Story 32

151 5 0
                                    

WE'RE FRIENDS BUT I DON'T BELONG TO OUR CIRCLE

" Bea, nagawa mo yung assignment mo?"

" Oo, kokopya kayo?" Kaagad silang naglapitan kaya napangiti ako. Natutuwa talaga ako pag kelangan ako ng mga kaibigan ko.

" Punta tayong canteen, Shane." Napatigil ako sa pagsusulat at pinanood silang lahat na tumayo. Nakaupo lang ako habang nagpupulbo sila hanggang sa umalis at makalabas sa pinto. Kaagad akong nagmamadaling tumayo at sumunod. Nang maabutan sila ay tiningnan lang nila ako at ngumiti sa'kin. Napangiti rin ako. At least hindi ako mag-isa.

Birthday ko ngayon. Nae-excite akong pumasok at malaman kung sino yung babati sa'kin. Nakangiting pumasok ako sa classroom. Kompleto na sila.

" Guys. Libre ko kayo." Kaagad silang natuwa sa sinabi ko. Nakaramdam din ako ng saya. Gusto ko pag masaya sila.

" Bea, birthday mo pala?"

" O-oo." Lumambot ang puso ko ng maglapitan sila at niyakap ako. Binati nila ako. Nakakatuwa naman.

" Buti nalang nakita ko sa Facebook." Pinilit kong ngumiti. Ang saya ko kase alam ng mga kaibigan ko. Salamat sa Facebook.

" Mica, sa July yung birthday mo diba? Mag beach tayo." Parang may bumara sa lalamunan ko matapos marinig yun mula sa kaibigan. Si Mica, kaibigan ko din at 4 months from now pa yung kaarawan niya pero naaalala nila. Peke akong ngumiti.

" Okay students, choose your partner." kaagad na nagsitayuan ang mga kaibigan ko. I watched them joined our other friends and damn, it hurts so much na wala man lang ni isa ang pumunta sa tabi ko para piliin din akong maging partner nila. Naiiyak akong tumalikod at hinintay kung saan ako ilalagay ng guro.

Kaibigan ko naman sila. Mahal ko sila pero minsan naiisip ko kung kaibigan din ba nila ako. Bakit pakiramdam ko nagiging kaibigan lang yung turing sa'kin pag gusto nila. I have friends but why do I feel so alone.

Tatlong taon na kaming magkaklase at magkakaibigan pero pakiramdam ko makikisiksik parin ako sa barkadahan nila. Sana talaga lahat may kaibigan, may bestfriend na kahit may ibang choices pa pipiliing piliin ka.

Sad Story's Where stories live. Discover now