Story 2

2K 47 3
                                    

SA AKIN SIYA NANGAKO PERO SA IBA NIYA TINUPAD

— walang permanenteng pagmamahal, anu mang oras maaaring magbago ang nararamdaman ng isang tao. Gaano man katotoo, gaano man karami at kasaya ang mga ala-ala at kahit gaano man katagal kayong nagsama.

Our relationship started when we were elementary. The friendship that we had became a bond that became stronger each day. "Wag mo nga akong inaasar Jerome! A-ayaw na kitang maging kaibigan!" Umiiyak ako nun habang nagpupunas ng putik na sinaboy niya sa akin. My hair is dirty as well as my dress at siguradong pagagalitan ako ni Mommy pagkauwi.

Sumeryuso ang maliit na mukha niya bago pinunasan ang mga luha ko. Tahimik siya habang nakatitig lang sa'king umiiyak. "Alam mo ba, sabi nila pag inasar mo daw yung babae magkakatuluyan kayo." Ngumiti siya sakin dahilan ng pagsilay ng dimples niya. "Kaya aasaran kita ngayon tapos pakakasalan paglaki natin." At a young age we both know we were secretly in love with each other. Bata pa lang kami alam naming lalalim pa yung pagkakaibigan na meron kami pagdating ng tamang panahon. Then finally, when we were in highschool we had the courage to confess to each other.

"Gusto kita. Gusto mo din ba ako?" Hindi iyon yung pinangarap kong oras na magkakaaminan kami ng lalaking gusto ko. Gusto kong maganda yung scenery! Paanu naging sweet yung kumakain lang kaming dalawa sa kusina nila habang nakapambahay nung birthday niya?! "Tayo na?" Tumango nalang ako. Parang tinanong lang niya kung anong oras na! Nakakakinis!

"I'm devoted to you. Bat pa ako maghahanap ng iba kung nandyan ka naman?" He was a perfect boyfriend I could say. Never akong may pinagseselosan dahil wala naman siyang mga babae. I found a bestfriend and a lover in him. He was all I needed.

"K-kinalimutan mo yung birthday ko." Humikbi ako habang nakatungo sa mesa ng bahay namin. Wala din sila mommy dahil may inaasikaso silang kaso, pareho silang laywer ni Dad kaya palaging busy at wala sa bahay. My birthday was so sad that I had to cry so much para mawala yung bigat ng loob ko.

"I'm sorry." Napaos ang boses niya. Mas lalo akong naiyak. Nagulat ako ng may biglaang pumutok na mga party poopers, pag angat ng tingin ay nakita kong naroon sila Mommy at Daddy, even my friends are there. "Happy birthday Lanie!"

"Surprise, baby. Surpresa talaga dapat yun." Napatingin ako kay Jerome na nakangiti sa'kin ngayon. My tears fell more when I saw love in his eyes. He told me he planned everything for my birthday, hindi nila ako binati dahil may surprise pala sila nila Mommy. Bawat araw na lumilipas ay mas lalo ko siyang minamahal. I never thought na kayang magmahal ng isang tao ng ganito gamit lamang ang iisang puso.

"Ipagtatayo kita ng bahay dito." May binili siyang lupa para daw sa future house namin. "Pag naging engineer na ako at architect kana, I want you to imagine the dream house you want at itatayo natin yun." Tears of joy started flowing from my eyes. Nakayakap siya sakin mula sa likuran habang sabay kaming nangangarap. He would always tell me his plans about 'our' future kase sabi niya. " Ikaw ang kinabukasan ko... wala ng iba." Hanggang sa naging successful na nga kaming dalawa, everything was ready, status, house and money. Sabi nga nila kasal nalang daw yung kulang sa amin.

"J-jerome, love.. h-happy anniversary... mahal... miss na miss na kita." Naputol ang linya dahilan ng panghihina ko. Pang-ilang voice message na yun dahil sa nakapatay ang telepono niya ilang araw na. Ang iyak ay tuluyang naging hikbi na nauwi din sa hagulgol. Anong nangyari sa mga plano natin, sa mga pangarap na minsan mong binuo sa mga taong nagdaan. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang pero isang araw bigla nalang siyang nagbago.

"May babae siya Lanie, nakilala niya raw sa bar sabi ng kaibigan ko." Ang daming nagsasabi sa akin pero wala akong pinaniniwalaan. My love would never do that to me. He loves me. My heart clenched from pain. "But where is he?"

"He's in love with someone else." The pain assaulted me more. Ang isiping nagmamahal siya ng iba ay parang pumapatay sa akin. Nag-angat ako ng tingin mula sa manibela ng kotse at tumingin sa bahay na nasa harapan namin. May nakapagsabing narito daw siya ilang araw na. Nanginig ang labi ko ng maalala kung ilang beses kaming nangarap na titira dito habang nakayakap siya sa akin. Nalipat ang mga mata ko sa pamilyar na kotseng nakaparada. Kotse ng kasintahan ko. Sa nanghihinang katawan ay pinilit kong lumabas sa sasakyan habang dala ang susing kapares ng bahay na iyon. Sa bawat hakbang ay mas sumasakit... habang papalapit ako ay nanginginig din.

"H-he would never cheat on me.." Sinubukan kong huminga ng malalim bago ipinasok ang susi at pinihit pabukas ang pintuan. Tuluyan akong nanghina ng makita ang kasintahan kong nakaluhod sa harapan ng babaeng nakasapo sa mukha at umiiyak. Pinanood ko siya kung paano isinuot ang singsing sa daliri ng babae. Napatakip ako sa bibig habang pinipigilang gumawa ng ingay pero nabigo ako. Tumakas ang mga iyak na hindi ko nagawang pigilan dahilan ng paglingon sa'kin ni Jerome.

"L-lanie." Nagmamadali akong tumakbo paalis. Ang daanan ay kay hirap makita dahil sa mga luha ko. Isang hablot sa'kin ay kaagad ko siyang sinampal. Ang sakit na naramdaman sa palad ay walang-wala sa sakit na nasa loob ko.

"B-bitawan mo ako!" Halos walang tinig ang sigaw na yun. Nanginginig sa galit at sakit na naging dahilan upang ako mismo ay hindi makilala ang boses ko. Ang pait ay paunti-unting kumalat sa pagkatao ko. He was crying when he faced me.

"I'm sorry... mahal ko na siya." Mahina man ay klaro sa pandinig ko. Wala na bang isasakit pa 'to?

"W-walong taon Jerome!" Humikbi ako. Ang sakit.

"Four months is enough to love her Lanie." Four fucking months?!

"And that four months is enough to forget me?! Y-your love for me!" Dinuro ko ang sarili ko. Baka sakaling makita niya ako. Ako na babaeng minahal niya for eight years.

"Four months to realize the truth that I don't see myself growing old with you Lanie." He whispered while looking at me. Inasulto ng sakit ang puso ko, ang sugatang parteng iyon ay tila nilagyan ng asin para mas lalong madipina ang sakit. He's not the man I love. He will never hurt me this way.

"Y-you dreamed with me. Kasama ako sa pangarap mo..." Humina ang boses ko.
Kase totoo yun, ako ang kasama niyang mangarap pero bakit ngayon sa iba niya nilalaan lahat ng naabot nya? "Y-you even build this—" nanginig ang labi ko.

"L-love." Hindi ako lumingon sa babaeng tumawag sa kanya. Sinulyapan niya ang babae bago ako and while staring at his eyes, something hit me. Something painful, fatal and frightening. He's still the man I love but I am not that woman he loves anymore. Napatingin ako sa bahay kung saan kami ang may plano ng lahat-lahat pero iba pala yung ititira niya. "S-sa atin dapat yan." Humikbi ako bago dahan-dahang niluwagan ang hawak sa susi ng bahay hanggang sa tuluyang bumagsak iyon sa lupa. Napapikit ako sa sakit ng tunog niyon na tila ba ako ang nahulog dun.

"I'm sorry Lanie. Pinipili ko siya at ang mga pangarap kong kasama siya." Bigo akong tumango bago tumalikod at nagsimulang maglakad paalis. Paano ko ipaglalaban yung taong may napili na simula pa lang. Tinalikuran ko siya, ang lalaking unang tumalikod din sa akin at sa mga pangako niya para sa amin. Is 4 months really enough to replace the 8 years of memories that you built together? Talaga bang walang kwenta yung tagal ng pagsasama pag nahulog sa iba yung mahal mo? Nagpatuloy akong umiyak, ang pagod at sakit ay nagpamanhid sa puso ko. On our 8 years anniversary, my man proposed marriage to someone else. And it hurts because he's still the only future I have but I am not his anymore.

Sad Story's Where stories live. Discover now