" Shit!"
Parang binabarina ang kanyang ulo dahil sa hangover. Dumapa siya at sinipa sipa ang mga paa sa kama.
" Hindi mawawala ang hangover mo diyan."
Tumihaya siya at nakita niya si Iris na kalabas lang nang banyo at bagong paligo.
" Good morning, Iris."
Bati niya dito na nakangiti. Umupo siya at sumandal ang kanyang ulo sa headboard.
" Anong nangyari kagabi?"
Tanong niya dahil hindi alam kung nasaan siya ngayon.
" Kagabi? You're a damsel in distress ang drama mo. Binuhat ka nang prince charming mo and he saved your ass sa Tatay mo."
Nakangisi na sabi ni Iris, bigla siyang napa tuwid nang upo.
" Si Kai?"
" Yeah."
Nagsimula na si Iris na gumamit nang blower kaya bumababa siya nang kama. Pumasok siya nang bathroom at nag hilamos. May nakita siyang bagong toothbrush at ginamit niya iyon. She did her morning routine,kahit iniinda pa din niya ang sakit nang ulo.
Paglabas niya nakabihis na si Iris.
" Akala ko sa make up ka lang maganda. You still look like a doll."
Sabi nito na nakatingin sa kanya at nakangiti.
" Salamat. Ikaw, bakit mo naisipan mag Navy? Hindi mo nagugulo ang mga kalalakihan sa campo. Ang ganda mo kaya Iris."
" Alam ko, madami nagsabi."
Sabi na lang nito at pinanood siyang mag suklay nang buhok.Humarap siya dito maya maya.
" Iris, hindi nagbabago pa din ang stand nang kuya mo. Ayaw pa din niya sa akin."
Sumbong niya dito, bumuntung hininga si Iris at lumapit sa kanya.
" Akala ko nagising ka na. Halika labas tayo at mag kape."
Pagyaya nito sa kanya at hinawakan at sapilitan siyang pinatayo at hinila palabas nang silid.
" Morning kuya."
Bati ni Iris, dahil nasa likod siya hindi niya nakita. Hanggang sumilip siya sa likod ni Iris at makita na naka topless ito, wearing only pajama bottoms habang nakasandal sa sink at may hawak na coffee mug.
Pero hindi ito nag iisa may katabi ito sa kitchen na abala sa pag luluto. Humarap ito sa kanila na malaki ang mga ngiti sa labi.
" Hi, good morning."
Bati nito sa kanila. Napatingin siya kay Iris at hinila siya paupo sa upuan.
" Morning, Ate Mitch."
Bati ni Iris at lumapit ito sa coffee maker.
" Hey! You came back at dalaga ka na."
Nakangiti pa din nitong bati sa kanya. Kanina masakit ang ulo niya ngayon uminit ang ulo. Suot nito ang pajama top ni Kai.
" Oh, yeah. Hello Mich ."
Sabi niya at pilit na ngumiti dito. Lumapit si Kai sa kanya at may inabot na gamot at tubig.
" Here. You must have a terrible headache."
Inabot niya ito at nagpasalamat, hindi niya napigilan na sulyapan ang katawan nito. Bakit may ABS ito? Ang hot naman nitong doctor.
" Mainit na kape, parang si kuya hot!"
Sabi ni Iris at inilapag sa harap niya ang umuusok na kape na ngumisi na nakakaloko.
" Salamat. Bakit parang hindi ka man lang nalasing?"
Tanong niya dito nang uminom nang gamot sinunod niyang inumin ang kape na gawa nito.
" I know my limit. Saka nag walwal ka talaga kagabi. Hindi ka ba lumalabas sa France?"
Tanong ni Iris na tinabihan siya, pinanood nila si Kai at Michelle na isa isa inilalatag sa harapan nila ang almusal.
" I did, nasobrahan lang talaga kagabi. Na miss ko kayo."
Sabi niya kay Iris. Umupo na din sa harap nila si Michelle habang si Kai ay pumasok saglit sa isang kwarto at pagbalik me suot na itong muscle shirt na kulay gray.
" Kai, I'm glad hindi natuloy ang lakad ninyo sa Thailand. Let's hang out today please."
Paglalambing ni Michelle sa kasintahan nang maupo ito sa mesa katabi nito at nakatapat sa kanya.
" Punta daw tayo sa beach house sabi ni Mommy."
Singit ni Iris bago pa makasagot si, Kai.
" Come with us, Michelle. Matagal ka na din hindi nakakapunta doon."
Sabi ni Kai sa katabi at parang napipilitan naman itong tumango.
" Yeah, you're going to miss the beach pag magsimula na ang internship mo sa Children Hospital."
Nakikinig lang siya sa dalawa habang pinipilit na kainin ang luto nang girlfriend ni, Kai.
" Gusto mo sumama, Scar?"
Si Iris ang nagyaya sa kanya.Pero tumanggi siya.
" Saka na lang. Mag start na ako I train ni Nanay sa Monday sa fashion company namin."
Sabi niya at sinilip siya ni Iris siya naman ay kumunot ang noo dito.
" Wow, magiging career woman ka na?"
Hindi niya alam kung nang aasar ito sa kanya o ano.
" Ikaw nga may work, si Lavin si Ava even Dia. What do you think of me?"
Tanong niya dito bahagyang pinitik ang noo.
" I thought mag model ka na lang, you will travel the world and enjoy life. Will never settle down."
Sabi ni Iris na nanlalaki pa ang mga mata.
" So, I'm a spoiled brat to you, will just spend money at walang planong magtrabaho, ganun ba?"
" Yeah."
Si Kai ang sumagot kaya dito siya napatingin.
" Sorry to disappoint you both, but I'm not."
Umirap siya dito at nagsimula na sumubo nang pagkain.
" So, when you two getting married? Matagal tagal na din kayo?"
Hindi siya nakatiis na itanong kay Kai. Sa ayos nang dalawa wearing Kai's top pajamas and seems very cozy. Parang nag sasama na ang dalawa.
" We're getting there."
Si Michelle ang sumagot at tumaas ang kanyang kilay. Gusto sana niyang sabihin na baka hindi pa nag propose si, Kai.
" How about you, Scar? Ilan ang naging boyfriend mo na French?"
Singit ni Iris sa pagitan nang pagsubo nito nang pagkain.
" Kasindami nang naging boyfriend mo."
Sagot niya kaya tumawa si Iris sa kanya.
" Aha, you became playgirl ha?"
" Salamat sa iyo. These try to entertain other advice of yours."
Baling niya kay Iris at nginitian ito nang pilit.
" I called Logan. He will send your bodyguard. Better to finish your food faster he might come anytime ."
Sabi ni Kai na hindi tumitingin sa kanya, nakatuon ang pansin nito sa plato at sa pagkain.
" Okay, Thank you last night Kai. You saved me from being grounded."
Nag angat si Kai nang tingin sa kanya, sandali itong tumitig sa mukha niya na walang kahit makeup or lipstick. He let out a sigh at tumango sa kanya.
" Anytime, hindi ka na iba sa akin. You like a sister to me."
Bumaba ang kamay niya na nasa mesa at palihim na kinurot si Iris na tumawa lang nang mahina. Alam nitong naiinis siya!
BINABASA MO ANG
The Unwanted Boss
RomanceScarlet Buenavista Ortega- Boss of fashion industry She's quite popular like her mother and she fell in love just like her. Her eyes only sees Kai Cervantes, her heart beats only for him since the time immemorial. Hanggang kailan siya magma...