Chapter 23

3.6K 105 5
                                    

Pagmulat niya nang mata mag isa na lang siya sa kama.Agad siyang bumaba nang kama at pumasok nang banyo. Nag toothbrush siya at naghilamos. Napangiti siya nang maalala na mahimbing siyang nakatulog.

Nakatulog kaya si Kai? Dahil pinatay nito ang ilaw. Akala niya kilalang kilala niya ito, hindi niya alam na hindi pala ito nakakatulog sa dilim.

Matapos magbihis nang shorts at sleeveless na blouse ay bumaba na siya. Siniguro niyang naitago niya ang mga kiss mark at pasa na madali niyang makuha dahil sa maputi niyang balat.

" Anong oras ka umuwi kagabi?"

Agad na tanong nang kanyang ama nang maupo siya sa breakfast table, sa tabi nang asawa na tahimik na kumakain.

" Late already. Around 11 pm."

Sagot niya at umabot nang french toast.

" That late? ! Kai, did not have his dinner waiting for you."

Sabi nang kanyang ina, kaya napabaling siya nang tingin sa kanyang katabi.

" It's okay, Tita. Sanay na akong wala sa oras kumain."

Agad na sabi ni Kai, na napatikhim naman ang kanyang ama.

" Kai, we're your in-laws now. Tawagin mo kami kung ano ang tawag mo sa magulang mo."

Nakangiti na sabi nang kanyang nanay.

" I'm sorry. I'm used to it."

" It's okay, you can still call them Tito and Tita. Dahil hindi ko din siguro matatawag na mommy at daddy parents mo sa ngayon.."

Sabi niya, pero sinamaan siya nang tingin nang kanyang ama.

" Kailangan na ninyong masanay."

Pilit nang kanyang ama.

" Tay, wala naman me alam na mag asawa kami. Saka na kung magka anak kami or ikasal kami sa simbahan."

Sabi niya, dahil me punto siya hindi nagsalita ang kanyang mga magulang.

Hindi na niya napansin ang pagkuyom nang mga palad ni Kai sa kondisyon na binigay niya sa mga magulang.

" So, you will model the wedding dresses?"

Maya maya ay tanong nang kanyang ina.

" Sure, I'd love to Nanay."

Masaya niyang sabi at tumango ang kanyang ina.

" Good, it's three months from now. You have enough time to prepare."

Natapos sila sa breakfast sa kaswal na usapan. Matapos niyang na empake ang mga iba niyang gamit nagpaalam na sila sa kanilang mga magulang.

" Drop me off in my office, Kai. See you at dinner."

Sabi niya dito nang makasakay na sila sa kotse nito.

" Sure dinner Scarlet, not midnight snack okay?"

Tanong nito na hindi naman galit pero nakarating sa kanya ang pag ka disgusto nito sa  nangyari.

" I'm sorry, hindi ko naman alam na pupunta ka sa bahay."

Hingi niya nang paumanhin.

" It's all done. Next time magsabi ka kung me lakad ka o gagabihin ka."

Sabi ni Kai na sa kalye pa din nakatingin.

" Eh, uso naman ang phone why you did not call me or send me a message?"

Tanong niya na naka simangot nang maalala ang hindi nito pag tawag sa kanya nang nakaraan na dalawang araw.

" Ikaw? Why you did not call me or send me a message?"

Balik tanong nito na bahagya siyang nilingon.

" I thought you're busy. Baka makaabala lang ako sa iyo."

Sabi niya at hindi na niya dinugtong na baka si Michelle ang sumagot tulad nang ginawa nito noon.

" I thought the same thing. Saka tama ka, I only have a hospital bleeper with me. If you want to call me you have to call the hospital. Nasa locker lang ang phone ko."

Mahaba nitong sabi.

"But you have time to have dinner outside?"

Mahina niyang sabi pero narinig ni Kai at nilingon siya.

" Scarlet, meron ka bang gustong sabihin?"

Tanong nito,tumahimik siya saglit at pinag isipan kung dapat ba niyang sabihin ang nakita at sinabi ni Michelle. Pero sa huli minabuti niyang sarilinin na lang.

"Masyado ka nang na kompromiso sa akin, Kai. I'm too selfish kung mag demand pa ako sa iyo. I should be thankful sa mga oras na kasama kita. And that is enough for me."

Sabi niya na sa pagkakataon na iyon si Kai naman ang natahimik.

" We talked."

Simula nito, hindi siya nag react at hinayaan niya lang ang asawa.

" And we settled on things already."

Tumango tango siya. Kahit malabo kung anong settlement ang napag kasunduan nang dalawa.

" How did she accept?"

Tanong niya nang wala na yatang balak dagdagan ni Kai ang sasabihin.

" Let's not talk about it, Scarlet."

Sabi nito sa tono na nababagot.

" Okay. I'm sorry."

Sabi niya at tumingin sa labas nang bintana hanggang makarating siya sa kanilang kompanya.

" See you at dinner time, Scarlet."

Sabi ni Kai. Tumango siya at lumabas na nang sasakyan.

Inabala niya ang sarili sa mga bagay na hindi pa niya alam. Inilayo niya ang isipin kay Kai at Michelle.

At least nagagawa pa din ni Kai na tabihan siya. Nagagawa pa din nitong halikan siya at makipag lovemaking sa kanya. O ganun talaga ang mga lalaki?

Lumipas ang mag hapon niya nang hindi niya namamalayan. Hanggang kumatok ang nanay niya sa kanyang opisina.

" Sabay na tayo lumabas, Scarlet?"

" Susunod na lang po ako, Nay."

Sabi niya at inayos ang kanyang table.

" Sure, ingat ka."

Bilin nito sa kanya at naglakad na ito palayo.

Hindi naman nagtagal at sakay na siya nang elevator pababa. Pinadalhan na din niya nang mensahe si Orly na mag pasundo siya dito.

Pero hindi si Orly ang naghihintay sa kanya sa lobby.

" Hayden?"

Tanong niya sa binata na may hawak na bouquet nang bulaklak. Sumalubong ito sa kanya at inabot sa kanya ang mga roses.

" Hindi ka kasi makakasabay sa akin dahil may sarili kang driver at bodyguard kaya dito na lang."

Sabi nito na hindi nawawala ang mga ngiti sa mga labi.

" Salamat."

Sabi niya na hindi niya alam kung paano ito I turn down.

" How about dinner with me?"

Tanong nito na may pag asam. Bago pa siya makasagot may umakbay na sa kanya.

" She will have dinner with me."

Si Kai ang sumagot at may kasamang pisil sa kanyang balikat.

" Yeah, sorry Hayden."

Laglag ang balikat nitong tumango.

" Sa susunod na lang."

Sabi nito sa kanya.

" If she has time, why not."

Si Kai ulit ang sumagot. At walang siyang nagawa nang igiya siya nito palabas nang building.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon