Story 16

256 11 1
                                    

I FOUND A PRIVATE NOTE ON HIS PHONE

I love my boyfriend the way he loves me. He treasures me so much and he always made me feel that way. Pero hindi talaga mapipigilan minsan na sa isang relasyon ay may mga bagay na hindi kayo pinagkakaunawaan ng partner mo and sometimes masyado tayong nagpapadala sa emotions natin without realizing na kasalanan din naman pala natin. Minsan mas pinipili nating pansinin yung pride natin dahil lang sa tayo yung babae at nasanay tayong tayo dapat yung sinusuyo.

" Kausapin mo na ako Kathleen, please..." I could see the sadness on his eyes pero matigas talaga ako ngayon. Dahil narin siguro sa trust issues ko dahil sa mga lalaking nanloko sa'kin dati.

" Akala ko ba iiwasan mo siya?"

" Wala kang dapat ipagselos sa babaeng yun kase kaibigan ko lang siya. Hindi ko sinasadyang magkita kami kanina at niyaya siya ng mga kabarkada namin kase mag-isa lang siya. Hindi naman pwedeng umalis nalang ako biglaan." Nakita kong nahihirapan na siyang mag-explain sa'kin.

" Maghiwalay nalang tayo kung ganyan ka." Natahimik siya sa sinabi ko. Nagseselos talaga ako. Alam kase ng lahat na bago kami ay matagal ng may gusto ang babaeng yun sa kanya. Tumahimik nalang ako at hindi siya pinansin. Pauli-ulit niya akong kinulit pero hindi ako nagpadala.

" Sorry na." Bagsak ang balikat na sabi niya bago umalis sa tabi ko. Sumuko din. Napatingin ako sa cellphone niyang naiwan niya ng may mag text dun.

Isa lang pala yun sa mga kaibigan niya. Nagtatanong kung makakasama ba siyang mag-basketball bukas. Ilalapag ko na sana ng may napindot akong hindi sinasadya. The note on his phone. Nagtaka ako ng may password ang isa sa mga notes niya. Hindi pa siya nakakabalik kaya nanghula nalang ako ng passwords, I typed his birthday pero hindi nabuksan. I tried our monthsary pero hindi padin nabubuksan. Nawawalan na ako ng pag-asa at kinakabahan sa laman nun ng sinubukan kong i-type ang birthday ko. Nagulat ako ng bumukas. Bumungad sa'kin ang mga nakasulat dun. Nagbagsakan ang mga luha ko, habang patagal ng patagal ang pagbabasa ko ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Lahat ng mga nakasulat dun ay para sa'kin. Kaagad akong tumayo at hinanap siya sa buong bahay. Mas lalo akong napaiyak ng makita siyang nakatulala sa sofa. Parang problemado.

" Babe." Napalingon siya sa'kin.

" I'm sorry." Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit habang umiiyak. He loves me so much na may ginawa pa siyang note para sa'kin. Rules to keep me, rules to be with me. Na-realize ko lang na minsan mali din tayong mga babae sa part na wala tayong tiwala sa mga partners natin. Kung natatakot tayong maloko nasasaktan naman sila kapag nararamdaman nilang wala tayong tiwala sa kanila. Love is a risk, give and take. Kung masasaktan ka ay masasaktan ka talaga, ang importante ginawa mo yung best mong maging faithful at magmahal ng buong buo. My name is Kathleen and I'm proud to say, I'm in-love with the right man.

Sad Story's Where stories live. Discover now