Chapter 17

3.4K 100 6
                                    

"Scarlet! Open this damn door!"

Hindi siya kumibo hinayaan niya ang mga katok sa kanyang kwarto. Boses iyon nang ama.

" Scar, please open the door."

Tinig nang kanyang ina na parang pinipigilan ang maiyak.

Dahil alam niyang wala naman siyang takas kaya sa kanilang mansion siya tumuloy. Matagal siyang nakahiga lang sa kama at nakatingin sa ceiling.

Hanggang bumukas ang pinto nang kanyang kwarto. Hawak na nang kanyang ama ang duplicate key nang kanyang silid.

" What we're you thinking, Scarlet?"

Galit na galit na sabi nang kanyang ama habang hawak naman ito sa braso nang kanyang ina. Iniiwasan siguro nito ang masaktan siya.

" Tay, I'm an adult already. Don't brag too much about it!"

Tumiim ang bagang nang kanyang ama.

" You will understand me if you became parents yourself! But for Christ's sake, Scarlet. He has a girlfriend for a long time. You hurting Kai and Michelle."

Panenermon nang ama habang nakapameywang sa kanya.

" Pero ako lang ang masasaktan kung pakikinggan ninyo ako. Hindi ako kailangan na panagutan ni Kai. Makaka move on din ako."

Pangangatwiran niya sa ama, pero pinaningkitan lang siya nito nang mga mata.

" Scarlet, sa palagay mo papayag ako? Babae ka ayaw ko maagrabyado ko."

" Pero Tatay, ayaw kong maagrabyado si Kai."

Parang sinasakal ang kanyang puso sa kaisipan na magiging miserable si, Kai.

" He should have thought that, bago ka pinakialaman. He is partly to blame at alam niya iyon, kaya wala siyang karapatan na tumanggi!"

Natahimik siya dahil sa galit nang ama niya, alam niyang pag tumanggi si Kai damay ang buong pamilya nito. Kahit matalik pa itong magkaibigan.

Bumaling siya sa ina, humihingi siya nang tulong.

" Nanay.."

Napa luha na lang ang kanyang ina sa kanya.

" What did I tell you, Scarlet? And that is Kai, anak iyon nang best friend nang Tatay mo. We don't want conflict from both our sides."

Tumayo siya sa kama at nagpalakad lakad sa sahig. She feels very agitated.

" What is the best we can do?"

Maya maya ay tanong niya.

" You two should get married."

Sagot nang tatay niya.

" Akala ko ba hindi mo ako susuportahan kahit pikutin ko si, Kai? Bakit ngayon..?"

Tanong niya pero dinuro lang siya nang ama.

" Scarlet Grace, wag mo akong sagarin. Sinabi ko iyon dahil me tiwala akong hindi mo iyon gagawin. Magpapakasal kayo ni Kai, kahit kaladkarin ko kayo pareho."

Madiin na sabi nang kanyang ama sa kanya at iniwan siyang nanghihina na dumapa sa kama.

Hindi niya alam kung ilang sandali siya doon hanggang maramdaman niya ang pagbukas nang pinto at paglapit nang bagong pasok sa gilid nang kama.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon