I KNOW ABOUT MY SISTERS SECRET AFFAIR
" Hihiwalayan ko na siya Ma! Sinasaktan ako ng asawa ko." Umiiyak si ate.
" Anak, baka naman pwede niyong pag-usapan to ni Ranz. Paanu yung mga anak niyo?" Nag-aalalang sabi ni Mama. Alam kong higit sa lahat ay nag-aalala siya para sa mga apo niya.
" Ayoko na Mama, ako na ang bahala sa mga anak ko. Baka mapatay na ako ni Ranz sa susunod. Tsaka nandiyan naman kayo para tulungan ako diba?" Hinayaan kong bumagsak sa aking balikat ang ulo ni ate. Naglalambing na naman sa'kin. We're that close. Naaawa ako sa itsura niya.
" Mabait naman yung asawa mo Anak, baka pwedeng maayos pa." Natahimik nalang si Mama ng umiling si Ate. I brushed my sister's beautiful hair using my fingers.
" Thank you Lina." She smiled at me kaya ngumiti na din ako.
" Nakakainis si Ranz. Nabubwisit ako sa kanya!" She's talking about her husband, Ranz. Ang kaninang maamong muka ng ate ko ay biglang naging matapang ng makapasok kami sa kwarto ko at wala na sila Mama. Pinanood ko pa kung paano niya pinunasan ang make-up sa mukhang nagsilbing pasa. My angelic sister is gone now, naging madilta ang kanyang anyo na ako lamang ang nakakaalam. Mabait lang naman siya sa harapan ng mga magulang namin.
" Hindi ka naman niya binugbog diba?" I asked her calmly.
" Of course not! Tingin mo ba papayag akong saktan ako nun? Palabas ko lang yun para pumayag na sila Mama maghiwalay kami. Hindi ko na siya mahal! Kung maghabol siya sa'kin sobrang nakakainis na. He's obsessed with me sis!" Inis na tugon niya. Ganyan kami ka-close na dalawa. I know all her secrets kase sakin niya sinasabi lahat. Kahit ang mga kasinungalingan niya sa mga magulang namin na sinasaktan siya ng asawa at ang panlalalaki niya. Yes, kahit ang pagtataksil niya ay alam ko. Alam kong mali siya pero kapatid ko siya kaya nasa side niya ako kahit anong mangyari.
" Can you call Andy for me, Sis?" Malambing na suyo niya, tumango ako at kaagad na tinawagan ang kabit niya. Nang may sumagot ay narinig ko kaagad ang pamilyar na boses ng aking pinakamatalik na lalaking kaibigan. Oo, kabit niya ang boy bestfriend ko. Kaming tatlo lang ang nakakaalam sa sekretong to dahil ayaw niyang magmukang masama sa mata ng mga magulang namin. They once met on my birthday and suddenly they had an affair. Dumating ang araw kung kelan nag file na ng legal separation ang kapatid ko laban sa asawa niya. Pinanood ko kung paano nagmamakaawa ang borther in-law ko na magbalikan sila. And because my sister is a good manipulator ay natalo ang asawa niya. I watch my bother in-law Ranz cried so much habang pilit na inaabot ang kamay ng kapatid ko sa korte. Nagmamakaawa ng isang pang tsansa. Umiwas ako ng tingin. Guilty.
" Thank you so much. Kundi dahil sa'yo baka nakatali pa din ako sa ex-husband ko. Ngayon sobrang saya kase magiging malaya na kami ni Andy. Titigilan na din ako ng dating asawa kong masyadong patay na patay sa'kin. " Umalis si Ate at Andy pagkatapos akong pasalamatan. My sister and bestfriend looks happy. Panandaliang tumahimik ang condo ko ng biglang bumukas iyon, hudyat na may sariling susi ang bagong dating sa unit ko. Isang mainit na halik ang sumalubong sa akin. Ngumiti sa'kin ang lalaki habang paunti-unting hinuhubad ang mga suot ko.
" Congratulations ex- brother in law, tagumpay ang kaso mo." Tumawa si Ranz at hinalikan ako sa leeg. Akala ni ate naloko namin si Ranz pero siya ang niloko namin. Bago pa man sila magkaroon ng affair ni Andy ay may relasyon na kami ng asawa niya. I know my bestfriend is the best bait kase alam kong matagal na niyang gusto ang kapatid ko. Pinlano namin ni Ranz na ma-inlove ang ate ko sa iba para madali nalang sa amin ang paghihiwalay nila. My sister is cunning pero mas magaling ako sa kanya. Napangisi ako ng halikan niya ako sa dibdib pababa sa puson ko.
" Mahal kita." Bulong niya.
" Mahal din kita, Ranz." I helped my sister keep her affair because I'm having an affair too, with her husband. Hindi ko siya tinulungang makalaya sa asawa niya dahil mahal ko siya kundi dahil mahal ko ang asawa niya. Ranz and I, manipulated all of them. My sister played the game but I am the coach.
YOU ARE READING
Sad Story's
Non-FictionSad story's. One-shots you wanna read. Some story's are mine. Not K-pop related.