TINURUAN KONG MAGLARO NG ML ANG GIRLFRIEND KO
" Sigurado ka bang madali lang to?" Natawa ako sa tanong niya.
" Madali lang yan babe. Tuturuan kita. That's... Layla, she's a marksman, madali lang siyang gamitin.." Mataman siyang nakikinig sakin habang nage-explain ako sa kanya. Matagal ko na siyang kinukulit na maglaro kami ng ML para may ka-duo ako kase ayokong may ibang babaeng kalaro kung hindi naman siya. Madali lang namang matututunan yung laro kaya hindi na ako nahirapan pa. Gumawa pa ako ng dummy para makalaro siya dahil mythic na yung account ko.
" Shit!" Napamura ako ng matalo ang main hero kong si Lancelot, kaagad na dumating si Odette, napangiti ako. My girlfriend is a good player now. Hindi na ako nagulat ng biglaan siyang maka savage. Our main heroes are Lancelot and Odette. Katulad namin, magkasintahan din sila.
" Ang galing ko Babe!" Nag apir kaming dalawa. Madalas na din siyang naglalaro ng ML dahil nagsasabay kami palagi.
" Laro tayo?"
"Di ako pwede ngayon e." Hinayaan ko nalang siyang matulog muna dahil pagod daw siya. Medyo naguilty pa ako kase baka napupuyat na siya kakalaro namin. Pinatay ko ang tawag at naglaro nalang mag-isa. Napadalas ang pagtanggi niya na maglaro kami. Nagtataka na ako pero binalewala ko nalang din.
" Anong rank mo na pala?" Tanong ko sa kanya ng minsang magkita kami.
" Epic 1 pa lang." Tumango ako. Inaya ko ulit siyang maglaro pero tumanggi siya. She excused herself dahil magbabanyo lang daw muna. Napatingin ako sa cellphone n'yang naiwan. Alam kong masamang makialam sa cellphone niya kahit girlfriend ko siya pero nakita ko nalang na binubuksan yun. Nakita ko sa history niya ang ML account niya.
" Anong ginagawa mo?" Kaagad kong binaba yun at ngumiti sa kanya.
" Sorry, wala. Umilaw kase kaya akala ko may nag-text sa'yo." Tumango siya sa'kin.
" Nga pala, buburahin ko na yung ML app ko. Boring naman yun e." Ako naman ang tumango.
Our relationship continued, nagpatuloy akong maglaro ng ML, napapadalas na nga kesa dati dahil malapit na namang mag end season. Hindi na rin muling naglaro pa ang girlfriend ko. Sa mga buwang nagdaan ay may nagbago sa relasyon namin.
" Matutulog na ako ah?" I told her, I actually lied dahil maglalaro pa ako. Napag-usapan namin ng kasama kong magpa-party kami ngayon. Ang bago kong ka-duo.
" Sige. Enjoy. Magre-review pa ako e." Kaagad akong nagsimula sa laro ng patayin niya yung tawag. Inabot ako ng umaga kakalaro dahil tuwang-tuwa ako sa bagong kalaro ko.
" Sige, mamayang gabi naman. I love you." Napangiti ako sa message ng babaeng bagong kalaro ko pero napawi din agad ng maalala ang girlfriend ko.
" Magkita tayo. May sasabihin ako sa'yo." My girlfriend texted me. Kaagad akong nagbihis kahit wala pa akong tulog. Nagkita kami sa usual park na tagpuan namin. Its 6 in the morning kaya wala pang tao run.
" Napapansin mo din naman sigurong may nagbago sa atin diba?" Tumango ako habang nakatitig sa girlfriend ko. She looks tired, mailap pa. " Wala na tayong oras sa isa't-isa." Dagdag niya. Pilit kong pinipigilan ang nararamdaman ko.
" Mag break na tayo." Dun na bumuhos ang sakit na pinipigilan ko. Pinigilan kong maiyak. " Hindi na tayo yung dati, Kobi—"
" Sino?" Napatigil siya ng magtanong ako.
" A-ano?"
" Yung bago mo?" Umiwas siya ng tingin sa'kin. Bumagsak ang mga luha niya. Natawa ako ng mahina. Tawang nasasaktan.
" I'm sorry.." Nanginig ang boses niya. " H-Hindi ko sinasadyang magmahal ng iba habang tayo pa."
" Saan mo nakilala?" Tanong ko.
" N-nakalaro ko lang siya sa ML—"
" Si Mr. Apostle?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. " Nakita ko, ilang buwan na yung nakakaraan ng mabuksan ko yung cellphone mo. May bagong account ka at may ibang mga kalaro." Tumingin ako sa taas para maiwasang bumagsak ang mga luha ko pero may iilan pa ring tumakas at tuluyang nahulog.
" Kaya gumawa ako ng isa pang dummy account.. ako yung nakakalaro mo gabi-gabi. Ako si Mr. Apostle. Ako yung lalaking pinangakuan mong hihiwalayan yung boyfriend mo para mapunta ka sakin." Tumingin ako sa kanya ng malungkot. Umiiyak siya. Siya yung bagong ka-duo ko, I will never cheat on her. Ngumiti ako ng malungkot bago tumalikod paalis. I just lost my Odette.
YOU ARE READING
Sad Story's
No FicciónSad story's. One-shots you wanna read. Some story's are mine. Not K-pop related.