapunta ka."

Inabutan niya ito nang mojito na agad naman na tinanggap.

" I heard you got sick? Okay ka na ba?"

Tanong niya sa pinsan na nagsimula sumisimsim ng alak.

" Naulanan lang kahapon. How's Tita Sabina? Dadaan na lang ako sa bahay ninyo bago ako bumalik."

Sabi nito at nakapanood kay Iris na nagsasayaw.

" She's fine Lav. Basta kasama noon si tatay okay lang iyon."

Bumuntong hininga siya at hindi maiwasan na managhili sa pagmamahalan nang mga magulang.

" I hope I can have a love like them."

Malungkot niyang sabi at sumisim ng alak.

" Wag mong pilitin darating din ang para sa iyo."

Sabi ni Lavin sa kanya at tinapik pa siya sa balikat.

" Maybe, it's about time to give up. Hindi ko alam kung ilang beses na ako binasted ni Kai. Maganda naman ako di ba?"

Hindi niya alam bakit niya nasabi iyon marahil sa kalasingan, at naramdaman niya ang epekto nang alak. She feels depressed, lalo na at naiisip niya na mahal ni Kai ang kasintahan dahil tumagal sila nang mahigit limang taon.

Sinamahan siya ni Lavin na uminom hanggang pareho na silang nalasing at tumayo sila upang magsayaw. Hindi naman nagtagal at may lumapit sa kanilang makipag sayaw.

Wala na yata siya sa sarili at pumayag siyang hawakan sa beywang at hapitin. Pareho silang umiindak at naramdaman niya ang pagdampi nang labi nito sa kanyang tenga.

" Wait, I need to drink more."

Aniyang tumatawa pero hindi pa din binibitiwan ang kanyang mga kamay.

" Tequila shots!"

Sabi niya sa bartender at inilapag sa harap niya ang shot glass nang tequila na nasa ibabaw ang mga lime.

" I'll show you how to drink tequila in a very sexy way."

Sabi nang lalaki na punong puno nang pagnanasa na nakatingin sa kanya.

" Drink your tequila and sip the lime in my lips."

Sabi nito at inipit nang mga labi ang lime. Pero bago pa niya maiangat ang tequila shots ay may humawak na sa kanya.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon