KAHIT GAANO PALA KARUPOK NAPAPAGOD DIN
"Sabi sakin ni Grace m-may kasama ka daw na babae kahapon sa motel! Huwag mo sabihing nagsisinungaling na naman sa'kin 'yang pinsan mo Enrique!" Pinanood ko kung paano bumagsak ang mga luha niya habang sinusubukang umiwas ng tingin sa akin. Napabuntong hininga ako. Grace, napakasumbongera talaga ng babaeng yun.
" At naniniwala ka naman dun?" Inis na tanong ko. "Tumingin ka nga sa'kin." Hindi siya nakinig kaya hinawakan ko siya sa braso at pilit na ipinaharap sa akin. Pag ganitong galit siya ayaw niya akong tiningnan dahil nanghihina raw siya, kaya ginagamit kong advantage yun pag may kasalanan ako. "Ikaw lang ang mahal ko." Pinalambing ko ang boses para mas lalong gumana. Lihim akong napangiti ng tuluyang ngumuso ang girlfriend kong si Ariella.
"S-sinungaling ka naman e!" Pilit niyang pinatatag ang boses pero ng patakan ko ng halik ang kanyang noo ay tuluyan ng umamo ang mukha niya. Napapikit at dinama ang mga haplos ko sa braso niya.
"Mas maganda ka pag hindi galit mahal. Ilang beses ko bang sinasabi sa'yong 'wag kang maniniwala sa maninira kong pinsan na yun. You know we're not close kaya gagawin nun lahat para siraan ako sayo dahil alam niya kung gaano kita kamahal." Kakaunting lambing pa, matatamis na salita at alam kong bibigay na siya. Hindi nga ako nagkamali ng tuluyan siyang yumakap sa'kin. My girlfriend Ariella, is a very soft person, kaunting suyo at lambing, kahit gaanu pa kalaki ang kasalanan ko ay nagagawa niya akong mapatawad dahil lang sa mahal niya ako. Nagawa ko yung patunayan sa tatlong taon naming relasyon. "You're the perfect girlfriend for me." I told her. Because its true, kase siya lang ang nagtagal sa mga katarantaduhan ko.
"Please, Enrique. Stop h-hurting me. A-ayokong dumating yung araw na baka mapagod ako sa'yo." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Love, tingin mo bagay sakin to?" Inispatan ko ng tingin ang maiksing suot niya. She looks good kaya kaagad akong tumango. Hindi naman ako takot na baka mabastos siya dahil bihira lang siyang lumabas ng bahay at kadalasan ay sinasama ako. Nagpaalam ako sa kanyang bibilhan ko siya ng kape sa Starbucks kahit may ibang pakay din ako. Habang busy siyang mamili ng damit ay umalis din ako para makipagkita sa isa sa mga babae ko. Sandali lang dapat yun pero nauwi kami sa sinehan at nauwi sa medyo matagal na make out session. Ni hindi ko na maalala ang tungkol sa kasintahan ko. After an hour ay bumalik na ako sa boutique kung nasaan si Ariella pero wala na siya dun. I just decided to go home habang binabasa ang mga text messages niyang nagtatanong kung nasaan ako. Papalabas na ako sa mall ng makitang may lalaking nakahawak sa beywang niya na parang naghahalikan na sila. Kaagad na umakyat ang init sa ulo ko at sumugod. Walang laman ang utak ko kundi selos at galit. Kaagad akong sumuntok ng makalapit.
" E-Enrique!" Gulat man ay nagawa niyang humarang sa gitna namin.
" Tangina mo! Problema mo?!" Susugod na sana pabalik ng may dumating na mga gwardiya. Kaagad kong hinila ang girlfriend ko palayo dun.
"Enrique ano b-ba?! Why did you do that to him?! Tinulungan niya lang ako kase muntik na akong matapilok!" Mas lalo akong nakaramdam ng galit sa tono niyang parang kasalanan ko pa.
"So lumalandi ka everytime na wala ako sa tabi mo Ariella!? You're not stupid para matapilok sa shoes mo!" Napatigil siya sa sinabi ko. Nawala lang ako sandali may kasama na siyang iba?
"I am not you, Rique." Nasaktan ako sa sinabi niya pero nangibabaw pa rin ang galit.
"Wala akong ginagawang masama!" Singhal ko. "At kung meron man ay gumaganti ka ba?!" Umatras siya sa'kin. "We both know you love me so you don't want to lose me!" Natawa ako ng marahan. Nag-aapoy pa din sa galit. Namula ang mga mata niya sa nagbabadyang luha. She looks offended.
"I hate y-you! Mag break na tayo! Bakit ang hilig mo akong saktan?! Stop using my love for you para paulit-ulit mo akong gantuhin!" She walk out from me. Hindi ko siya sinundan. Hinayaan ko siyang umalis dahil alam ko namang babalik din siya at kung hindi ay kaunting suyo ko lang ay maayos na ulit kami. At hindi nga ako nagkamali, after three days ay bumalik siya sa'kin.
"I'm sorry... I won't let other man touch me a-again." Tumango ako sa sinabi niya, satisfied.
"I'm sorry too. Bati na tayo?" Pinunasan ko ang mga luha niya sa mata. She smiled at me. Ang ganda niya talaga.
"San ka nga pala galing that day? W-wala ka ding dalang coffee nun." She asked.
"May nakipagkita lang na kaibigan." I reasoned out. As usual she believe me. Our relationship continued, nothing changed at pag may nagagawa akong mali ay nagagawan ko naman ng palusot. It was my birthday that time, I invited all my friends. My girlfriend was also there of course. She was enjoying all of it. Nakikipag-usap siya sa mga kaibigan namin ng mapansin kong tingin ng tingin sa'kin ang isa sa mga dalang babae ng kaibigan ko. Napangisi ako. Girls.
"Samahan mo akong mag smoke love." Kaagad na kumunot ang noo ng girlfriend ko. Dahil sa tama ng alak ay nakalimutan kong ayaw na ayaw niyang nagsisigarilyo ako. Kaagad akong umalis para hindi niya mapigilan. Natatawa pa ako ng makarating sa balkonahe sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ko. Nagsindi ako ng sigarilyo.
"Hi." Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat na may tao sa kwarto ko. "Sinundan kita. You didn't close your door too." Parang narinig niya ang tanong sa isip ko. Kinabahan ako baka makita kami ni Ariella. This was also the girl na tingin ng tingin sa'kin kanina pa. "My name is Ruth." She introduced. Gusto ko na siyang palabasin.
"May kailangan ka?" Tanong ko. Deretsahan.
Tumawa siya. "You know what I want. I like you." Her next move were fast. Kaagad niya akong hinalikan sa labi at dahil lalaki ako ay naakit ako. I kissed her back. Wala naman ang girlfriend ko. Nasa labas and surely makakalusot na naman ako. I was kissing her when my girlfriends crying face entered my mind. Ang umiiyak niyang mukha ay nagpasikip sa dibdib ko. "L-lumabas kana." I tried pushing her away pero lumapit pa din siya. Nagulat ako ng may biglaang mabasag na kung ano.
"M-mahal." Humina ang boses ko ng makitang umiiyak ang girlfriend ko habang nakatingin sa amin. Tulala siyang tumalikod kaya kaagad akong sumunod. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Purong takot at galit sa sarili ang nararamdaman. "A-ariella! S-sandali. Magpapaliwanag ako." Nagtinginan ang mga kaibigan namin. Nakalabas na kami ng bahay ng maabutan ko siya. Galit siyang humarap sa'kin.
"M-masaya ba!? Masaya bang lokohin ako h-habang nakatalikod lang ako s-sayo?" Her first words when she look back at me. Umiiyak siya. Gusto kong saktan ang sarili. Ang iyak niya ngayon ay parang kutsilyong sinusugatan din ako. "Marami akong n-naririnig Rique... ang daming nagsasabi sa'kin... m-may mga babae ka... may ibang kinakatagpo! Hindi ako naniwala kahit... kahit alam kong baka nga meron! N-naniniwala ako sayo! I chose you! Lagi akong n-naniniwala sayo kase m-mahal kita! You're hurting me right now Riq—" I cut her off.
"L-let me explain first Ariella!" My heart clenched more ng sarcastic siyang ngumiti sa akin. Tila pagod na. Her tears and eyes are different right now kumpara sa mga oras na nag-aaway kami dati. Dumoble ang takot kong baka mawala siya.
"Para a-ano?" Sa paos na boses ay nagpatuloy siya. "Mauto mo n-na naman ako? Enrique sa sariling bahay m-mo? S-sa kwarto m-mo? Sa kama kung s-saan tabi mo a-akong matulog?!" Anong kagaguhan tong pinasok ko? Tangina. Nasasaktan na naman siya ng dahil sa akin. "Mahal kita pero n-nakakasawa na. Y-you never matured Enrique! Puro ka kasinungalingan! You're selfish! Y-you wanna k-know what's the only thing that's true right n-now? Wala akong napala sa p-pagmamahal ko sa'yo kundi sakit at luha!" Napayuko ako. She's right. Lagi ko nalang siyang sinasaktan.
" Sa sobrang p-pagmamahal ko sayo nakakalimutan ko y-yung dignidad ko! Natatakot akong p-pag nagpatuloy to.. baka m-maiwala ko yung sarili ko." Ang gago ko.
"M-mahal kita Ariella." Nabasag ang boses ko.
" Yan ba yung pagmamahal mo? N-nananakit at nang-aabuso? K-kung yan na iyon.. ayoko niyan." Ang sakit. But I really love her.
"Give me another chance.. m-magbabago na ako.." nanginig ang boses ko. Nanghina ako ng sunod-sunod siyang umiling.
"A-ayoko na. Diba sinabi kong sa'yong ayokong m-mapagod... a-ayoko sana kaso pinagod m-mo ako." Humikbi siya habang nagpupunas ng luha. "Let's break up." She said. Kinagat ko ang labi ko. I know she didn't mean it. She loves me. "For good.. for real." Tumalikod siya paalis sa'kin. Gusto ko siyang habulin pero hindi ko ginawa. I know she'll comeback to me after days. But days turned weeks and months. I never realized that I've been waiting for years. Hindi ko makalimutan ang pagod sa mga mata niya nung gabing yun. My ex, who loved and tried to understand me more than anyone else finally left... at hindi na siya bumalik pa. I took her for granted and I deserve to lose her kahit gaanu pa kasakit. Masakit pag tuluyan ng napagod at umalis ang taong minsang nagpasensiya sa'yo ng sobra-sobra.
YOU ARE READING
Sad Story's
Non-FictionSad story's. One-shots you wanna read. Some story's are mine. Not K-pop related.