Nakipag sabayan siyang makipag inuman sa mga kasama. Binaling na lang niya ang sarili sa alak, sa malamig na pakikitungo ni Kai sa kanya. Hindi ba nito alam na sobra niya itong na miss?
" Hi, you look familiar ?"
Sabi sa kanya nang isang gwapo na lalaki na lumapit.
" Really?"
Tanong niya na nakangiti medyo tipsy na siya.
"Yeah. Do you know Haylen Gomez?"
Tanong nito na ngumiti at lumabas ang pantay pantay nitong mga ngipin.
" Oh, yeah. She's my classmate in my postgraduate course. How is she?"
Tanong niya nang maalala ang isang Pinay na naging ka klase niya at kaibigan na din.
" She's fine. I'm her brother, Hayden."
Pakilala nito at inilahad ang mga kamay.
" I saw you in France, in one of your shows. Hindi ako nakalapit noon at pinagsisihan ko iyon.I don't want to make the same mistake again. Kaya nilakasan ko na ang loob ko."
Sabi nito na titig na titig sa kanyang mukha. Nailang siya kaya bumaling ang kanyang tingin sa ibang panig. At hindi niya akalain na mag landing ang mata kay Kai na nakatingin sa kanya habang umiinom nang beer.
" Can we dance?"
Tanong nito, bumaling siya dito at inabot ang kamay nitong nakalahad.
Nakita na lang niya ang sarili na nasa dance floor at nakikipag sayaw dito. Hanggang pumailanlang ang mabagal na tempo nang musika, inaasahan na niya na hahapitin siya nito sa beywang. Pero sa balikat nito may humawak na mga palad.
" My turn pare, I hope you don't mind."
Ani Kai at humawak sa kanyang mga kamay. Sumama ang mukha ni Hayden, kaya nginitian niya ito.
" It's okay, later."
Sabi niya at tumango ito at bumalik sa mesa nito. Ilang saglit silang nakatayo lang sa gitna hanggang maramdaman niya ang palad niyang ipinatong ni Kai sa balikat nito. At ang mga palad nito ay humapit sa beywang niya.
" It's been a while, Scar. Dalagang dalaga ka na."
Nakatunghay si Kai sa kanya hindi sila nagkakalayo nang taas kaya bahagya lang siyang nag angat nang mukha.
" Yeah it's been a while and you are still cold as before."
Hindi niya maitago ang pagtatampo dito.
" How are you in that five long years, Scar?"
Tanong nito sa kanya na hindi pa din inaalis ang mga tingin sa mukha niya.
" Missing you."
Maiksi at tapat niyang sagot, nakatingin din siya sa gwapo nitong mukha. Hindi ito nagsalita.
" God knows, how much I miss you, Kai."
Muli niyang sabi she bit her lower lips, trying to suppress a sob.
" You should have found someone else Scar. I don't want you to cry, nang dahil sa akin. I don't deserve it."
Hindi niya maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha nito. Gusto niyang maawa sa sarili. She grew up beautiful and elegant, but still not enough para mahalin ni Kai.
" I thought after five years, hindi na bata ang tingin mo sa akin. You're looking at me and I can't read what's in your mind. Tell me Kai, who am I to you now?"
Tanong niya dito na teary-eyed.
" Still the same. Nothing changed. Kung ano ka sa akin noon, ganun pa din ngayon."
Walang emosyon nitong sabi sa kanya at tuluyan nang nalaglag ang kanyang mga luha.
Kumawala siya sa pagkakahawak ni Kai, tinalikuran niya ito at mabilis na pumunta sa comfort room.
Pumasok siya sa isang cubicle at doon malayang humikbi. Parang sirang plaka na paulit ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi nito.
Hah! Walang nagbago, hindi pa din siya gusto ni Kai. Kahit bumalik siya na mas maganda, may pinag aralan at dalaga na, still walang pagtingin si Kai sa kanya. Maliban sa nakakabatang kapatid na tulad noon.
Hindi niya alam kung paano humarap sa mga kasama matapos pakalmahin ang sarili. Minabuti niyang umupo at uminom. Panaka naka siyang sumasabay sa mga ito upang sumayaw at pagkatapos ay iinom nang alak.
" Stop it, Scarlet. Your drunk."
Maya maya ay pigil ni Iris sa hawak niyang bote.
" Umuwi ka na, I will call your bodyguard ."
Sabi nito pero pinigilan niya ito.
" No! Call Tatay, asked him I will sleep with you. Baka hindi niya ako payagan lumabas next time if he will see me like this."
Sinapo niya ang ulo habang ang siko ay nasa mesa.
" Tell him, you missed me. And we will catch up."
Utos niya dito habang parang matutumba na siya sa sobrang lasing. Literal na nilunod niya ang sarili sa alak upang mamanhid siya.
Sumandal siya sa upuan at pumikit, pakiramdam niya umiikot ang paligid. Hanggang umangat siya sa upuan at naramdaman niya na may bumuhat sa kanya.
"Logan, ikaw na bahala kumausap sa bodyguard ni Scar."
Sa nanlalabo na diwa ay narinig niya pero wala na siyang kakayahan na maglakad o magmulat nang mga mata.
Naramdaman na lang niya na ihiniga sa back seat nang sasakyan. Mas nakaramdam siya nang hilo kaya umupo siya na nakapikit pa din.
" Hello, Tito Pascal. Kasama ko si Scar, sa condo ko siya matulog kasama ni Iris. She's fine, Tito. Yes po, ako ang bahala."
Nagmulat siya nang mata upang tinggnan kung sino ang nagsalita pero wala siyang kakayahan, hanggang bumagsak siya sa upuan at nag blackout.
Nilingon siya ni Kai na nagmamaneho, kahit siya ay naka inom pero malinaw pa ang kanyang isip. Naiiling na lang siya at mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Binilinan niya si Iris na sumunod na din sa kanya.
Nang makarating sa kanyang condo unit, muli niyang binuhat si Scarlet. Sa pagkakataon na ito mahimbing na itong natutulog. Maingat niya itong ibinaba sa kama, hinubad ang suot na stiletto.
"Dalaga ka na."
Hindi niya napigilan na komento habang nakatingin sa dalaga na nakahiga. Alam niya magdadalaga ito na mas maganda at elegante. She's wearing a black body con mini dress, showing her long pair of legs, at magandang hubog nang katawan. At dahil sa klima sa ibang bansa naging mas maputi at makinis ang balat nito. Kahit noon mabango ito, pero nagbago ito nang gamit na perfume mas mabango at sensual. Bagay sa kagandahan nito.
He let out a deep sigh, at matapos halikan sa noo ang dalaga at lagyan nang comforter ay iniwan niya itong mag isa.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Boss
RomanceScarlet Buenavista Ortega- Boss of fashion industry She's quite popular like her mother and she fell in love just like her. Her eyes only sees Kai Cervantes, her heart beats only for him since the time immemorial. Hanggang kailan siya magma...