Story 3

1.1K 20 2
                                    

SHE WANTS THE BEST FOR ME BUT I HURT HER

"Gusto ko sanang sumama sa mga kaibigan ko mamaya love." Umangat ang tingin niya sakin mula sa pagbabasa sa reviewers niya. We're both a college student.

"Mag-iinom kayo nila Cloude?" Tumango ako, surely dahil yun yung sabi ng mga kaibigan ko. Cloude is one of my closest friend. Siya ang leader ng mga katarantaduhan ng barkada, inuman, babae at lakwatsa kaya ayaw na ayaw sa kanya ng girlfriend ko. "May mga babaeng kasama?" Napa-isip ako sa pangalawang tanong niya.

"I don't know." Kahit sigurado akong meron, baka nga marami. Nakatitig lang ako ng umiwas siya ng tingin sa'kin at nagpatuloy sa pagbabasa. Pag ganito ang reaksiyon niya, natatahimik biglaan ay alam ko ng hindi niya ako pinapayagan. For some reason ay hindi niya talaga masabi yun. Napahinga ako ng malalim. Ayokong pag awayan namin 'to dahil unang-una ay hindi ko gustong nag-aaway kami.

"Hindi na ako sasama." Suko ko.

"Hindi kita pinipigilan." Sagot niya habang nakatingin parin sa libro niya. Nakaramdam ako ng inis.

"Pero alam kong ayaw mo." Ganti ko.

" Ayaw ko pero wala naman akong magagawa kung gusto mo. You have your own mind to decide and I'm just a girlfriend who's worried about my boyfriend's whereabouts. You can go naman if you want." Natahimik nalang ako sa kanya. She's always like this. So mature on things at wala akong magawa kundi manahimik nalang.

"Magpalit ka ng damit Carmen." I darkly stared at her shorts and fitted top. Nakaramdam ako ng inis. Ayokong pagtinginan siya ng iba. Tiningnan niya lang ako bago nagpatuloy na maglakad palabas ng bahay nila. Nainis akong sumunod sakanya.

"Carmen, ano ba? Ayoko ng suot mo." Inis na sabi ko.

"Hindi naman sobrang iksi nito, at wala namang babastos sa'kin Kyle. Tsaka nandiyan naman ka naman para protektahan ako ah." Ngumisi siya sa'kin pero imbes na matuwa ay mas lalo akong nakaramdam ng inis. Hindi niya ako naiintindihan.

"Gusto mong mapaaway ako kapalit ng pagbabalandra mo niyang katawan mo?" Biglang siyang humarap sakin. Naiinis na din.

" Edi magbibihis. Hindi naman porket nagpapakita ng balat nagpapabastos na. Hindi ba pwedeng confident lang sa katawan at may tiwala sa boyfriend niya?" Natahimik ako sa sinabi niya.

Napapadalas ang away naming dalawa. Lately mas napapansin kong may mga nagbabago na sa pagiging magkasintahan namin. Part of adulting maybe. Madalas kaming magkainitan dahil nagsasabay kami pag naiinis, walang nagbababa ng pride kaya mas lumalaki ang away. From the sweet and caring girl I once love, she's now someone I see who's being a hindrance of my small happiness. Bawal sumama sa kaibigan, bawal mag-inom, bawal ganyan at bawal ganto.

"You're not my mom! Mas strikto ka pa sa kanya Carmen. You're just my girlfriend!" Natulala siya sa sinabi ko. I saw her eyes glimmered with tears.

"I'm just your girlfriend K-kyle? Love kasintahan mo ako kaya nag-aalala ako sa'yo." Nanginig ang boses niya.

"Hindi ka nag-aalala! Ang sabihin mo wala kang tiwala sa akin! Nakakasakal kana." I walked out after that. Inis na inis na ako sa kanya dahil hindi na naman siya nagsalita ng tinanong ko siya kung pwede ba akong sumama sa mga kaibigan kong mag bar. Wala naman akong masamang gagawin dun. I'm loyal to her for goodness sake! That night I didn't listen to her, for the first time ay sumama ako sa mga kaibigan ko. Habang nasa party ay na-realize kong tama ang ginawa ko. I saw how my friends enjoyed their nights with their girls, kung sana mahilig si Carmen sa mga ganito ay isasama ko siya pero baka pag niyaya ko lang s'ya ay pagbawalan na naman ako. Since that night, I started doing what I want. I never ask her permission at hindi na din siya nagtanong pa sakin. It feels like I have a girlfriend but have none. Parang magkasintahan kami pero hindi. Mas napadalas akong sumama sa mga kaibigan ko dahil dun. Walang pumipigil, malaya ako at masaya. Oo, masaya akong naging buhay binata ulit. And I think she's fine with it now dahil hindi na siya nakikialam pa.

" Kyle, this is Chloe." And I met a very pretty girl. Her name is Chloe, isa sa mga pinakilala sa amin ni Cloude. Chloe is sweet and caring at minsan ay naaalala ko ang dating Carmen sa kanya. I started liking her. She's care free, nakikinig sa'kin at mas natutuwa ako sa parting hindi niya lang ako sinusuportahan sa mga lakad ko kundi sumasama din siya. I started cheating. Naging kami ni Chloe habang kami din ni Carmen.

"Inumaga ka na naman sabi ni Tita." Hindi ako makatingin ako kay Carmen habang nagtatanong siya sa'kin. Wala akong maramdaman kundi guilt. "M-may problema ba tayo Kyle?" Huminga ako ng malalim. "Lagi kang wala, h-hindi na tayo n-nagkikita at hindi kita matawagan palagi." Namula ang mukha niya sa nagbabadyang pag-iyak.

"Let's break-up, Carmen." Tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Umiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan din ako. Siguro ay naaawa, tatlong taon din kase kami. "You became boring through the years." I honestly told her. Mas lalong nalaglag ang mga luha niya. Walang tigil, parang sinakal ang puso ko pero ayoko ng bawiin pa. I wanna break-up with her para maging official na kami ni Chloe.

"B-akit... bakit?" she can't talk properly dahil sa kakaiyak. Napapikit ako. Suddenly, I wanna cover my ears.

"Alam mo kung bakit Carmen. Hindi ka nakikinig sa'kin at palagi mo akong pinaghihigpitan. Napagod ako."

"P-para sayo din yun. I did it because I know what kind of friends you have... they love party and girls at ayokong magaya ka sa kanila. Mali ka dahil may tiwala ako sa'yo and I'm just protecting you!" Humikbi siya. "So tulad ng gusto mo p-pinabayaan kita para m-magawa yung mga gusto mo kahit m-mahirap isipin na baka may ginagawa kang hindi tama. I g-gave you the trust and freedom you wanted pero tingnan mo yung n-nangyari." She covered her face with her hands trying to stop her tears. "You became the man I'm protecting you to be!" Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. She's right. Hahawakan ko na sana siya ng magsalita ulit siya. Nasasaktan ako sa iyak niya.

"H-her name is Chloe right?" Nagulat ako dun. She smiled sadly. "She's my cousin, Kyle. S-she doesn't even know that w-we are together.." sunod-sunod na bumagsak ang mga luha nya habang nakatitig sakin ng malungkot. "... S-sinabi n-niya sa'kin ang mga p-posisyon niyong dalawa.." kinagat n'ya ang labing nanginginig. Natulala ako. "Yung mga kahayupang ginagawa mo.. mga pagsisinungaling mo sa k-kanya na wala kang girlfriend. K-kyle.. nandidiri ako nung kinukwento niya sa'kin kase kasal siya Kyle! She's married! Pero alam mo yung naramdaman ko nung b-binunot niya yung cellphone n'ya at pinakita sakin yung litrato niyong d-dalawa?!" She looked at me sadly. "Ang sakit... Nakatingin ako sa l-litrato mo habang nagtatanong sa isip ko. I-ito na ba yun? Y-yung kalayaang gusto m-mo kapalit ng panloloko sa'kin?" Humikbi siya.

"I'm s-sorry love." My tears fell. I tried holding her hand.

"Your sorry won't fix my heart. I actually waited for you to do this kase ako... hindi ko kayang alukin ka ng break-up..  I ran out of reasons to stay with you anymore. Siguro nga hindi tayo para sa isa't-isa.. nasakal ka sa pagmamahal ko habang napagod naman akong intindihin ka. T-thank you for breaking up with me." Sana pala hinabol ko siya ng tumalikod siya at umalis sa harapan ko nung araw na yun. I lost her that day. She dropped out from school and I never heard anything from her again. Nawala sa'kin ang babaeng pinakamamahal ko dahil hindi ko pinahalagahan ang pagmamahal niya sa'kin.

"She's coming!" Natigil ako sa pag-iisip ng mag-ingay ang mga kasama ko. Natahimik ako ng pumasok ang babaeng pitong taon kong hindi nakita. Mas lalo siyang gumanda pagtapos ng ilang taong dumaan.

" Men, meet my fiancee! Carmen. Baby, mga kaibigan ko." Cloude Introduced. Nagsimula silang magpakilala habang nakatitig lang ako sa kanya. "Siya ang babaeng dahilan kung bakit magiging abugado ako. She pushed me to continue law. She's my lucky charm. From gagu to attorney!" They all laughed. Nakaramdam ako ng inggit sa kaibigan ko. Cloude stopped partying, drinking and having girls for her. He appreciated the things I didn't nung nasa akin pa si Carmen. Ang pinakagago kong kaibigan at nagbago para sa kanya. Parang piniga ang puso ko ng tumingin sa'kin ang babaeng pitong taon kong patuloy na minahal.

"She's our best man baby." Ngumiti sa'kin si Carmen ng magaan, purong pala-kaibigan, wala ng halong pagmamahal kagaya ng dati. Hundreds of what ifs entered my mind. What if tumino ako, what if di ako nagloko, what if kami parin? Pasimple akong tumingala para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. I wish I could tell you that I regret hurting you. Mahal na mahal padin kita.

Sad Story's Where stories live. Discover now