HE FAKED HIS DEATH
" Babalikan kita." Tumango ang dalaga habang umiiyak. Magkadikit ang mga noo nila at hawak siya ng lalaki sa magkabilang pisngi. He's her boyfriend, Danilo, he's a soldier at ipapadala ito sa malayo para sa isang importanteng misyon.
" Magpapakasal pa tayo." Tumango ang babae habang umiiyak. " Mag-iingat ka." That was the last thing she told him before he boarded to plane.
It has been 3 months. Walang tawag o text siyang natanggap mula sa kasintahan. Nag-aalala na siya ng sobra. Panu kung napahamak na to? Araw-araw siyang umiiyak nagdadasal na sana ayos lang si Danilo. Her phone suddenly rang, kaagad niya tong sinagot nagbabakasakaling si Danilo yun.
" Is this Lauren Montero." Kumunot ang noo niya ng hindi kilalang boses ang narinig,
" Yes speaking. Who's this?"" I'm sorry to inform you that Mr. Danilo Santos has passed away. He didn't made it-"kaagad niyang nabitawan ang hawak na cellphone. Nakatulala siya ng ilang segundo bago nagbagsakan ang mga masasaganang luha sa mata, humahagulgol habang nanghihinang napahiga sa sahig.
" N-no." Nahihirapang sabi niya bago tuluyang nawalan ng malay.
---
" N-nangako kang papakasalan ako!"
" Please... Umuwi kana."
" Nagmakaawa ako."
" H-hindi ka patay! Nangako kang babalik sa'kin! Nangako kang babalik ka! Sinungaling ka." Nagpatuloy siyang magluksa. Walang tigil. Araw-araw. The day he died was the day she lost herself. She died with him. Something died inside her too.
Nakatulala siya habang hawak-hawak ang envelope na naglalaman ng sulat ng namatay na kasintahan. Ngayon lang siya nagkalakas loob na basahin ito matapos ang ilang taong pagluluksa sa pagkamatay ng lalaki.
She mourned for the death of him. They said that his body was never recovered from the tragedy, a bomb exploded and he was announced dead. Three years after, ngayon niya pa ito mabubuksan. She started crying,
Dear Lauren,
Ayokong mabasa mo sana 'tong sulat na'to pero pag nakarating ito sa'yo isa lang ang ibig sabihin. Hindi na ako makakabalik sa'yo. Patawad, mahal na mahal kita. Gustong gusto kong makasama ka habang buhay. Forgive me for leaving you behind. Continue living without me.
Parang kahapon lang. Tatlong taon na pero nasasaktan na naman siya. Niyakap niya yun habang nakahiga sa kama. She started crying again like there's no tommorow.
" I love y-you. Miss na miss na kita." She cried again.
---
She was wearing a beautiful dress looking at the mirror. She smiled seeing her reflection.
" Couz!" Napalingon siya sa tumawag.
" Jane!" They hug each other.
" Ang ganda dito sa hotel! Naks naman, ikakasal kana talaga?" Nagpatuloy sila sa kwentuhan. Today is her cousins wedding day. She thinks her cousin looks beautiful.
" Ang ganda mo. Wala ka bang boyfriend or what? Kelan ka ba magse-settle down?" Ngumiti lang siya sa tanong nito.
Napatingin sila sa pintuang bumukas. Her world stop spinning. Nagulantang siya sa lalaking nakatayo dun. Parang bumagsak ang puso niya sa sahig. Is this true? She asked.
" Danilo." Napatingin siya sa pinsan na tinawag ang pangalan ng lalaking matagal na niyang namimiss. Ang lalaki akala niya ay patay na. Ang lalaking mahal na mahal niya.
" Hey." Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Parang nakalutang lang siya habang pinapanood na lumapit ang boyfriend niyang akala niya'y patay na sa pinsan niya. She watch him kissed her in her forehead.
" Lauren can we talk?" Maging siya ay nagulat ng tawagin siya ng lalaki sa pangalan. Naguguluhan man ay hinayaan sila ng kasintahan ni Danilo. Thinking they knew each other. Her cousin left them.
" B-bakit?" Hindi siya makapagsalita ng maayos. Silang dalawa na lang ang naroon.
" I know madami kang tanong. Hindi ako namatay sa aksidente. I survived." Bumagsak ang mga luha ng dalaga. Mga luhang kanina niya pa pinipigilan. At least he's alive.
" Bakit di ka b-bumalik?" Nanginig ang boses niya.
" Ayoko ng bumalik sa'yo." Napahikbi ang dalaga. Ang sakit.
" Hindi na kita mahal nung umalis ako. Nagpanggap akong namatay para lang hindi na umuwi sa'yo. Now do me a favor. Don't ruin my marriage." Nabuhay ang galit sa puso niya.
" Ipinagluksa kita! Nasaktan ako tapos malalaman kong buhay ka lang pala?!"
" I'm sorry."
" I'm sorry?" Kitang-kita ang galit at sakit sa mga mata niya. Dinuro niya ang lalaki.
" Mababalik ba nun yung buhay ng anak mong namatay sa sinapupunan ko dahil sa pekeng pagkamatay mo?!" Gulat na napatingin ang lalaki sa kanya.
" Oo! Buntis ako nun! Namatay yung anak mo dahil sayo." She shouted at him before walking out. Hindi lang siya yung namatay sa pagkawala ng lalaki, she lost her child without even knowing she's pregnant while grieving for his death.
YOU ARE READING
Sad Story's
Non-FictionSad story's. One-shots you wanna read. Some story's are mine. Not K-pop related.