Chapter 13

3.3K 90 0
                                    

" Ang aga mo naman!"

Reklamo niya nang makita si Iris sa kaniyang kwarto.

" Anong maaga? Alas deis na Scarlet."

Hinatak pa nito ang comforter niya.

" Ai, it's still early."

Bumangon siya at tinatamad na hinarap si Iris. Naka suot ito nang one-piece swimsuit na pinatungan nang hobo dress.

" C'mon, doon na tayo mag lunch. Tapos mag swimming na din tayo."

Pag pilit naman sa kanya ni Iris kaya wala siyang nagawa. Nag handa siya para sumama dito.

" Let's go!"

Malaki ang ngiti nito nang makita siyang lumabas nang banyo.

" Daan tayo sa kubo magpaalam ako kina nanay."

Sabi niya at binibit ang katamtamang bag na naglalaman nang cellphone at ilang personal na gamit niya.

" Bumalik ba si Kai, after niya ihatid ang girlfriend niya?"

Tanong niya habang naglalakad sila papunta sa kubo na nakatayo sa malapit sa dagat.

" I don't know. Saka they're living together for five years in States. Hindi na ang panahon para magpaka conservative. Nagtataka nga kami bakit hindi pa sila nagkakaanak."

" Iris!! Ang aga mo naman talaga sirain ang araw ko!"

Sigaw niya at balak kurutin ito pero mabilis itong tumakbo na tumatawa.

Nakarating sila sa kubo na naghahabulan, siya humihingal si Iris naman ay tumatawa. Tumigil sila nang makuha ang atensyon nang kanyang mga magulang na nagsasalo sa agahan.

" Good morning, Iris.' Morning Scar."

Bati nang kanyang ina at agad siyang lumapit sa mga magulang at humalik sa mga pisngi nito.

" Morning po."

Sabi ni Iris na upo ito sa duyan na andun.

" Let's have breakfast."

Pagyaya nang kanyang ama pero tumanggi si Iris, siya naman ay kumuha nang egg sandwich.

" Tapos na po Tito, pupunta na kami sa yacht para makapag swimming. Ihahatid kami ni Kuya Logan kasi sunduin niya friend niya."

" Enjoy you two, but have limitations."

Paalala nang kanyang ama na parehong sumulyap sa kanila ni Iris.

" Scar, mauna na kami lumuwas mamaya nang Tatay mo. I pasundo ka na lang namin sa bodyguard mo bukas, okay?"

Bilin nang kanyang ina, kaya tumango siya.

" Let's go Iris."

Tawag niya kay Iris kaya tumayo ito mula sa duyan at umagapay sa kanya sa paglalakad.

" Mamaya sa party, forget about kuya Kai okay? Kasi nag enjoy na iyon kay ate Mich kagabi."

" Ayan ka na naman!"

Sansala niya kay Iris na muling tumawa.

" Talagang kinatuwaan mo na ang pasakitan ako Iris. Tamang Kuya mo na lang wag mo nang dagdagan pa."

Sabi niya sa seryoso na tinig kaya humarap sa kanya si Iris.

" Hindi ako Scar, ikaw iyon.You choose to love the person na hindi ka naman mahal."

Seryoso din na sabi ni Iris sa kanya.  Hindi siya nagsalita, kung pwede lang sana. Inakbayan siya ni Iris habang naglalakad sila sa baybayin.

" Don't get mad at me, Scar. Si Kuya hindi namin alam ang plano niya sa buhay. We just let him do what he wants. Mag aasawa ba siya o hindi. He is complicated man, kaya hindi kayo bagay."

" Hindi naman ganun ang nakikita ko kay Kai. He is a kind, loving and responsible man. Bukod sa gwapo na may maayos na trabaho."

" Tsk!"

Palatak ni Iris at binitiwan siya nauna itong naglakad sa kanya. Hindi na lang siya muling nagsalita, dahil sigurado siyang ito naman ang masisira  ang araw.

" Hey, Cameron."

Malaki ang ngiti ni Iris sa lalaking sumalubong sa kanila. Naka beach shorts lang ito at puting muscle shirt.

" Am, This is Scar. My best friend."

Pakilala nito sa kanya at inilahad naman ang palad na tinanggap niya.

" Pleasure to meet you Scar."

Sabi nito na ngumiti at lumabas ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin.

" Come, I will show you the buffet."

Pagyaya nito at nauna na itong pumasok at sumunod sila ni Iris. Namangha siya sa kabuuan nang yate.

" Who is Nikko again, Iris."

Kalabit niya kay Iris na focus ang mata sa lalaki na naunang naglalakad sa kanila.

" Aragon, they owned supermarkets sa buong bansa. And started to expand abroad."

" Oh!"

Nasabi na lang niya, at hindi nagsalita hanggang makarating sila sa nakahanda, na pagkain.

" Sa upper deck naka serve ang mga alak. After this pwede na kayong tumuloy doon."

Sabi ni Cameron sa kanila at nagpaalam na ito.

" Anong bang party meron dito?"

Tanong niya na nagsimula na kumuha nang pagkain.

" Birthday ni Nikko."

" Eh, asan siya?"

" Sus, Scar. Hindi ko alam kung alin ang gusto ko sa iyo. Ang pag usapan si Kuya dahil in between nawawalan ka nang sasabihin. Pero ito na ibang tao ang pinag uusapan natin, ang dami mong hirit."

Sa halip siyang sagutin ay mahabang litanya ang narinig kay Iris.

" Eh, gusto ko lang naman malaman. Makiki party tayo na hindi ko man lang siya kilala."

Pagtatanggol niya sa sarili.

" Fine! Yong kahalikan ni Lavin sa bar. Remember nong bagong dating ka?"

Pagpapaalala nito sa lalaki na may ari nang yate na mag celebrate nang birthday.

" Oh! That big and must be a huge man?"

Nanlalaki ang mata niyang tanong at napahagikhik sila ni Iris.

" And who's this Cameron in your life? Nag sparkle ang mata mo pag nakatingin ka sa kanya?"

Biro niya dito at bahagya pang sinundot sa tagiliran si Iris.

" Tigilan mo ako, acquaintance ko lang iyon."

" Mabuti ka pa, hindi nakakaramdam nang undying love sa isang tao."

Sabi niya na nang maka upo na sila at magsimula kumain.

" Undying love my, ass!"

Parang nandidiri na nakatingin si Iris sa kanya.

" Tigilan mo naman ako sa litanya mo Scarlet. Nawawalan ako nang gana kumain."

Dugtong pa nito, kaya hinampas niya ito sa braso.

" Kapag ikaw na in love, wag kang mag kwento sa akin. Sarilihin mo ang kilig mo."

Banta niya at sinamaan ito nang tingin.

" I'm no teenager anymore para kiligin, Scarlet."

" Tinggnan natin, Iris Cervantes. And don't come to me pag umiyak ka dahil sa love na iyan. Kasi pagtatawanan kita."

Tinaasan lang siya nang kilay ni Iris sa sinabi niya.

Matapos silang kumain ay umakyat sila sa upper deck. Nagkatinginan sila ni Iris sa nakahanda na ibat ibang klase nang alak. May naka set din na sound system.

" It's party time!"

Sabay nilang sabi at lumapit sa bartender at nag request sila nang tequila shots.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon