Chapter 12

3.3K 102 0
                                    

" Scarlet, it's nice to see you again."

Nakangiti na salubong nang kanyang Tita Jasmine. Mataman pa muna siya nitong sinipat bago yakapin.

" You've grown up very pretty."

Masaya nitong sabi at bumati din ito sa kanyang ina.

" Sab, mabuti naman nakauwi na dalaga mo."

" Yeah, I'm happy she's with us now. At nakakatulong na din sa pagpapalakad nang S fashion."

Proud naman na sabi nang kanyang ina at ginala ang mga paningin sa mga bisita. Mga family member ang nandun.

Giniya sila ni Tita Jasmine sa bahagi nang harap nang bahay kung saan naka hain ang mga pagkain.

" Kayo na bahala ha? Kain lang kayo."

Sabi nito at sumalubong sa bagong dating na pamilya naman nang kaniyang, Tito Terence.

" Scarlet, I'm happy to see you."

Sabi nang kanyang Tito Terence ganundin ang asawa nito.

" Thank you, Tito and Tita."

Sabi niya at kumaway siya kay Lavin. Lumapit naman si Lavin sa kanya.

" Wala ka din bodyguard?"

Tanong nito sa kanya at umiling saka nagpalitan nang ngiti.

" At last."

Pareho silang natawa at nagpaalam sa kanya si Lavin para bumati kina Tito Tim at Tita Jasmine.

Naupo siya sa table nang kanyang ina. At nagsimula na kumain. Ginala niya ang paningin pero hindi niya makita si Kai.

Hanggang makita niya si Iris na lumabas nang bahay. Agad niya itong kinawayan.

" I'm glad you came, Scar. Kumusta ang  pagiging executive?"

Tanong nito sa kanya habang nakatayo sa kanyang gilid.

" Good. Nag e enjoy ako."

Sabi niya dito hinila niya ang braso nito at bumulong.

" Where's Kai?"

Tanong niya na sumulyap sa kanyang ina.

" Nasa likod bahay si kuya Kai meron mga kasama. Nag iinuman kasama si  Kuya Logan."

Malakas na sagot ni Iris kaya hinampas niya ito sa braso. Napatingin naman ang kanyang ina.

" Oh yeah. Tita Sab, pwede ko ba isama si Scar sa yacht party bukas? Birthday nang kakilala ko."

Pagpapaalam ni Iris sa kanyang ina na agad naman pumayag.

" Sure! Basta Scar ang usapan natin, okay?"

" Yes, po nanay."

Masaya niyang sabi at nag thumbs up
naman si Iris. Ipinag patuloy naman niya ang pagkain.

Nang matapos kumain niyaya niya si Iris na pumunta sa likod bahay pero tumanggi ito.

" Sus gusto mo lang makita si Kuya."

Tudyo nito sa kanya, hindi siya tumanggi sa akusa nito.

" Wag na Scar, mag seselos ka lang. Ate Mich is with her, naka kalong sa kanya."

Sabi ni Iris kaya agad na sumimangot siya. Pero alam niya na hindi naman ganun ang eksena. Eksaherado lang si Iris para madismaya siya.

" Bukas bumawi ka, madami boys sa yacht. And they are a good-looking, hunk, and rich."

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon