Story 17

228 6 0
                                    

HINDI NIYO DAPAT SIYA HINUSGAHAN

" Yan ba yung pokpok?"

" Nakakadiri. Balita ko pati yung teacher nating matanda nagalaw na din yan."

" Tingnan mo naman yung katawan. Parang gamit na gamit. Laspag na."

" Hindi ba siya nahihiyang pumasok padin sa school at magpakita sa mga tao?"

Nakatitig lang ako sa mga kaklase ko at iba pang schoolmates namin na pinag-uusapan siya. Alam kong naririnig niya yung mga bulungan nila dahil sadyang nilalakasan talaga. Sa sitwasyong to ay dapat magalit or mag react lang siya ng kahit ano pero taas noo siyang naglalakad na parang walang naririnig. Mas lalo tuloy umiinit ang dugo nila sa kanya.

" Kita mo? Ang kapal ng mukha." Nagtawanan ang mga estudyante ng mawala siya. Her name is Clariss, she's known for being a walker, a whore, bitch, bayaran, makati at iba. Lahat ng tao ay tawag yun sa kanya. Wala naman talaga akong pakelam sa kaklase kong yan pero hindi ko maiwasang tingnan palagi dahil usapan siya ng lahat araw-araw.

" Opss, sorry. Tanga kase." Nagtawanan lahat ng matumba siya sa canteen. Nakita ko kung paano siya pinatid ng babaeng yun pero hindi ako nakapagsalita sa gulat. Tumayo lang si Clariss at naglakad na parang walang nangyari. Bakit natitiis niya lahat yun?

Hapon na ng papauwi kami. Nakita kong pinapalibutan siya ng mga kalalakihan na sa paaralan din namin nag-aaral. Binabastos siya ng mga ito pero walang nagtangkang tumulong sa kanya. Dinaanan lang siya, ang iba tumatawa at walang pakealam naman yung nakararami.

" Tigilan niyo nga siya." Nagulat ako at alam kong ang iba rin ng makitang pinagtanggol siya ng senior namin. Si Daniel na sikat sa school ay pinagtanggol ang isang hamak na binubully at pinandidirihan ng lahat. But instead of saying thank you ay umalis lang ang babae. Mas lalong nagalit ang mga tao kay Clariss.

" Walang utang na loob. Pokpok naman."

" Ano bang pumasok sa utak ni Daniel at pinagtanggol niya yan?"

Laman yan ng usapan sa buong school. Halos araw-araw na nakabuntot si Daniel sa kanya. Isang beses ay napaaway ito dahil may nambastos na naman kay Clariss. Biglang tumigil ang tsismis tungkol sa pagiging pokpok ni Clariss, simula nung nalaman ng lahat na nililigawan siya ni Daniel. She gained friends. And that's because of Daniel. They became a couple. Nakikita ko na siyang ngumingiti, akala ko magbabago na lahat pero nagulat ang lahat isang araw.

" Daniel is dead." Maraming nasaktan sa nalaman. Daniel was a nice guy.

" Clariss killed him using a knife." Bumalik ang galit ng mga tao sa kanya. Pandidiri at pagkasuklam.

" Malandi na nga mamamatay tao pa." Pinanood ko kung pano ulit sirain ang pangalan niya sa lugar namin. Kung paano pinagbabato ang babae habang hinahabol ng mga galit na kaibigan ni Daniel. Kung paano siya unang umiyak na parang takot na takot. Nagkulong siya sa kwarto at kinaumagahan ay nalaman namin ang isang balitang gumulat sa amin.

Clariss was found dead in her room habang nakabigti. At sa kamatayan niya ay nag-iwan siya ng sulat.

" Hindi ko ginustong maging pokpok. Hindi ako pokpok. Hindi ko ginustong maging kasangkapan sa kaligayahan ng mga lalaki. Ginagahasa ako ni Papa pero walang ginawa ni Mama. Sinubukan kong magsumbong pero siniraan lang ako ni Papa sa lahat para walang maniwala sa'kin. Mahal na mahal ko si Daniel, nagtiwala akong hindi niya ako sasaktan pero nagtangka rin siyang gahasain ako ng gabing yun kasama ng mga kaibigan niya. Sinabi niya saking niligawan niya lang ako para sa balak nilang gahasain ako. Ngayon. Matatahimik na kayong lahat. Sana masaya kayo sa pagkamatay ko." Hindi lubid ang pumatay sa kanya kundi ang mga taong hinusgahan at pilit siyang sinira.

Kitang kita ko ang sisi at hiya sa mga mata ng mga taong humusga sa kanya. Sa babaeng pumatid na anak naman pala ng kabit ng papa niya, sa mga magulang niyang labis na umiiyak at nagsisi sa pagkamatay niya, sa mga kaibigan ni Daniel na kasama pala sa pagtatangkang gahasain siya. Lahat kami nagsisi, alam na alam ko lahat dahil nandun ako, nandun ako habang nahihirapan siya dahil ako si, Clariss.

Sad Story's Where stories live. Discover now