Story 5

657 10 0
                                    

SHE WAS AFRAID I'LL CHEAT ON HER

" May balak ka rin bang mag cheat sa'kin Chase?" Napatigil ako kakatawa pati narin ang mga kaibigan namin ng biglang magtanong ang girlfriend kong si Xiana. Pinag-uusapan kase namin yung pinsan ng kaibigan kong nahuli ng girlfriend niyang may kasama papasok sa motel.

" Wala no." Kinabahan ako ng lumungkot ang maganda niyang muka. Kaagad ko siyang niyakap ng marahan. Palagi siyang ganito pag may naririnig tungkol sa pagtataksil at pangangaliwa.

" Uy! Uy! Single here!" Nagsigawan sila at nang-aasar pero wala sa kanila ang atensyon ko.

" Hindi ko gagawin sayo yun, don't worry Xiana." Tumango siya habang nagpipigil ng iyak. My girlfriend Xiana has been cheated by her past relationships. Minsan gusto kong magtanong pero natatakot akong makaramdam ng selos. Her fear to cheating came from her father who cheated to her mom. Wala naman s'yang kailangang ikatakot dahil wala akong balak lokohin siya. I love her too much that looking for another girl is impossible for me.

" Hindi nga pala kita masusundo mamaya. May inuutos si Mommy sakin e." Nakita kong kumunot ang noo niya.

" You're not meeting with a girl right?" Nagpipigil ako ng ngiti sa sinabi niya. I really think she's cute whenever she's jealous.

" No. Ikaw lang yung mahal ko Xiana." She smiled at me pero alam kong pilit yun. Wala akong ibang nagawa kundi yakapin at lambingin siya. Natagalan ako sa mall kakahanap sa pinabibili sa'kin ni Mommy. It was 8pm and I need to commute. Aalis na sana ako ng mahagip ng mata ko ang pinsang babaeng naglalakad papalapit sa'kin na nakangiti. Niyakap ko ang pinsan dahil ilang buwan din kaming hindi nagkita.

" Panget ka pa din ah." Nagtawanan kaming dalawa. " Shit—" ganun na lamang ang mura ko ng may biglang humila sa buhok ng babae. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Xiana yun.

" Malandi ka!" Kaagad ko siyang hinila palayo sa pinsan kong bakas ang sakit at galit sa muka.

" Xiana! She's my cousin!" Napatigil siya at gulat na napatingin sakin.

" Is that your girlfriend Chase? Baliw ba yan? Bat biglang nananakit?!" Nag walk-out ang pinsan ko. Sisigawan ko na sana ang girlfriend ko ng makitang umiiyak siya at nakayuko.

" I'm sorry Chase." Humikbi s'ya. Umiling nalang ako at hinila siya palabas dahil pinagtitinginan na kami. Her jealousy is annoying but seeing her tears melted my anger for her. Pinunasan ko ang gilid ng mga mata niya. Sinabing ayos lang at mahal ko siya. I need to understand that she's just traumatized. " Ano ba kaseng ginagawa mo dito? Late na." Tumingin siya sa paligid bago tinuro yung exit.

" Kailangan ko ng umalis pala! Baka naiwan na ako ni Mama, may binibili kase kaming dress." Pinigilan ko siya.

" Baka pwedeng ma-meet ko na yung Mama mo." I asked her. Hindi niya pa kase ako pinapakilala sa magulang niya. Hindi pa daw siya handa.

Kaagad siyang umiling. "Sa susunod na baka magalit si Mama." Wala akong nagawa ng umalis siya. " I love you!" She half whispered and shouted at me. Napangiti ako.

Her jealousy became more harder to deal with. Nahihirapan na akong umintindi sa kanyang pagiging selosa na minsan ay nagiging problema na sa'kin. Pati mga kaibigan kong babae ay nilalayuan na din ako, takot sa kanya. Isang beses subukan kong i-open up sa kanya yun.

" May tiwala naman ako sa'yo! Ikaw lang tong masyadong nag-iisip! Nagseselos lang naman ako ah! Hindi mo kinokonsidera yung nararamdaman ko!" Umiiyak siyang umalis sa harapan ko. Napapikit nalang ako sa inis. I knew it! Masamang ediya yun. Gusto kong mag sorry pero nakaalis na siya. Tatlong araw niya akong hindi pinansin. Umiwas ako sa mga babaeng pinagseselosan niya, sa lahat ng bagay na makakasakit sa kanya. Ganyan ko siya kamahal.

" Chase, si Eliana, pinsan ko." Eliana is beautiful. Maputi, maganda ang katawan at mukha. She smiled at me. Unang tingin pa lang ay alam kong interesado siya sa'kin. Her smiles says she has a crush on me. Even her small actions are obvious. Napailing ako.

" Chase, sasama ka ba? Mag iinom daw sila sa bahay ng pinsan ko." Napatingin ako kay Eliana, her face heated. Namumula siya.

Tumango ako. " Oo e, kasama ko yung girlfriend ko." Kaagad na nawala ang ngiti niya. Napahiyang umalis siya sa harapan ko. Akala ko talaga ay makakasama si Xiana nung sumapit ang gabi pero may biglaan siyang emergency sa bahay nila. Sapo ang ulo habang nakaupo sa couch, ramdam kong lasing na ako. I'm waiting for my girlfriends text pero mukang nakatulog na siya dahil sa ala una na din ng madaling araw. Nagulat ako ng maramdamang may humalik sa leeg ko. Epekto ng alak ay nagustuhan ko yun. I found myself in a bed while someone was on top of me. Sa isip ko ay si Xiana iyon. My beautiful girlfriend. I closed my eyes in pleasure.

" Shit!" Kaagad kong naitulak ang babaeng nakapatong sakin. Nanginginig ang kalamnan ng makitang hindi ko kasintahan yun at walang iba kundi si Eliana. She's naked, muntik ng may mangyari sa amin! Takot na takot akong maging dahilan to para hiwalayan ako ni Xiana.

" May girlfriend akong tao! Tangina naman!" Napahiyang yumuko siya habang nagmamadaling nagbihis naman ako bago umalis dun. The guilt and anger for myself ate me. Panu ko nagawa yun? Masasaktan siya sa nagawa ko. She will cry! Xiana might leave me. Kaagad akong sumakay papunta sa kanila. Hindi pa kami legal pero alam ko ang bahay nila dahil hinahatid ko siya minsan. Gusto kong humingi ng tawad, gusto ko siyang makita. Malayo pa lang ay napansin ko ng parang may kahulugan siya kanila. The image of her father and mother fighting again and her, crying made me worried. Kaagad akong bumaba sa taxi at walang dalawang isip na tumingin sa nangyayari. Bukas ang pintuan ng bahay at nakita ko. My girlfriend is only covered with a blanket, umiiyak at pilit na tinatabunan ang katawan habang kaharap ang sa tingin ko'y mga magulang niya. Kaagad akong nag-apoy sa galit. What happened? Walang dalawang isip na lalapit na sana ng marinig ko ang sinabi ng may edad na lalaki. " Putangina naman Xiana! Sa pamamahay pa natin?! Dito ka pa nagdala ng lalaki at gumawa ng kahayupan?!" Nanigas ako sa narinig. Isang lalaking kaedad ko naman ang nakita ko, walang suot na pantaas. Nagsalita ang kasintahan ko. " I-i'm sorry p-papa." Isang sampal mula sa ama nya ang nagpabaling ng muka niya papunta sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. Kaagad akong tumalikod paalis. Hindi ko masikmura ang nakita at mga narinig. My heart started aching habang paunti-unting naiintindihan ang nangyayari. Fuck!

"C-chase!" Hindi ko alam kung paano niya ako nahabol sa ganung sitwasyon niya. "M-magpapaliwanag ako..." Humagulgol siya ng iyak. Humarap ako sa kanya, pero napapikit din sa sakit ng makitang isang kumot parin ang nagsilbing takip sa hubad niyang katawan. " I-I'im sorry." Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya.

"Bakit? Bakit?! You told me to never cheat on you! Bakit—" Tiningnan ko siya ng nakakainsultong tingin. Ang babaeng nirerespeto at minamahal ko ay nagawang mag-pahawak sa iba at habang kami pa. "You said ayaw mong maloko! Bakit mo ginawa sakin?!" I shouted. "K-kelan pa?"

"I'm sorry.." humikbi siya. Wala akong maramdaman kundi galit at sakit. Napapikit siya. "Matagal n-na kami." Nanlabo ang paningin ko. "Takot na takot na akong maloko.. palagi akong niloloko... I'm sorry... Huli ko ng napansin na g-ginagawa ko na p-pala s-sayo." Parang dinurog ako sa sinabi niya. Kung ganun wala siyang tiwala sa'kin? Takot siyang gawin ko sa kanya tulad ng mga dati niyang kasintahan kaya inuhan niya ako? Natawa ako, ang sakit wala ng pagsidlan sa loob ko. Nagawa akong pagtaksilan ng babaeng pinakamamahal ko.

"I came here to apologize, Xiana. Kamuntik na akong gumawa ng kasalanan sayo! I almost had sex with someone else dahil lasing ako samantalang ikaw! I love you! S-sobrang sakit." Napatingala ako sa langit para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. "Nung nasa mall ka ng gabing yun k-kasama mo yung lalaking yun diba?" Isang hikbi mula sa kanya ay nakumpirma ko kaagad na tama ako. I saw them, sumakay ng taxi at walang kasamang nanay niya tulad ng sabi niya. Pero binalewala ko dahil nagtiwala ako sa kanya kase ayaw niya sa mga manloloko.

" Ang sakit. Tangina. Umiwas ako sa lahat ng babae para sa'yo... M-maghiwalay na tayo." I declared. Parang dinurog ako sa sakit ng tumango siya, hinang-hina.

" Siguro nga tama to. I'm sorry... Buntis na din kase ako, magkakaanak na kami." Tuluyang bumagsak ang mga luha ko. She was paranoid I'll cheat but she's the one who did it.

Sad Story's Where stories live. Discover now