Dumaan ang panahon kay Scarlet na parang walang halaga, kahit nang ma kidnap siya ay hindi siya natakot para sa kanyang buhay.
Sa sobrang pag aalala nang mga magulang pinadala siya sa Paris, France para mag aral sa fashion design. Nagbago ang lugar pero hindi nagbago ang kanyang pananaw sa buhay. She's been longing for Kai. She tried to call him a couple of times pero si Michelle ang sumasagot sa tawag niya.
Si Iris naman ay naging abala sa pagpasok sa Philippine Navy. Kaya hindi niya ito matanong tungkol kay Kai. She stayed for five years in France. Ang mga magulang lang ang dumadalaw sa kanya at kapatid na si Perrie.
Tulad ngayon darating ang kanyang mga magulang dahil nakatapos na din siya sa kanyang post-graduate course sa Bachelor of Fashion design.
Marahil hihilingin nang mga ito na ipag patuloy niya ang pag aaral for other post-graduate courses available. Pero sapat na ang kanyang pag aaral at pagkawala nang matagal sa Pilipinas. She wants to go home!
She made sure na naka impake na ang lahat pagdating nang mga magulang. At sa pagkakataon na ito sa kanyang ama siya mag mamakaawa na payagan na siyang umuwi.
Agad siyang tumakbo nang makarinig nang doorbell. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan.
" Bienvenue!"
All ears siyang naka ngiti na salubong sa bagong dating.
" Don't use me that words, Scarlet."
Nakatawa na sabi nang kanyang ama at yumakap sa kanya.
" Fine! Welcome."
Sabi niya at binuksan ang pinto nang kanyang apartment upang makapasok ang mga magulang.
"Where's Perrie?"
Tanong niya sa kapatid na lalaki.
" He can't come. Busy sa school."
Sabi nang kanyang ina, graduating na din ito ngayong taon. At hindi ito makapag hintay na makapag sarili.
" Any good news?"
Excited niyang sabi habang tinabihan sa sofa ang mga magulang.
" Nothing much, Scar. Si Iris lalabas na din sa training institute."
" And Kai?"
Tanong niya na umaasam nang magandang balita.
" Still not married."
Sabi nang kanyang ama na pinag aaralan ang kanyang reaksiyon.
" Ah, That's all I need to know."
Sabi niya at sumandal sa sofa at masayang ngumiti.
" You know Scar, hindi ko alam kung saan ako natatakot. Sa posibilidad na makidnap ka ulit or sa pwede mong gawin kay Kai."
Sabi nang kanyang ama na salubong pa ang kilay na nakatingin sa kanya.
" C'mon, Tatay. Ano naman gagawin ko sa kanya?"
Maang maangan niyang tanong sa kanyang ama at tumawa pa siya.
" Anak kita Scarlet, at kung me crazy idea ka sa akin mo lang mamana iyan."
Sabi pa nang kanyang tatay na pareho silang natawa nang kanyang ina.
" Don't worry, Tatay. Hindi ko gagawin ang ginawa mo pag papanggap. Magpapaka totoo ako kay Kai, iyon ang gagawin ko."
" Am, anak di ba dapat lalaki ang manligaw?"
Singit nang kanyang ina, na alanganin na ngumiti sa kanya.
" Noon iyon, Nay. Iba na ngayon."
Sabi niya at kumislap ang mga mata. Nagka tinginan na lang ang kanyang mga magulang.
" Any further studies for Scar, Babe?"
Baling ni Pascal sa asawa na si Sabina. Pero bago pa makasagot ay agad na nag react si, Scarlet.
" No more further studies, please. Kung alam ko lang ganito ninyo ako katagal na pag aralin sana nag doctor na lang ako."
Aniya at sumimangot.
" Iwasan mo ang bukam bibig mo si Kai."
Sabi nang kanyang ama at tumayo, hinawakan sa kamay ang asawa at hinila patayo.
" Magpahinga muna kami, then we will go out later for dinner."
Paalam sa kanya at pumasok na ang mga ito sa kwarto.
"Au revoir, profite"
Sabi niya at napapalatak na lang ang kanyang ama.
Nang makapasok ang mga magulang bumalik siya sa kanyang kwarto at ipinag patuloy ang pag I impake.
Matapos ang kanyang graduation ceremony ay walang nagawa ang kanyang mga magulang nang ilabas din niya ang mga maleta.
" Tay, please. Gusto ko na gamitin ang pinag aralan ko. I want to go home."
Sabi niya at yumakap pa sa braso nang ama.
" Five long years, Scar at hindi ka nagpilit umuwi ngayon lang. Siguro nabalitaan mo na nasa Pilipinas na si Kai doing his residency ."
Sabi nang kanyang ama, at ganun na lang ang saya niya. Namimilog ang mga mata niya sa narinig na balita.
" Totoo, nasa Pilipinas na si Kai?"
" Yeah, and his practicing kasama ang long term girlfriend niya."
" Oh!"
Agad napalis ang kanyang mga ngiti sa labi.
" Anak, your so beautiful. Madami pang lalaki diyan. Liam now is a politician. Kahit hindi ako boto sa kanya alam ko naman gusto ka niya."
" At si Kai hindi ako gusto?"
Tanong niya na me kahalong pagtatampo sa tinig.
" Not like that sweetheart, he looks at you like a sister."
Singit nang kanyang ina at hinagod ang kanyang likod. Akala siguro nang kanyang mga magulang isa pa siyang batang paslit na mag tantrums.
"Me sister bang hinahalikan sa labi?"
Pero sinarili na lang niya ang nasa isip.
" I'll stop if he will get married."
Pagtatapos niya sa usapan at masayang hinanda ang sarili para sa pag uwi.
" Scar, I hope you agree with the bargain we made."
Pa alala nang kanyang ama habang nasa eroplano sila pabalik nang Pilipinas.
" Yes, Tatay. No problem. Kahit lima pang bodyguard ang ibigay mo sa akin."
Sabi niyang nakangiti sa kanyang ama. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahan na nadama na pauwi na siya.
" And stop chasing, Kai. Ayaw kong may masabi ang Tito Tim at Tita Jasmine sa iyo."
Sabi naman nang kanyang ina, pero nginitian lang niya nang matamis ang ina.
" Nay, kailangan ko lang makita si Kai para malaman ko kung me feelings pa ba ako wala na.It's been five long years, maybe hindi ko na makita sa kanya ang nakita ko noon."
Sabi niya sa mga ito, pero alam niya na hindi kumbinsido ang mga ito sa kanyang sinabi.
At kahit siya alam niya na mas nanabik siya kay Kai. Naging libangan niya ang modeling at ilang fashion show na din ang nasalihan niya. Hindi iilan ang nagbigay nang motibo na mga kapwa modelo at ilang sikat na personalidad pero hanggang isang date lang siya at wala siyang tinanggap na manliligaw.
Naghihintay pa din siya kay Kai, ngayon sigurado siya. Kai is her one great love.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Boss
RomanceScarlet Buenavista Ortega- Boss of fashion industry She's quite popular like her mother and she fell in love just like her. Her eyes only sees Kai Cervantes, her heart beats only for him since the time immemorial. Hanggang kailan siya magma...