Story 26

174 9 0
                                    

COURTSHIP AND PERSEVERANCE

" Piliin mo yung lalaking tatanungin ka kung pwedeng manligaw kesa dun sa lalaking tatanungin ka kung anong meron sa inyo." Napatitig ako kay Lolo matapos niyang banggitin yun.

" Bakit po? Diba parang same lang naman yung gusto nila na maging kasintahan yung babae?" Tumawa si Lolo sa sinabi ko. Mas lalong nawala ang singkit niyang mga mata.

" Pareho yung kagustuhan pero magkaiba ng intensyon." Kumunot ang noo ko.

" Ano po bang pagkakaiba nun Lolo?"

" Yung lalaking tatanungin kung maaari ka bang ligawan ay ang lalaking gustong mas makilala mo pa siya at makilala ka pa niya. Gusto niyang makita niyong dalawa yung mga panget at magagandang bagay sa inyong dalawa habang nagliligawan. Gusto niya munang patunayan sayo na karapat-dapat siya. Maganda yung intensyon niya sa'yo."

" Yung isa po ba? "

" Kapag biglaan kang tinanong ng lalaki kung anong meron sa inyo imbes na ligawan ka muna, ibig sabihin nun gusto ka niya pero hindi ganun kalalim. Gusto ka lang niya na maaaring maramdaman niya rin yan sa iba. Gusto ka lang niya at baka hanggang duon lang iyon. Gusto ka lang niya ngayon pero walang kasiguraduhan kung pananagutan kaba pag naging kayo na. Maaaring gusto ka lang niya kasi napapasaya mo siya. Walang magandang nangyayari sa pagmamadali lalo na pagdating sa  pagmamahal. Ang pag-ibig ay hindi minamadali, apo. It takes patience and a man with perseverance."

FICTION

Sad Story's Where stories live. Discover now