HINDI KO SIYA NAGAWANG PILIIN
" May lakad ako mamaya baka hindi ako makasabay sa'yo pauwi galing school."
" Ano bang gagawin mo after?"
" May practice kami para sa P.E, traditional dance."
" Sasama na ako sayo. Hihintayin nalang kita para sabay tayo." Napangiti ako sa sinabi ng boyfriend kong si Clinton.
" Diba may basketball kayo ng mga pinsan niyo?" Sinabi niya sa'kin yan kahapon.
" Mas importante ka kesa dun. Tsaka gabi na nun baka mapaano ka pa sa daan."
Being in a relationship with someone you love for almost a year is one of the best feeling in this world. Panu pa kaya kung mahal ka din ng taong yun? He would always make time to choose me and that made me feel loved. Nung sabay kaming magkasakit, imbes na magpahinga sa bahay nila ay mas pinili niya akong puntahan at alagaan. Mas gusto niyang hintayin ako pag may practice pa ako sa school at late na nakakauwi imbes na maglaro ng paborito niyang basketball. Nung isang beses na birthday ng mama niya ay pinuntahan niya ako dahil lang sa may emergency ako at nag-aalala siya.
" Ikaw muna bago ibang bagay o sarili ko." Palagi niyang pinapaalala sa'kin yan. Hindi na nakakapagtaka kung bakit umabot kami ng iilan pang taon.
" Sabay tayong ga-graduate kaya sabay din tayong maghahanap ng trabaho ha?" Ngumiti ako sa kanya. Pilit. Panu ko ba sasabihin? Iilang buwan nalang ay sabay kaming magiging engineer. Akala niya ay matutupad ang balak naming makapagtrabaho sa parehong kompanya dahil yun naman talaga yung plano naming dalawa. Palagi dapat kaming magkasama. Pero... aalis ako. Gusto akong papuntahin ni ate sa New Jersey dahil mas malaki ang oportunidad sa ibang bansa. Gusto ko din. Mas makakapag-ipon ako. Gusto kong maiyak habang nakikita ang ngiti niyang masaya. Ano kayang magiging reaksyon niya pag nalaman niyang aalis ako? The day of our graduation came. My parents are congratulating him habang kino-congratulate naman ako ng mga magulang niya.
" Hindi na talaga kayo maghihiwalay no?" His mom said.
" Hindi pa ba nasabi ni Clinton and Kiana sa inyo? Aalis ang anak ko papuntang new jersey para dun makapag simula." Napatigil silang lahat pero nasa isang pares ng mata lang ako napatingin. Umiwas kaagad ako ng makita ang gulat at sakit sa mata niya.
" A-aalis ka, Kiana?" Tumango ako kay Tita. Napapikit ako ng biglaang umalis si Clinton. Kaagad akong nagpaalam at umalis para sundan siya.
" Clinton!" Naiiyak akong sumunod hanggang sa makaabot kami sa parking lot ng school.
" Aalis ka?!" He asked me ng tumigil at humarap siya. Bigo akong tumango.
" Iiwan mo ako?"
" Hindi... hindi.. babalik naman ako." Nabasag ang boses ko ng makitang may tumulong luha sa mga mata niya.
" Nangako ka! Nangako tayo. Wala ka palang salita eh!" Nasaktan ako sa sinabi niya. Napag-isipan ko na'to. Alam kong sa susunod na salitang lalabas sa bibig ko ay mas lalo siyang masasaktan at mas masasaktan ako. Seeing him this dependent on me. This is also for him.
" Pagod na ako sa'yo! Pagod na pagod na ako sa'yo! Palagi kang nakasunod sakin at palagi mo akong sinasamahan sa lahat! Aalis ako dahil ayoko ng makasama ka pa! Ngayon kung hindi mo pa din naiintindihan... ayoko na sa'y—" napatigil ako ng makitang sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya. Gusto kong bawiin yun at yakapin nalang siya, tell him I'm sorry and I love him.
" Kung nakikipaghiwalay ka sa'kin hindi mo naman kailangang saktan ako ng ganto. Kelangan kita pero mukang ayaw mo na." Pinanood ko siyang tumalikod at umalis. Napaupo ako sa sahig habang humahagulgol. That day, I lost him. The man I love. Kung hindi ko siya maiwan mas mabuting ako nalang ang iwanan niya para hindi siya masyadong masaktan. Kahit ako nalang.
Limang taon ang lumipas. I tried moving on with my life kahit wala na akong ginawa sa loob ng ilang buwan kundi umiyak ng umiyak. We lost contact with each other. And sadly I'm still in love with him. I have everything now but my heart still wants him. Finally, I'm about to go home because of a class reunion. Isang party ang ginanap para magkita-kita kaming lahat na mag-ka-klase. I never expect to bumped or even see him again. Ilang taon na ang lumipas at siguro ay nakapag move-on na siya at tama nga ako. Seeing him talking with our classmates happily made me happy but seeing him with a girl is a different story. Pinili kong iwasan siya buong gabi pero mukang gusto talaga ng tadhana na magkausap kami. While alone in the gardens fountain, nagsalita siya mula sa likuran ko.
" Kamusta kana?" Hindi ko inakalang makikipag-usap pa siya sa'kin matapos ng nangyari samin. Mas napatunayan kong maayos na siya ng ngumiti siya sakin ng komportable.
" A-ayos lang." I smiled. Mas lalo kong nararamdaman yung sakit. Tahimik sa garden sa kung nasaan kami.
" May asawa kana?" Umiling ako sa tanong niya.
" Boyfriend?" Umiling ulit ako. Mas lalong kinakabahan.
" I have a girlfriend now." Lumabo ang mga mata ko sa nagbabadyang mga luha. Nakaramdam ako ng galit para sa sarili, ako yung umalis pero ako yung iiyak ngayon. Ang gago lang.
" M-mabuti naman." Nanginig ang boses ko.
" Bakit hindi mo ako pinili noon?" Natahimik ako sa tanong niya. " Kahit ilang taon na, I still deserve an answer Kiana."
" Mahal na mahal kita nun e, sobrang sakit nung umalis ka." Nagsisi akong tumingin pa ako sa kanya. I saw pain and longing in them.
" Sorry. Naging selfish ako..." Tama, bukod sa ayokong maging hadlang sa kanya, totoong mas pinili ko yung sarili ko. Hinawakan n'ya ako muka at isa-isang pinunasan ang mga luha ko. I miss him. I still love him. Nagsisi akong umalis ako. Wala na akong hiyang maramdaman ngayon. Gusto ko siyang maging sa'kin ulit.
" Bakit umiiyak ka?" Marahang tanong niya. " Iniwan mo ako... Sinaktan mo ako.. mas pinili mo yung mga pangarap mo kesa sakin.." tuluyan na akong napahikbi. Pinamumukha niya saking kasalanan ko. " I have someone else now. Mahal ko siya." Napapikit ako sa sakit. Panu ko siya nagawang iwanan nun?
" Mahal ko siya higit kanino man." Matigas na sabi niya. " Kahit iniwan niya ako ilang taon na ang nakakaraan. Kahit mas pinili niyang mangibang bansa, kahit nasaktan ako—" napadilat ako sa sinabi niya. Ano?
" Mahal na mahal pa rin kita. Ikaw parin."
" Clinton.." Mas lalo akong napahikbi, bumangon ang saya sa'kin. Pero ganun din pala ang pagbagsak nun sa susunod niyang sinabi.
" Mahal pa rin kita pero hindi na pwede. I'm getting married tomorrow, Kiana. I'll marry the girl who chose me more than you ever did. The girl who stayed after you left. You're always my first choice pero hindi na ngayon. Pipiliin ko siya kahit mas mahal kita." Tuluyan na siyang tumalikod paalis. Alam mo yung masakit? I don't have any right to fight for him anymore. I deserve this pain.
YOU ARE READING
Sad Story's
Non-FictionSad story's. One-shots you wanna read. Some story's are mine. Not K-pop related.