" Hanggang kelan ka dito, Iris?"
Tanong ni Kai sa kapatid na katabi ni Scarlet sa sala na nanood nang TV.
Pareho pang nakahaba ang paa sa sofa at nagkasandal ang kalahati nang katawan sa mag kabilang arm seat nang sofa kaya walang nagawa si Kai kundi sa pang isahang sofa naupo.
" Kadarating ko lang, Kuya.Nag asawa ka lang nagbago ka na."
Bahagya pa itong sumimangot sa kapatid at humaba ang nguso.Natawa na lang siya dahil sa nagbabadya na bangayan nang dalawa.
Hindi sumagot si Kai, sinamaan lang nang tingin ang kapatid.
" Let's go shopping tomorrow, Scar. Bili tayo nang sexy na swimsuit."
Pagyaya nito sa kanya, na sa peripheral vision niya ay nakita ang mas matalim na tingin nito kay Iris.
" Sure, puntahan mo na lang ako sa office tomorrow. After work let's buy a new swimsuit."
" Yey! Let's try a micro bikini."
Masayang sabi ni Iris , pero agad na nag react si Kai.
" Subukan ninyo, kung hindi sa banyo lang kayo mag swimming sa weekend."
Pikon na sabi ni Kai at tumayo na. Iniwan silang nagtatawanang dalawa.Bahagya niyang sinipa ang binti nito na katabi nang binti niya na nasa sofa.
" Ang galing mo talagang mang asar Iris."
Sabi niya dito, tiningnan naman siya nito na parang nanunukso.
" Sino pinag seselosan ni Kuya, ha?"
Tanong nito sa kanya, hinampas pa nang palad ang kanyang binti na ipinatong niya sa hita nito.
" Patawa ka paano mag seselos iyon? Mahal ba niya ako?"
Tinaasan pa niya nang kilay si Iris.
" Malay mo naman. Feeling ko may something eh."
Sabi nito na tinapik tapik ang sandalan nang sofa kung saan naka unat naman ang mga braso nito.
" Matagal na akong umaasa Iris. Don't give me false hope."
Malungkot niyang sabi at itinuon ang mata sa pinapanood, isa iyong action movie ni Angelina Jolie.
" Okay, but I'm not kidding about buying a swimsuit."
Sabi nito na tinuon din ang panonod sa TV.
" Fine, sunduin mo ako sa office bukas."
Sabi niya, hanggang tinapos nila ang palabas na bahagya lang silang nag uusap tungkol sa mga bagay bagay. Ganun naman sila ni Iris hindi nawawalan nang pag uusapan.
Matapos ang palabas, tumayo na si Iris at pumasok nang kwarto siya naman ay nagtuloy nang kusina at kumuha nang tubig.
Pag punta niya nang kwarto naka lock iyon! Tawag at katok ang ginawa niya.
" Iris, open the door."
Tawag niya dito, pero hindi ito sumasagot.
" Iris! Iris!"
" Sa kabila ka matulog, ang likot mo katabi sa kama."
Sagot nito na hindi pa din binubuksan ang pinto.
" Nakaka inis ka, Iris!"
Sigaw niya dito, at kinalampag pa ang pinto. Pero wala pa din reaksiyon ito. Lumipat siya sa kwarto ni Kai. Mahina siyang kumatok.
" Kai!"
Tawag niya.
" That's open."
Sagot nito kaya pinihit niya ang seradura at nakita niya si Kai na nakahiga sa kama. Nakadapa ito habang walang pantaas.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Boss
RomanceScarlet Buenavista Ortega- Boss of fashion industry She's quite popular like her mother and she fell in love just like her. Her eyes only sees Kai Cervantes, her heart beats only for him since the time immemorial. Hanggang kailan siya magma...