I REMOVED MY MAKE-UP ON OUR WEDDING DAY
" Ayokong magsuot ng make-up." Nagulat siya sa sinabi ko.
" M-ma'am." Kita ko ang pag-aalangan niya.
" Alam ko, hindi ako ganun kagandang tignan pag walang nakalagay na kolorete sa mukha ko."
" Ma'am! Hindi po ganun, kase po, kasal niyo po diba? Yung ibang bride gustong mas maganda sila sa araw na to kase isang beses lang to mangyayari sa buhay nila. Ayaw n'yo po bang ganun?"
" Tanggap niya ako kahit anong itsura ko." Sana. Kase unang beses nya akong makikitang walang suot-suot na make-up. Eversince we dated I've always put something on my face to look beautiful... presentable at least. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ginagawa ko to. Dahil na din siguro sa tiwala ko sa kanya at sa pagmamahal ko sa kanya. He will accept me I know that.
" Tanggap kita kahit ano pang mali sa'yo." I remembered him telling me that. Napangiti ako pero hindi maitago nun ang kabang namumuo sa puso ko.
Lumipas ang oras at nakasakay na ako sa bridal car. Hinihintay na makarating kami sa simbahan at iilang minuto nga lang ay naroon na kami.
" Siya yung bride?" May ibang nakatingin sa'kin habang nakangiti at may ibang... parang hindi nagustuhan ang itsura ko. Parang gusto ko na tuloy umatras pero hindi naman sila yung pakakasalan ko kaya hindi ko nalang sila inintindi. Lumingon lingon ako at nakita ang lalaking mahal ko. Ang lalaking papakasalan ko ngayong araw.
" X-xian." Naibigkas ko ang pangalan niya. Unti-unti siyang lumapit sa'kin habang nakatitig ng mariin.
" M-miya?" Parang nagulat siya. Ngumiti ako
" Bat ganyan ang itsura mo?!" Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Nagulat ako ng lumayo s'ya sa'kin na parang nandidiri. Nakita ko pang tumingin siya sa ibang tao na parang kinahihiya ako.
" X-xian!" Sinundan ko siya ng maglakad siya paalis. " Teka lang..." Naiiyak akong sumunod sa kanya. Masama bang ginawa ko to? Nagkamali yata ako. Hindi niya na ba ako mahal dahil lang sa wala akong suot-suot na make-up para lang gumanda ako?
" Xian! Ikakasal pa t-tayo." Nabasag ang boses ko. Pinagtitinginan na kami ng maraming tao. Tumigil siya at napatingin sakin pabalik.
" Sa tingin mo ba papakasalan ko ang ganyang itsura?" Mas lalong nagbagsakan ang mga luha ko.
" H-huwag kang aalis please... babalik ako sa k-kotse! Magme-make-up ak—" I know I look desperate. Wala akong pakelam kahit pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Ang ayoko lang ay mawala siya sa'kin. Ayokong iwanan n'ya ako kase hindi ko kakayanin.
" No need. Sana pala dati pinakita mo na yan para hindi na ako napahiya sa mga tao ngayon! Walang kasal na mangyayari! Napahiya na ako sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, sa mga tao! Sorry pero ayoko ng makita yang pagmumukha mo!" Napaupo ako sa kalsada habang umiiyak. Parang gumuho ang buong mundo ko. Tuluyan na siyang umalis. Sa araw ng kasal ko, iniwan ako ng taong pinakamamahal ko dahil sa hindi ako maganda katulad ng iba. Minahal niya lang ba ako dahil sa itsura ko? Kitang kita ko ang galit, pagkapahiya at pandidiri niya sa'kin sa araw na'to. Napaupo ako sa kalsada habang umiiyak. Iniwan niya ako dahil sa itsura ko.
FICTION
YOU ARE READING
Sad Story's
No FicciónSad story's. One-shots you wanna read. Some story's are mine. Not K-pop related.