Chapter 18

3.3K 105 3
                                    

" Pwede ba, bitiwan mo si Iris at hindi naman siya ang pakakasalan mo?"

Napahinto sila ni Iris sa paglalakad dahil sa sinabi ni Kai na nasa likod nila. Nauna nang naglakad ang kanilang magulang sa gazebo nang kanilang mansion kung saan gaganapin ang kasal.

" Oo nga Scarlet, bakit sa akin ka nakakapit?"

Maya maya ay sabi ni Iris at kumawala sa kanyang pagkapit sa hawak niya.

" Ikaw talaga, Iris."

Sabi niya pero nginitian lang siya ni Iris na nakakaloko.

" Hindi ako makapaghintay makapag pamangkin sa iyo, Scarlet."

" Hindi ko ipapahiram sa iyo! Sigurado na i bu bully mo."

Agad niyang sabi na ikinabunghalit nito nang tawa.

" Sawa na ako i bully ang nanay, kaya anak naman ninyo ni kuya."

Sabi pa ni Iris na natatawa pa din.

" Hindi nakakatawa, Iris."

Singit naman ni Kai na madilim ang anyo.

" Huh! Pagdadamutan mo ako nang pamangkin, kuya?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Iris sa kapatid. Pero hinawakan na nito sa braso si Scarlet at dinala sa gazebo. Ramdam niya ang pagka disgusto nito sa sinabi ni Iris.

" Yeah, she's the unwanted wife how he will choose me to be the mother of his child?"

Mapait niyang amin sa sarili. At wala dapat siyang reklamo. Pinasok niya ito, ang maging asawa ni Kai kahit hindi siya ang gusto.

" Mabuti naman at naikasal ko ang anak nang dalawang lalaki na gumulo sa mahimbing kung tulog noon."

Nakangiti ang me katandaan na judge na nasa harap nila. Napangiti din ang kani kanilang mga magulang.

" Hindi basehan ang engrande na kasal para masabing successful ang pag aasawa. Dahil sa bandang huli is the commitment that makes the marriage work. Look at your parents, Pascal and Sabina here got married in the middle of the night after hanging out in the bar. And happily married for..?"

"Twenty-five years."

Sagot ni Sabina na nakangiti, at kumislap ang mga mata sa alala, na iyon. Umakbay naman si Pascal at humalik sa noo nang asawa.

Napasulyap siya kay Kai na seryoso lang na nakikinig.

" And you Tim witnessed their marriage and you are here now as a father of the groom."

Nakangiti nitong baling kay Tim na hindi din mapigilan ang ngumiti.

" It's an honor, na ako mag kakasal sa anak ninyong dalawa bago ako mag retiro."

Sabi nang judge bakas ang kasiyahan sa mukha nito, at marahil amusement, na din.

" You'll be invited sa church wedding Winston, as their ninong."

Nakangiti naman na sabi ni Pascal.

" Sure."

At bumaling sa kanila ang judge.

" Nauna na ang advised ko sa inyo. So let's begin with the ceremony."

Alam niyang nanlalamig ang kanyang mga kamay habang nagsisimula na ang kanilang kasal ni Kai.

Hinawakan siya ni Kai sa mga kamay. Nakadama siya nang init sa mga palad nito. Hanggang kumalma siya, na muli na naman inatake siya nang kaba nang marinig ang sinabi nang judge.

The Unwanted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon