Story 36

192 6 0
                                    

CUPID'S UNTOLD STORY

"Sana all may ka-date! Sana all may ka-valentines!" I ran as fast as I could after shouting that phrase. Pilit kong iniyuyuko ang ulo para hindi ako mamukhaan ng mga taong natatawa at kuryosong nakatingin sa akin ngayon. Tatawa tawa ako ng napatigil sa tagong parte ng plaza. Today is  14th of February, Valentines day and as usual, marami na namang couples ang pakalat-kalat. Gusto ko lang naman talagang mang-inis hindi dahil single ako kundi dahil trip ko lang. Hindi naman ako bitter tulad ng ibang tao diyan na parang ikamamatay na wala silang jowa.

"Ineng, gusto mo bang magka-boyfriend?" Napatigil ako sa pagtawa at napatingin sa matandang pulubing may dalang sako na mga kalakal yata ang laman. Natawa ako ng bahagya, nakita yata ako ni Lolo kanina.

"Hindi naman po. May irereto po ba kayo? Baka pwede yan sa kaibigan ko! Hayok sa jowa yun e." Sinakyan ko nalang siya kase mukang may sayad naman. Napangisi ako ng maalala ang kaibigan kong si Chelsea, baka may humabol pa daw para maging date niya ngayong araw, desperada siyang may makasama ngayon. Ngumiti si Lolo sa'kin pero hindi dahil doon kaya napatigil ako sa pagtawa. My smile disappeared when I noticed how creepy it is. He looks crazy actually. "Oo neng, may binata akong nakita kanina dito, naghahanap din ng makakapareho." Nagpantig ang tenga ko. I knew it. Nakalimutan ko bigla ang tungkol sa nakakatakot niyang ngiti.

"Gwapo po ba?" I asked curiously. Tumango si Lolo. "Wait lang po ah." Kaagad kong kinuha ang cellphone para matawagan si Chelsea. Nagsimula akong magkwento sa kanya except sa part na baliw at pulubi ang nag-alok sa'kin.

"Nababaliw ka na ba Ress?" Natatawang tanong niya sa'kin. Ngumisi ako. Alam kong di siya tatanggi sa "grasya" ika nga niya.

"Basta pumunta ka dito mamayang gabi, may maghihintay sayo. Date mo daw." I gave her the exact place bago pinatay ang tawag. Gusto kong suportahan ang kaibigan ko sa kalandian niya dahil mabuti akong kaibigan.

"Lolo.." napatigil ako ng makitang wala na yung matanda. "Pinagtitripan ba ako nun? Di bale, kung may darating man mamaya o wala bahala na si Chelsea. Pambawi sa mga pranks niya." Hindi ko sinabi sa kaibigan kong baka hindi matuloy ang lakad. Night came when Chelsea sent me a photo of her na may kasamang gwapong lalaki. "Thanks Ress, I found the one!"

"Dapat pala ako nalang." Napasimangot ako. Ang gwapo naman nun! So  like the past Valentines day ay natulog nalang ako magdamag dahil wala naman akong boyfriend na makakasama. Lumipas ang tatlong araw at wala ng paramdam sa'kin ang kaibigan ko. Nag-e-enjoy na yata sa bagong jowa niya. Nagulat nalang ako ng umiiyak na pumunta sa bahay namin ang nanay ni Chelsea. Hindi daw nila mahanap ang kaibigan ko tatlong araw na! Nagsimula akong kabahan. Baka may nangyaring masama sa kanya dahil sa lalaking kasama niya. Hindi kakayanin ng konsensiya ko. Bumalik ako dun sa plaza para hanapin yung matanda. Paikot ikot ako sa lugar na pero hindi ko siya mahanap pati na rin ang kaibigan. Napatigil ako ng makita ang pamilyar na sakong dala ng matanda nung nakaraan. Kamuntik na akong maduwal ng may maamoy na masangsang.

"Masaya na yung kaibigan mo ineng." Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa matandang nakaupo sa kalsada at may pinupunasang matalim na bagay. Nanlamig ako ng makita iyon. Patalim na may maraming dugo.

"A-ano po yan? B-bakit may... dugo diyan?" Nanginig ang mga kamay ko. Napaatras ako ng lumapit siya sa sakong may masamang amoy.

"Magre-report ako s-sa police!" Kinakabahan na ako. Mas lalong lumakas ang hinala ko ng may makitang pulang likido mula sa sako. "A-ano yan—?" Napatigil kami pareho ng nabitawan niya yun at gumulong palabas ang isang puso. Nanlaki ang mga mata ko sa takot. Parang puso ng tao yun!

"Ang galing ko talagang magpareho. Narinig kong mahal na nila ang isa't-isa neng matapos ko silang ipareho ng isang gabi lamang. Iba na kase talaga kayong mga kabataan ngayon, nagmamadali kayong magmahal pero hindi naman ninyo mapanindigan. Sinisira niyo ang simbolo ng pag-ibig kaya tinutulungan ko lang kayong manatili sa isa't-isa kasama ng taong napili niyong mahalin habang buhay." Ngumiti siya sa akin na parang nahihibang. "Kaya imbes na panain sila kinukuha ko nalang yung mga puso nila. Ngayon hindi na sila maghihiwalay pa." Tumawa siya habang papalapit sa akin.

"Sabihan mo ako kung sino pa yung mga gustong magkaroon ng kasintahan para mapuntahan ko sila isa-isa." Nakakatakot na bulong niya. Cupid won't arrive for love anymore but to kill us.

Sad Story's Where stories live. Discover now