Chapter 16

3.4K 103 7
                                    

" Jesus! Scarlet Grace!"

Napamulat siya nang mata sa pag tawag sa kanyang buong pangalan. Sabay sila napabangon ni Kai.

" Nay? Tay?!"

Hindi niya alam kung paano tatakpan ang hubad na katawan. Galit na galit ang kanyang ama na pinag lipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Kai.

" Scarlet."

Naiiyak na tawag naman nang kanyang ina. Yumakap ito sa kanyang ama. Habang halata ang pagpipigil nito na sugurin si, Kai.

" Get dressed you two. At sumunod kayo sa amin sa bahay."

Hinawakan nito sa kamay ang kanyang ina at tinalikuran sila na nagpupuyos ang kalooban. Huling huli sila sa akto!

" Dammit!"

Galit na sabi ni Kai at sinamsam ang mga damit. Una muna nitong pinulot ang boxers at isinuot ganundin ang pantalon. Sinunod nitong dinampot ang puti nitong t-shirt pero natigilan ito ng makita ang mantsa nang dugo at tumingin sa kanya.

" I'm so sorry, Kai. But I will make sure you will get out of this mess."

Sabi niya kay Kai, na masama ang tingin sa kanya.

" How? We caught red-handed, Scarlet. Akala ko ba umuwi na sila? You lied to me! From the beginning, this is what you want!"

Mataas ang boses na sabi ni Kai. Alam niya ang pakiramdam nito na naipit sa isang uncompromising situation. At hindi din niya inaasahan na malalagay sila sa ganitong sitwasyon.

" No! I thought they left, kasi sabi nila.."

" Enough!"

Pag putol nito sa kanyang tangkang paliwanag. Nakangiwi siya habang nagsusuot nang damit. Ngayon niya naramdaman ang sakit nang katawan.

Hindi niya masisi si Kai, dahil nagpaalam ito sa kanya matapos ang pangatlong beses nilang magtalik. Sinabi niya dito na wala naman ang kanyang mga magulang at nauna nang umuwi. Kaya nanatili si Kai hanggang mag umaga.

And she wondered why her parents still here?

" Hello, Dad?"

Napaangat siya nang mukha nang marinig na magsalita si, Kai. Hawak nito ang cellphone na marahil nag vibrate sa suot na pantalon kaya hindi niya narinig na tumunog.

" That's true."

Nagpawala nang malalim na buntong hininga si Kai at sumulyap sa kanya, na abala niyang sinisilip ang kanyang mga gasgas sa tuhod at braso.

Saan ba niya nakuha iyon? Sa pagkakadapa sa buhangin o sa pagtatalik nila ni Kai habang nakatalikod siya dito?

" Just bring me an extra shirt, Dad."

Huling sabi ni Kai bago ibaba ang tawag.

" Tito Pascal already called my dad. You know what will happen next."

Masama pa din ang tingin ni Kai sa kanya.

" At the end, you still get want you wanted."

Punong puno nang pang aakusa nitong sabi.

" I told you, Kai. Wala kang dapat panagutan!"

Galit na din niyang pakli dito.

" That's bullshit! Gusto mo ba ipapatay ako nang tatay mo?"

Galit din nitong baling sa kanya.

" Eh, di sabihin natin lasing tayo pareho at nag hubad ako sa harapan mo. It's my fault, it's all my fault. And your not to blame."

Sabi niya at tumalikod na dito. Bubulong bulong siya dahil sa sakit nang katawan na naramdaman.

" Shit!"

Mura niya nang pag hakbang niya ay maramdaman ang kirot sa kanyang pagkababae.

" Scarlet, take this."

May inabot ito sa kanya na gamot na kinuha nito sa first aid kit na hindi na nito na ibalik sa loob nang kubo. Inabot niya iyon at nagsalin siya nang tubig sa baso na nakapatong sa mesita na gawa sa kawayan.

" Tell me what's in your mind, Scarlet."

Sabi nito sa kanya matapos niyang inumin ang gamot.

" I'm so sorry Kai. But I did not plan any of this katulad nang iniisip mo. You are not responsible for what happened."

Tumiim ang bagang ni Kai, na nakatingin sa kanya.

" Let's go then! Ikaw ang tumanggi sa harap nang mga magulang natin. Ayaw kong ako ang maging sanhi nang pagkasira nang pagkakaibigan ni Daddy at nang Tatay mo."

Bumaba na din si Kai sa kubo, hubad ito dahil sa hindi nito masuot na t shirt. Inabot nito sa kanya ang damit nito na may bahid nang dugo.

" Here, keep it. To remind you whom you gave your virginity."

Sabi nito pero alanganin siyang abutin kaya, kinuha ni Kai ang palad niya at inilagay nito ang damit.

Walang salita na binitbit niya iyon at sumunod dito na mahinang naglalakad papunta sa kanilang main house. Marahil alam nito ang iniinda niyang discomfort.

Nahulog siya sa malalim na pag iisip, nahihiya siya kay Kai. Ganundin sa mga magulang niya at pamilya nang binata.

Natanaw nila sa malawak na porch ang mga magulang niya at magulang ni Kai. Gusto niyang lamunin na lang nang lupa nang mga oras na iyon.

" Ang lakas nang loob mo kagabi Scarlet, don't faint in front of them."

Mahinang boses na sabi ni Kai at tumuloy muna sa sasakyan nang magulang na naka bukas ang pinto sa passenger side. Naka upo si Iris na hinihintay ang kapatid.

" Hindi sure si Daddy kung barong tagalog or suit dadalhin para iyo kuya. Kaya ako na ang pumili."

Nakangisi na sabi ni Iris at ihinagis sa kapatid ang itim na t-shirt.

" Condolence."

Sabi nito at bumaba na nang sasakyan, sinamaan lang nang tingin ni Kai ang kapatid at isinuot na ang t shirt. Hinawakan ni Kai ang kamay niya at tuluyan na silang humarap sa kanilang mga magulang.

Pero bago pa may magsalita kahit isa sa mga nandun, agad siyang nagsalita.

" Am, can I take a quick bath?"

Alanganin niyang tanong. Masama pa din ang tingin nang kanyang ama sa kanya na tumango.

" Fifteen minutes, Scarlet. That's the only time I can give you."

Iyon lang ang hinihintay niya. Kahit may iniinda na sakit mabilis siyang pumasok sa loob.

Pumasok siya sa banyo at mabilis na naligo, pinaka mabilis niyang ginawa sa buong buhay niya. Nag suot siya nang skinny jeans,puting   t-shirt at sneakers.

Walang ingay siyang lumabas nang kwarto at kinuha sa drawer na nasa sala ang susi nang lumang pick up na nakagarahe sa likod bahay.

Without hesitation, nag drive siyang papaalis sa kanilang beach house. At sa rearview mirror nakita niya ang maang na tingin sa papalayo niyang sasakyan nang mga tao na nasa porch.

Bata pa naman ang kanyang mga magulang they will not have a heart attack.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon