Story 13

268 6 0
                                    

HE WANTED TO BE THE BEST DADDY

" Seb, I'm pregnant." Nanatili akong nakangiti habang nakatulala naman siya sa sinabi ko. Maging ang mga kasama namin ay masaya sa sinabi ko, my parents and his. They were all clapping in glee. Nagsimula akong kabahan ng lumipas ang ilang segundo pero nakatulala lang siya sakin. Lalo na ng maalala na meron kaming mga hindi napagkakaunawaan nitong mga nagdaang buwan.  Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit at sinabing masaya siya. Masaya siyang magkakaanak na kaming dalawa. Napangiti ako.

———

Maghahatinggabi na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Pagod naman ako sa lahat ng trabahong ginawa ko ngayong araw pero mailap parin sa'kin ang makatulog. I opened my eyes when I felt my boyfriends tight embrace for me. Napangiti ako habang nakatitig na ngayon sa kanyang maamong mukha na mahimbing ang tulog.

" I love you." He whispered on his sleep kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. Even in his sleep he loves me and nahihiya akong isipin na pinaghihinalaan ko siyang may iba nitong mga nakaraang buwan. I remembered him dumbfounded when I told him I'm pregnant yesterday. He was so happy and that made me happy too. Tumayo ako ng makaramdam na naiihi ako, kinapa ko ang cellphone ko para mas mailawan ang paligid gamit ang flashlight pero cellphone ni Sebastian ang nakuha ko. Walang password yung phone niya kaya nagawa kong buksan. I unlocked it. Napatigil ako ng tumambad sa'kin ang nakalagay pagkabukas ko nun.

Napaawang ang labi ko sa gulat at may mumunting luhang bumagsak sa mga mata ko. His searched history. He wanted to be a good daddy for our baby. Tuluyang nagbagsakan ang mga luha ko sa saya. Napatingin ako sa kasintahang natutulog padin ngayon. I'm just 3 weeks pregnant pero excited na kaagad siya, dumukwang ako at hinalikan siya sa noo. Napatingin ulit ako sa cellphone niya ng tumunog yun.

" Sebastian! Kelan mo ba sasabihin sa girlfriend mong tapos na  kayo? Akala ko ba ako na yung mahal mo Seb? Maawa ka naman sa'kin, samin ng magiging anak mo. I'm 6 months pregnant. Anong balak mong gawin samin?" Parang gumuho ang mundo ko sa nabasang mensahe na yun galing sa isang babaeng hindi ko kilala. Nagsimula akong humikbi habang paulit-ulit na binabasa yun.

" I love.... you.. Trish." Mas lalong sinakal ang puso ko sa sakit ng magsalita na naman siya habang natutulog. My name is not Trish, I'm Sandra. And I think he's not preparing to be a good dad for my baby but for someone else's.

Sad Story's Where stories live. Discover now