Story 4

1K 22 0
                                        

SHE LOVED HIM SO SHE WAITED

" Balang araw magiging sundalo din ako." I smiled everytime he tells me about his biggest dream. I would always answer him "Oo naman, sobrang galing mo kaya." He would smile then and hug me tight. Alam kong magiging magaling na sundalo siya, may tiwala ako sa kanya hindi lang dahil mahal ko siya kundi dahil alam kong kaya niya. Gustong-gusto niyang pagsilbihan ang bayan at isa yun sa mga dahilan kung bakit ko siya mahal na mahal.

"Sigurado ka bang m-magiging ligtas ka?" Pinipigilan kong maiyak habang nakatingin sa mga mata niya. He kissed me on my lips before answering.

"Magiging ligtas ako mahal ano ka ba. Sandali lang naman kami." Umiling ako. Takot na takot. They will be sent into a war paanu ako hindi mag-aalala. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan at naglabas ng singsing.

"Alam mo na ikaw ang buhay ko diba? I'm very much thankful na ikaw ang babaeng minahal ko at ako na yata ang pinaka-swerteng lalaki dahil ako ang napiling mahalin mo. Today, bago ako sumabak sa isang delikadong misyon, gusto kong bago ako umalis ay lalaban akong masaya. Lalaban ako para mabuhay dahil babalikan pa kita at pakakasalan. Nangangako akong babalik ng buhay kung... papakasalan mo ako." Nanginig ang labi ko, biglang nagbagsakan ang kaninang malulungkot na luha ngayon ay dahil na sa kasiyahan. He's crying too. Kaagad akong tumango at hinila siya patayo. Nagsigawan ang iba pang mga sundalo at taong naroroon.

"Mahal na mahal kita. Magpapakasal tayo pag-uwi ko." He whispered. Anim na buwan siyang madesdistino sa ibang lugar, ang pangarap niyang ipagtanggol ang bayan ay mangyayari na. Akala ko dati kaya kong magmahal ng sundalo pero ang isiping maaaring umalis siya at hindi na bumalik sa akin ay paunti-unting pumapatay sa akin ng tahimik. Pero bilang magiging asawa ng taong pinili ang landas kung saan ang buhay niya ay palaging nasa linya, wala akong magawa.

"Natatakot ka na naman?" Tanong niya isang beses ng matahimik ako sa telepono. Isang oras lamang sa isang buong linggo kami nag-uusap dahil bawal sa trabaho niya. Delikado. Pinigilan kong maiyak sa tanong niya.

"H-hindi ko maiiwasan yun. Nasa kapahamakan ka palagi." Humina ang boses ko. Narinig ko siyang napabuntunghininga.

"Pasensiya na ah, ito yung nagustuhang propesyon ng mapapangasawa mo." Napangiti ako sa sinabi niya. Nabawasan ang pag-aalala. Ilang buwan nalang ay uuwi na siya sa'kin at magpapakasal kaming dalawa. Nangako siyang mabubuhay dahil hihintayin ko siya. Nangako siyang babalik dahil magpapakasal kaming dalawa. Nangako siya...

"A-ano?" Naibagsak ko ang hawak na telepono kasabay ng pag-ikot at pagdilim ng paningin ko. He was supposed to comeback to me soon. He promised me.

"M-ma.. mama si Samuel. S-sam! Nagsisinungaling kayo!" Tuluyang nagkagulo sa loob ng hospital room ko. My fiancee is dead! They said he is dead! Anong kahibangan to? "Mama... gusto ko siyang makita.. please." Halos lumuhod ako. Nagmakaawa sa mga taong naroon para puntahan ang lalaking mahal ko. Nangako siyang babalik. " Please... please.. hinahanap niya ako ngayon.." sa kabila ng panghihina pagkatapos nila akong turukan ng pampakalma ay nagmakaawa parin ako. My parents and his parents were crying habang pinapanood ako.

"Pinasabog daw ng mga terorista ang kampo nila. Maraming namatay na mga sundalo at maraming nawawala pa."

"Nawalan sila ng contact dahil hindi mapasok ngayon yung lugar nila at napapalibutan sila."

" We don't know yet if he's dead but the possibilities na buhay siya ay wala." Bumagsak ang mga luha ko habang nakahiga sa kama. It's been 2 weeks that he's missing at bawat araw na lumilipas ay paunti-unti akong namamatay sa sakit. Alam kong buhay siya. Nangako siya sakin. Sa sobrang sakit nakakapagod na, nakakamanhid. Lahat ng emosyon ay pumasok sa akin at biglaan akong sumabog ng makita ang litrato naming dalawa sa bahay isang araw.

" B-bumalik kana.. kahit bumalik ka lang... Hindi ko kaya na wala ka.. nangako ka Samuel!" Napaupo ako sa sahig habang yakap ako ng mga magulang ko. " I-Ibalik niyo na siya sa'kin. Parang awa niyo na." Nanginig ako sa sakit. Ang mga luha ay parang gripong nagbagsakan, walang tigil kagaya ng pagkirot ng puso ko. Siguro nga malakas talaga ako sa panginoon. Kinabukasan lamang ay nakatanggap kami ng tawag. Nagmamadali akong pumunta sa hospital kung saan siya dinala. Ramdam ko ang panlalamig, pagkatapos nang walang pahingahang pag-iyak at walang katapusang sakit at pangungulila ay makikita ko ulit siya. Nandun na silang lahat ng makarating ako.

" M-maging mahinahon ka." Hindi ko pinansin si Tita at pumasok sa kwarto sa kung nasaan ang fiancee ko. Halos madurog ako ng makitang may mga tubong nakakabit sa kanya. Ang mga luhang bumagsak ay magkahalong sakit at saya. Bumalik siya sa'kin pero nasasaktan ako sa sitwasyon niya. "He's in coma. Hindi sigurado kung gigising pa siya." Nakapaghintay nga ako kahit sinabi nilang baka wala na siya ngayon pa bang nandito siya sa'kin at nahahawakan ko siya. I'll take care of him. Alam kong magigising siya dahil nangako siya. Babalik siya sa'kin.

"Naalala mo yung gusto kong beach wedding? Na kahit wag ng magarbo basta sa'yo ako ikakasal? Ngayon dapat magarbo na kase pagbabayaran mo yung pagpapaiyak sa a-akin." Nanginig ang boses ko. Ang araw-araw na pagkausap sa kanya ay pahirap ng pahirap para sa akin. Ang akala kong mahihirapan akong maghintay ay hindi ko inakalang magiging ganito katagal. Ang mga araw ay naging linggo, buwan at taon. Sunod-sunod kong pinunasan ang mga luha ko. "B-biro lang k-kahit magising ka nalang kahit... hindi na magarbong kasalan. Miss na miss na k-kita." Humagulgol ako ng iyak. Tatlong taon ka ng nagpapahinga. Hindi ka pa ba pagod kakahiga? Hinalikan ko ang kamay niya. Napayuko ako at nagpatuloy umiyak. Sumuko na yung pamilya niya at lahat ng taong nakapaligid samin pero patuloy akong kumapit. Kakapit ako kahit gaanu katagal. Kahit abutin ako ng panghabangbuhay. "Kaya ko pang hintayin ka." Bibitawan ko na sana siya ng makitang gumalaw ang mga daliri sa kabilang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ang pusong akala kong matagal ng namatay ay biglaang tumibok ng malakas. Suddenly, his eyes slowly opened. Nagigising na siya! Parang nahulog ang puso ko.

" N-nurse.. NURSE!" Nagkatinginan kaming dalawa.

" J-julia.." Napahikbi ako ng marinig ang boses niya.

Hindi ko mapigilang maiyak habang nasa loob ng sasakyan. Ang kampana ng simbahan ay mas lalong nagpakabog sa aking puso. Habang nakikita ang mga taong nakapaligid at excited na naghihintay sa pagsisimula ng kasal. Nanginig ang labi ko ng nagkatinginan kami ni Mama. Nasa driver's seat naman si Papa.

" Hindi ka pwedeng umiyak, Anak." Napangiti ako sa sinabi niya pero kaagad ding nawala iyon, ang iyak ay naging tuluyang hikbi.

" B-bakit sa iba siya ikakasal mama?" Puno ng sakit kong tanong. He proposed to me, he almost died and I waited so hard. Parang nahulog ako sa pinakailalim ng maalala ang araw na magising siya. Ang unang pangalang binanggit niya. " Julia"

"B-bakit ang ex l-lang n'ya yung n-naalala niya. A-akala ko ba ako ang m-mahal niya?" Napuno ng hinanakit ang puso ko. He woke up with amnesia. "Binalik n-nga siya pero h-hindi sa'kin. Bakit.. ang sakit." Pinanood ko siyang nakangiti sa labas ang simbahan kasama ang kanyang pamilya para sa pagdating ng bride niya. Ang sabi ko ipaglalaban kita pero paano ko ipaglalaban ang taong di ako maalala? Paano ako lalaban para sa pagmamahal mo kung sa iba mo gustong ibigay yun?

" H-hindi ka pwedeng umiyak, Harriett." Nagpanic si Mama. Nagsimulang sumikip ang dibdib ko. Sa halos apat na taong paghihintay sa kanya, sa mga araw na nasasaktan ako habang hinihintay na magising siya ay ako naman ang nagkasakit. My heart is failing anytime soon. At ang taong dahilan nun ay ikakasal sa iba at hindi sakin. "A-ang unfair ng m-mundo... m-mahal na mahal naman kita pero bakit mapupunta ka sa kanya." I waited for you but you came back for someone else.

Sad Story's Where stories live. Discover now