Story 7

416 7 0
                                    

I CAN'T GIVE HIM A CHILD SO HE CHEATED

" Basta pag dating ng panahon papakasalan kita." The promise from him that I kept for many years. Hindi niya naman ako binigo. He married me. Isang kasal para sa babaeng pinangakuan niya ng panghabangbuhay na pagmamahal. Nakahiga ako sa kama ng maramdamang bumukas ang pintuan ng kwarto. Ang antok na kanina kong nararamdaman ay biglaang nawala. Its Nico, my husband. The bathrooms door opened at alam kung maliligo siya tulad ng usual niyang ginagawa bago matulog. I pretended to be asleep until the door opened again and I felt him lied beside me. My heart clenched, hinihintay ko kaseng yakapin niya ako mula sa likuran katulad ng nakasanayan ko. Pinigilan kong maiyak. I don't know what change, minahal naman namin ang isa't-isa noon pero isang araw bigla nalang siyang nagbago, nanlamig at nambabae. Isang beses umuwi siyang lasing, kaagad ko siyang inalalayan para makapasok. My eyes blurred from tears ng makitang may kiss marks siya sa leeg, amoy pambabaeng pabango at may bakas ng lipstick sa labi.

" Bakit ba ginagawa mo sa'kin to?" Nanginig ang boses ko. " B-bakit sinasaktan mo ako? Nasan na yung asawa ko dati?"

" Y-you know what I want. Bigyan mo ako ng a-anak." Parang dinurog ang puso ko. Limang taon na kaming mag-asawa pero hindi ko siya mabigyan. Ang sabi ng doctor ay maliit lamang ang tsansa na makapagdala ako ng bata sa sinapupunan. Huli na ng malaman yun at hindi niya pa rin matanggap.

" You're useless if can't bear my children." Bumagsak ang sunod-sunod na luha ko. Parang ininsulto niya na din ang buong pagkatao ko.

" May meeting kami sa Cavite. Baka dalawang araw ako dun." Paalam niya sakin. Napabuntong hininga nalang ako ng umalis siya ng walang ibang sinasabi. I'm his wife pero kung ituring niya ako ay parang wala lang.

" Asawa mo yun diba? He's with his ex again?!" Tanong ng kaibigan ko na may kasamang galit ang boses. Akala ko ba nasa Cavite siya? Bakit pa ako nagulat? Kilalang kilala ko yung babaeng kasama niya. His ex, na girlfriend niya ulit ngayon. We're married but he has a girlfriend. Kinagat ko ang labi para kumalma.

" H-hayaan mo na." Sinubukan kong hilahin ang kaibigan ko. She looks mad at me.

" Bakit hinahayaan mong gawin niya sa'yo yan?! You deserve better!

" Alam mo n-naman diba? I can't give him a child. Tsaka.. baka magbago din siya." Tinanaw ko siya at ang babae niya. It's my fault, kung kaya ko lang sanang magbuntis.

" Akala ko ba nasa Cavite ka?" Bungad ko sa kanya. He look at me blankly ng nakapasok sa kwarto.

" Nakita ko kayo ng babae mo, si Karen. Apat na araw kang hindi umuwi Nico! Ginagawa mo akong tanga!"

" Anong pakealam mo? Alam mo naman palang kasama ko siya pero nandito ka at nagdadada! Mas gusto ko siyang kasama kesa sa'yo!" Napaatras ako hindi dahil sa galit niya kundi sa sakit ng mga sinabi niya.

" Ikaw yung nag-alok ng kasal sa'kin!"

" Dahil sinabi mong buntis ka pero hindi naman pala! My dreams and future for myself! For you! For us was ruined! Hindi ako nakapunta sa Dubai dahil pinigilan mo ako sa letseng peke mong pagbubuntis tapos malalaman kong baog ka??! Tangina naman! Ginusto mo 'to kaya panindigan mo!" Isang sampal ang ginawad ko sa kanya. Puno ng luha ang mga mata kasabay ng sakit na hindi ko na mapangalanan.

" Hanggang kelan mo isusumbat sa'kin yan?! Hanggang kelan ko pagbabayaran yung pagkakamaling nagawa ko dahil lang sa mahal kita!" Humikbi ako. "Siguro nga deserve ko 'tong pagpapahirap mo. Pero... sana... sana huwag mong pagsisihan yung araw na tuluyan na akong mapagod." I locked myself in the bathroom. I cried everything that night. The insult and sharp words from him, my own husband, are like knives cutting me deep and painfully.

" Nagmahal lang naman a-ako. Bakit kailangan kong masaktan ng g-ganito." My heart was numb. Ang lahat ng insulto ay pumasok sa sistema ko. Ilang linggo ang lumipas pero nanatili akong tahimik. I cook and take care of him but I never looked at his eyes again. Takot akong makita na naman ang sumbat at pagkamuhi dun para sa akin.

" H-happy anniversary." Nagulat ako ng batiin niya ako habang kumakain kami. " May gusto ka bang puntahan?" Umiling ako. Wala akong ganang umalis ng bahay.

" Kung ganun dito nalang din ako." Hindi ako umimik. " We can.. you know, have date like the usual." Ngumiti siya sa'kin. Wala akong maramdaman kundi paninibago. Yun lang.

" Hindi ba kayo magkikita ni Karen?"

" Wala na kami." Nagulat ulit ako. " I wanna fix our marriage." Gusto kong makaramdam ng saya, gustong-gusto kong makaramdam pero bakit wala akong makapa nun sa puso ko. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy na kumain. Ito ba yung pagod na ako? Nagsawa sa sakit? Bakit hindi ako masaya ngayon. Alam kong napansin niya yun. He made efforts, for the past whole 2 weeks ay nanatili siyang kasama ko.

" Ipagluluto kita." He cooks for me, cling to me and says the words I've been wanting to hear " I love you." Unti-unting lumambot ang puso ko para sa kanya. He suddenly change, bumalik ang lalaking minahal ko dati. I was ready to forgive, handang handa na akong magpatawad kundi ko lang nakita ulit ang ex niya.

" Ako ang mahal ni Nico." My tears fell while listening to her and looking at her situation. She looks... everything that I wish I am. Tumakbo ako palabas ng restaurant na yun. Umuwi ako at nagsimulang mag impake.

" A-anong ginagawa mo?" Nakita ko ang gulat at sakit sa mga mata niya.

" Maghihiwalay na tayo." Matapang na sabi ko. " Ayoko na. Pagod na ako."

" Bumabawi naman ako... Teka lang." Umiwas ako ng kamuntik niya akong mahawakan. " H-hindi ka aalis." Matigas na sabi niya.

" Mangyayari na yung pinakagusto mo sa lahat! Ano pa bang kailangan mo sakin?" Parang bulkang sumabog ako. " Pagod na akong masaktan dahil sa'yo! Ako yung asawa mo pero nakikihati ako sa babae mo! Minahal lang naman kita pero bakit kailangang saktan mo ako ng ganto?!"

" Ikaw yung mahal ko! Nagkamali lang ako.. please... pag-usapan natin to." His eyes were red and begging, tila maiiyak na. Mas lalo akong nasaktan.

" It's too late, Nico. P-pinagod mo yung asawa mo. S-sinaktan mo ako ng higit sa deserve ko. Bakit ako pa yung nagmukang kabit kahit asawa mo ako?" Hinubad ko ang singsing na suot ko sabay lapag nun sa kama. " I met your girlfriend awhile ago..." Mas lalong nabasag ang boses ko. " Nico... isang insulto mula sayo ng pagiging baog ko lang sobrang sakit na.. inulit-ulit mo pa kaya.. pero yung harap-harapan kong makita?!" My voice trembled " .... She's pregnant Nico." I smiled sadly pero nauwi yun sa hikbi. " N-natupad na y-yung pangarap mong magkaanak.." Kaagad akong tumakbo ng makitang nakatulala siya sa'kin. Manhid ang katawan at puso sa sakit nagmaneho ako ng walang direksyon. Parusa ba 'to sa'kin? Bakit sobra-sobra? Isang liko ang aking ginawa kasabay ng pagsalpok sa poste ng kotse.. naramdaman ko ang sakit ng aking katawan. Sobrang sakit... pero wala yun sa sakit na nagsimulang bumangon sa aking sinapupunan... mas lalo akong humagulgol ng makitang nababalot ng dugo ang aking gitnang hita. May buhay sa loob ng aking sinapupunan.

Sad Story's Where stories live. Discover now