Story 14

332 7 0
                                        

SHE WAITED...

She's a very strict teacher. She's the definition of terror that students are afraid to talk and approach. Sabi nga nila, tumanda siyang dalaga at mamatay na yatang mag-isa.

" Good morning Ms. Loren." Ni ang tingnan ang mga estudyanteng bumati sa kanya ay hindi niya man lamang ginawa.

" Snob talaga ni Ma'am." Nagtawanan nalang ang mga ito ng makalayo si Ms. Loren sa kanila.

" Good morning, Kathryn." Nagulat ako ng bigla niya akong batiin. Mula sa pagkakayuko at napaangat ang tingin ko sa kanya. She smiled a little na ipinagtaka ko.

" Close ba kayo ni Ma'am?" Nagtatakang tanong ng kaklase ko sa'kin ng makalayo si Ma'am. Umiling ako. Pati ako ay nagtataka.

It was way back when I was first year highschool at ngayon ay malapit na kaming grumaduate sa sekondarya.

" Kathryn, kumain kana ba?" Napangiti ako kay ma'am Loren ng tanungin niya yun. Inilapag ko yung mga folders na iniutos niya sa'kin at humarap sa kanya.

" Hindi pa po e. Maaga pa naman—" Nagulat ako ng maglapag siya ng pagkain sa mesa niya.

" Kumain kana baka malipasan ka." Tumango ako at umupo na din. I started eating. Naging normal na sa'kin at sa mga taong nakapaligid sakin na sa'kin lang siya mabait. She brings me food and sometimes nagiging tutor ko din siya for free. She maybe snob to others but she's really nice to me. Minsan nga ay natutukso na akong baka nanay ko daw siyang nawawala na hindi lang makaamin sakin katulad nung mga nasa TV na pinagtatawanan ko lang. I have my Mom on our house kaya imposibleng mangyari yun. I have a perfect family. A loving parents. Speaking of family.

" Miss Loren, na-inlove kana ba?" Out of the blue I asked that. Napatigil siya sa pagsusulat at tumitig sa'kin. Ngumiti ako ng makaramdam ng hiya sa tanong ko. Babawiin ko na sana pero nagsalita siya.

" Oo."

" Ano pong nangyari? Nasan na siya?"

" He... vanished." Nabitawan ko ang kutsarang hawak.

" Nawala?" Kumunot ang noo ko, tumango siya sa'kin. Nakikita ko ang bakas ng edad kanyang muka pero hindi yun dahilan para maitago ang ganda niya. Ma'am Loren is in her early 50's.

" Hmm... Pinaghintay niya ako. Pinangakuan ng kasal pero hindi na bumalik pa." Kumurot ang puso ko, nasasaktan ako para sa kanya.

" B-bakit po hindi na siya bumalik?"

" Nalaman ko nalang na nakabuntis na siya ng iba." Mas lalong sumakit ang puso ko. Ang sakit naman nun!

" Sana hindi nalang siya nangako kung hindi na siya babalik!" Naiinis na sabi ko. May inabot siya sa leeg niya, inilabas ang pendant ng kwentas niya. It's a ring!

" This is our engagement ring." Napalunok ako ng maramdamang may bumara sa lalamunan ko.

" Gabi-gabi akong tumatawag sa kanya noon para lang tanungin kung kailan siya babalik at palagi niyang sinasabi na malapit na at maghintay lang ako. For 3 years hinintay ko siya, until a news came to me na may nabuntis na pala siya, na magkakaanak na sila nung babaeng yun. At parang gumuho ang mundo ko ng malamang mahal na niya, he was my first love.. and last."

" Miss Loren.." Humina ang boses ko ng makitang naiiyak na siya kahit nakangiti sa'kin.

" But you know what.. akala ko siya yung huling taong mamahalin ko." Nagulat ako dun. May minahal pa siyang iba?

" Galit na galit ako sa kanya dahil pinaasa niya ako na humantong sa puntong nagalit ako sa buong mundo... sa mga tao. Kaya naging ganito ako, hindi ko napansing tumatanda na akong mag-isa. Walang sariling pamilya at anak. Naging mataray at masungit para maitago yung sakit na nararamdaman ko." Nanginig ang boses niya.

" Until I met his daughter.. Naging estudyante ko yung anak ng kaisa-isang lalaking minahal ko ng higit labing-limang taon. Everytime I see her and look at her naaalala ko yung papa niya."

" Maraming nagtataka kong bakit sa estudyanteng yun lang ako mabait. Kung bakit natutuwa ako sa batang yun." Bumagsak ang sunod-sunod kong mga luha. No way...

" Kamukhang kamukha mo siya Kathryn. The only man I love and waited for years pero hindi na bumalik pa. I've learned to love his daughter kahit sobrang sakit ng ginawa niya sa'kin. The man I'm talking about is your Father." Her tears fell.

Sad Story's Where stories live. Discover now