SHE WHO LOVED UNCONDITIONALLY
" Wala akong babae. Bakit ba hindi mo maintindihan yun? Maniwala ka naman sa'kin." Tumaas ang boses ko sa inis.
" Anong wala? I saw you two kissing on that freaking video. Stop denying! Wag mo naman akong gawing tanga, Ram." Napapikit ako sa sinabi niya. Nawawalan ng pag-asang mag explain. The girl kissed me at may nakakuha yata ng litrato bago ko pa man matulak yung babae. Ni hindi ko nga kilala yung babaeng yun.
" I love you, Jessa." Pagod na sabi ko. Sarado yung utak niya pag nagagalit at yun yung mahirap dun. Natahimik siya kaya akala ko matatapos na kaming dalawa sa argumentong yun pero nagsalita ulit siya.
" Ano kayang mararamdaman mo kung ako naman yung manlalaki—" Kaagad akong napapreno sa galit sabay hampas sa manibela.
" Bullshit!"sunod-sunod akong nagmura sa galit.
" Masakit diba?" Peke siyang tumawa.
" Get out of the car." I'm so angry. Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng pintuan ng kotse. Kaagad kong pinaharurot ang sasakyan palayo. Nakita ko siyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa. Tatawagan na naman niya yung mga kaibigan niyang mas pinaniniwalaan niya.
It has been months since that fight. Everything changed between me and my wife. Hanggang ngayon ay kinikimkim niya pa rin yata ang galit sa'kin. Sinusubukan ko naman siyang suyuin pero matigas talaga siya. Remembering it makes me upset. Nakaupo ako sa kama habang hinihintay siyang lumabas galing sa CR. Narinig kong bumukas ang pintuan ng banyo.
" Bat gising ka pa?" Napatingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng disappointment ng makitang balot na naman ang katawan niya. Kulang nalang mag gloves siya. Galit akong humiga at tumalikod sa kanya. Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko. Natahimik kami.
" Wala ka paring gana?" Tanong ko. Matagal bago siya nakasagot.
" Wala. Sorry." Sa tinig niya ay alam kong nakatalikod na naman siya sakin. Pakiramdam ko tuloy ay nandidiri siya sakin. Inis akong tumayo at pumunta sa closet.
" San ka pupunta?" Nagbihis ako ng pantalon bago humarap sa kanya. Nakatingin na siya sa'kin ngayon.
" Aalis. Hindi ko alam."
" Mambababae kana naman?" Ibinagsak ko yung hawak na sinturon.
" Tangina naman Jess. Matagal na yun, hindi mo parin ba makalimutan?! Ilang beses na akong nag explain sa'yo diba? Kung ganito naman pala lagi sana hindi nalang tayo nagpakasal." Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Tumalikod siya sakin, her shoulder moved. She's crying. Again. Napatingala ako sa galit bago nagbihis ng tuluyan at umalis. Maghahanap kung saan ako magpapalamig.
Nagluluto siya habang nakaupo ako sa counter. Medyo nakaramdam ako ng guilt ng makitang nangingitim ang ibaba ng mga mata niya. Her eyes are bloodshot too, kakaiyak kagabi. Napansin ko ding nangangayayat na siya. Masyado ba siyang stress sakin? Tsk.
" Mahal—" biglaan siyang umalis. Nakaramdam ako ng inis. I continued eating and ignored it. Ayokong makipag-away na naman. Matapos kumain ay hinanap ko siya para sabihing papasok na ako sa trabaho.
" JESSA! " Papasok na ako sa kwarto ng makitang may nakahiga sa may pintuan. Nagulat ako ng makitang nakahandusay siya.
" Shit. Shit." Nararamdaman kong nanghihina ako habang nagmamadaling magmaneho. Naiiyak. Ayokong may mangyaring masama sa asawa ko. Hindi ko kakayanin.
" R-ram." Mahina ang boses niya. Nagmadali akong magmaneho papuntang ospital.
Ilang test ang ginawa bago malaman kung bakit siya nahimatay.

YOU ARE READING
Sad Story's
Non-FictionSad story's. One-shots you wanna read. Some story's are mine. Not K-pop related.