38

254 8 0
                                    

YOUR BOYFRIEND'S FRIENDS ARE NOT YOUR FRIENDS

My name is Sasha, I'm a very simple girl. And when I said simple, it means I wear shirts that's bigger than my size, I don't wear make-ups, hindi pantay ang kulay ng balat ko at marami rin akong pimples. I have a lot of flaws and I'm not proud of it. Yung totoo is napapangitan ako sa sarili ko, I take care of myself pero hindi naman ako yung obsessed sa pagpapaganda katulad ng ibang girls. The funniest thing here is, may boyfriend akong sobrang gwapo. 2 years na kami and until now ay hindi ko parin makita kung anong nagustuhan niya sa'kin. His name is Luigi at hindi lingid sa kaalaman kong ayaw sa'kin ng mga kaibigan niya para sa kanya. Nasa birthday party kami nun ng pabalik ako galing restroom.

"Is that your girlfriend, Luigi? Bakit... bakit hindi naman kagandahan?" Nagtago ako para hindi nila ako makita.

"Pre, sigurado kana ba talaga kay Sasha? Ireto nalang kita sa pinsan ko. Mas maganda yun tsaka type ka." Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Nasaktan ako dun. Mabait naman sila pag magkakaharap kami kaya hindi ko inakalang ganito sila kapag nakatalikod na ako.

"No offense ah pero Luigi, your girlfriend Sasha looks like your maid pag magkasama kayo. Hindi kayo bagay." Sinasabi nila yun ng harap-harapan kay Luigi pero tahimik lang siya. Mas lalo akong nasaktan ng hindi ko narinig na ipagtanggol man lang niya ako. Iilang beses pang naulit yun at sa bawat pagkakataon ay iiyak nalang ako ng tahimik.

Magkasama kami ni Luigi nun, he was doing something on his phone habang tahimik lang ako. "Okay ka lang ba?" He suddenly asked me. Siguro napansin niya na hindi ako palasalita ngayon. Huminga ako ng malalim. My insecurities had been eating me for months now. Might as well let him know.

"H-hindi ka ba nahihiya pag magkasama tayo? Hindi naman ako maganda. Ang p-panget ko k-kaya para sa'yo. Ang gwapo gwapo mo... tsaka.. alam kong ayaw sa'kin ng mga kaibigan mo. Palagi ko silang naririnig actually." Sinubukan kong tumawa ng mahina dahil nakatingin lang siya sakin. "K-kung iiwan mo ako maiintindihan ko naman, baka nga mas magiging maayos kung maganda din yung kasama mo." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Tama ka. Siguro nga mas maayos kung ibang babae na yung kasama ko. May mahal na din naman akong iba, mas maganda." Parang inapakan ang puso ko sa sakit. Ganun ba? Siguro maganda nga talaga yun. Siguro isa sa mga babaeng inirereto sa kanya ng mga kaibigan niya. Napasinghap ako ng may tumulong luha sa mga mata ko.

"K-kaya din siguro hindi mo na ako sinasama pag nakikipagkita ka sa mga kaibigan mo no? Siguro nahihiya k-kana din." Hindi ko na napigilang maiyak. Tumunog ang cellphone niya kaya tiningnan niya yun. Nakababa naman kaya nakikita ko, his friend Martin texted.

"Pre, galit ka ba talaga samin? Para lang diyan sa girlfriend mo kakalimutan mo yung ilang taong pagkakaibigan natin?"

"B-bakit mo binlock si Martin?" Napatingin siya sakin ng gulat ko siyang tinanong nun. Imbes na sagutin niya ay pumunta siya sa gallery ng cellphone at may hinanap dun. Nang mahanap ay iniharap niya sa'kin.

"This is my new girlfriend. She's always insecure about herself but despite of all that, I still love her. Hindi niya alam pero paganda siya ng paganda sa paningin ko bawat araw na dumadaan kaya sana wag na siyang mag-isip na maghahanap pa ako ng iba. Hindi ko siya magagawang palitan." Tinakpan ko ang mukha gamit ang mga kamay at umiyak ng walang tigil. The girl in that stolen picture was full of pimples, naalala kong nagka breakouts ako ng araw na yan at hindi ko alam na kinuhanan niya ako.

"P-picture ko yan e." Natawa siya sa sinabi ko. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Hindi na kita sinasama pag nagkikita kami ng barkada kase ayokong nasasaktan ka pag may narinig kang hindi maganda mula sa kanina. I warned them already pero hindi parin sila nakinig sa'kin. I just block one of my friends because they don't respect you at kung hindi nila matatanggap yun, tatanggalin ko nalang silang lahat sa buhay ko." Nagpatuloy akong umiyak habang hinahalikan niya naman ako sa gilid ng noo. "If they can't accept the woman I love, might as well end our friendship." He whispered.

Totoo nga pala talaga yung kasabihang "your boyfriend's friends are not your friends" susubukan nila kayong sirain sa kahit anong paraan.

Pero totoo rin pala yung  "kung mahal ka ng boyfriend mo hinding-hindi siya magpapadala sa kahit anong tukso, kahit sa mismong mga kaibigan pa niya."

I'm proud to say I fell in love with a real man!

Sad Story's Where stories live. Discover now