Story 27

186 9 0
                                    

A MAN SHOULD LOVE HIS GIRL MORE AND NOT THE OTHER WAY AROUND

" Can you translate this photo for me?" Napatitig kaming lahat sa litratong pinakita ni Sir. Kaagad na nagtaas ang kamay ang pinakamatalino sa aming magkaklase.

" It's a photo representing how a man nurturing his woman with love, Sir."

" Woah! Naks naman. Humuhugot si Nerd." Nagtawanan ang buong klase kantyaw na yun. Mga gago talaga.

" Anyone else." Tanong ni Sir ng humupa ang ingay. May nagtaas ng kamay. Isa sa mga makukulit sa klase.

" Diligan daw yung babae palagi, Sir." Mas umugong ang kantyawan sa loob ng classroom. Natawa na din ako sa mga banat nila. Ang dudumi talaga ng utak.

" Pwede din." Natawa kami kay, Sir. Isa pa to. Tumikhim siya bago nagpatuloy sa sasabihin.

" A man filling his love for a woman. Tama yun. A man should fill his woman with love." Sumang-ayon naman ako dun. Taman naman kase.

" Let's say na yung bulaklak is magre-represent sa kasiyahan ng babae at yung tubig ay pagmamahal ng lalaki. Now, what will happen kapag nagpatuloy yung ganitong scenario. Sobrang saya ng babae habang patuloy siyang minamahal ng lalaki. Because of the consistency ay mananatili silang masaya at magkasama."

" Another one is he should be the one guiding their relationship." Nakita kong nagtanguan ang mga kaklase ko.

" He should be the one sacrificing more than a girl should do." Dun na napukaw ang atensyon ko.

" Hindi ba unfair yun sa part niyong mga lalaki, Sir?" Tumango ang maestro sa tanong ko.

" It is." He said firmly.

" Pero sino ba yung nanligaw? Sino yung nangulit in the first place sa mga babae? Sino yung nagsabi ng mga magagandang salita habang nililigawan kayo? Kami diba? Kaya nasa amin ang pinakamalaking responsibilidad sa relasyon." Napanganga ako dun. Hindi ko inaakalang may mga lalaking ganito yung mindset.

" Do you know what's the main reason why a man should love his woman more than she loves him? Because there's no love that lasts forever if the girl is the one who's loving more." Natahimik kaming lahat.

" I've experienced that once. Ako yung nangulit, ako yung nagbitaw ng mga salita at guess what? Nung naging kami na ay nagbagong lahat. When I discovered that she loves me too, na mas mahal niya na ako kesa sa mahal ko siya ay nawalan ako ng gana. I've taken her for granted. Yung mga bagay na ako dapat yung nagpaparamdam sa kanya ay siya na yung gumagawa. The love, patience and security. Lahat yan napabayaan ko pati siya. I lost the girl I love at huli na ng ma-realize ko yun. And you know what's more painful? Today is her wedding."  Uminit ang gilid ng mga mata ko. Nalulungkot ako para sa kanya. Nakita ko ding nagpunas ng luha ang iilan sa mga kaklase ko. Our teacher smiled sadly and looked at us warmly.

" Kaya you should listen boys. Tayo dapat yung nagpaparamdam ng pagmamahal sa mga babae not the other way around. Wag nating hahayaan na habulin nila tayo pag naging girlfriend na natin sila. They deserve better. Huwag kayong gagaya sa'kin na hanggang pagsisisi nalang ngayon." 

" Class dismissed."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sad Story's Where stories live. Discover now