PAG ANG BABAE ANG NAPAGOD
" Love, kumain kana ba?"
" Tigilan mo nga ako Eunice. Bakit napakakulit mo?"
" Sorry." Napatungo ako.
" Loyd, may lakad daw kayo nila Melvin ah, pwedeng s-sumama?"
" Para ano? Pabigat ka lang dun! Iisipin pa kita at hindi ako makakapag-enjoy. Gusto mo bang ikaw lang yung nag-iisang babae kase wala silang isasamang girlfriend." I faked a smile. Trixie, one of his friends girlfriend invited me tapos sasabihin niyang walang babae dun?
" Masama ba pakiramdam mo?" Nabuhayan ako ng loob ng mapansin niyang wala ako sa mood ngayon. Masama din talaga pakiramdam ko.
" Umuwi ka nalang. Baka makasagabal ka pa sa game ko mamaya." Napayuko ako ng makaramdam ng sakit.
" Hindi m-mo ba ako ihahatid?"
" Wag ka ng maarte pwede ba? Umalis kana habang maaga pa. Baka ma-traffic ako pag inuna pa kita tsaka kaya mo naman diba?" Tuluyang bumagsak ang luha ko ng tumalikod na siya paalis sa'kin.
Bakit kaya bigla kang nagbago? Dati-rati ayaw na ayaw mong nawawalan ng oras sa'kin pero ngayon parang pabigat na ako sa'yo.
Ilang buwang naging ganun ang set-up namin ng boyfriend ko. I did everything I could para maisalba kami kahit alam kong ako nalang yung lumalaban. Hanggang isang araw nagising nalang akong pagod na sa lahat.
" Loyd, magkita tayo." Isang oras akong naghintay kahit sinabi kong agahan niya. Habang patagal ng patagal ay namamanhid ako. After a few more minutes, he, finally came. Looking so down and bored while walking towards me. Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa kanya. Wag kang mag-alala, last na to.
Loyd's POV
" Ano yun?" Tumabi ako ng upo sa kanya, may kaunting distansya. Aaminin ko, namiss ko siya kase ilang araw din siyang hindi nangulit sa'kin. Nagagawa ko yung mga gusto ko pero parang may kulang.
Nasa park kami, gabi na. Tahimik at walang ingay bukod sa mga iilan lang na sasakyang dumadaan. Nagulat ako ng biglaan siyang humikbi. Nanigas ako sa kinauupuan ko.
" Tama na. T-tigilan na natin to." Parang sinuntok ako sa narinig ko. Diba ito naman yung gusto ko, na mapagod siya ng kusa, magsawa at bumitiw na, dahil hindi ko na siya mahal? Na iwanan niya na ako? Bakit parang masakit na marinig mula sa kanya.
" E-eunice." Nag-angat siya ng tingin sakin kaya nakita ko kung gaano kabasa ang mukha niya. Parang sinasakal ako sa sakit na nakikita ko sa mga tingin niya.
" Pagod na a-akong lumaban mag-isa."
" Pagod na akong magmahal ng t-taong matagal ng nagsawa sakin."
" Pagod na akong maghabol ng taong pilit akong tinutulak paalis." Hindi ko napansin ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Tangina. Anong nagawa ko?
" Ito na yung hinihintay mo. Y-yung taong minsan mong pinangakuan na hindi iiwan... napagod na sa'yo." Napayuko ako. Kasalanan ko lahat. Nagsisisi ako.
Naalarma ako ng tumayo siya. Kaagad kong marahang hinablot ang braso niya pero dahan-dahan niya akong tinulak palayo.
" Tama na. Masakit na. Hindi mo ako iniwan kase hinintay mong mapagod nalang ako sa'yo diba? pero... pero alam mo ba yung sakit na naramdaman ko bago ako tuluyang napagod? Alam mo bang lumaban ako mag-isa para satin kase ayokong mawala ka... k-kase mahal na mahal kita." Humikbi siya.
" Matatakot na ulit akong magmahal ng iba. M-matatakot na ulit a-akong pagsawaan." Sa nanginginig na boses ay nagsalita ako.
" Let's start o-over. Magbabago n-na ako." Umiling siya sa'kin. Her eyes looks tired. She looks flushed. Anong kagaguhan ang ginawa ko sa taong mahal na mahal ko. Sinaktan ko siya at ngayon ko lang na-realize na hindi niya deserve yun.
" S-sorry." I muttered.
" Nakakatawa. The person who once made me feel loved was also the person who would break me more than I deserve. Malaya k-kana. Mahal pa kita pero tama na." Humagulgol na siya ng iyak.
"P-paalam." Tumalikod siya sa'kin. I called her name but she never looked back. Nakatayo lang ako habang pinapanood ang babaeng minahal ako ng sobra at mahal ko padin pala, naglalakad, palayo sa'kin at kasalanan ko lahat kung bakit siya nagsawa.
Napayuko ako at naramdaman ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha ko.
Pinagod ko siya. Kasalanan ko. Masakit pala talaga kapag babae ang napagod kase bago nila isuko lahat, inilaban nila ng sobra. Pinaglaban nila hanggang sa walang matira sa kanila at ang gago ko. Ang gago ng mga lalaking kagaya ko para pakawalan ang babaeng kagaya niya. Alam kong kahit anong gawin ko hindi na siya babalik pa.
YOU ARE READING
Sad Story's
Non-FictionSad story's. One-shots you wanna read. Some story's are mine. Not K-pop related.